CHAPTER 23

27.2K 1K 35
                                    

"ARE you ready?" Hirro asked mockingly when I came into their mansion.

"Do I have to do this? She can always protect me," I said lazily.

"Fvck!" bulaslas ko nang makatanggap ako ng malakas na batok mula sa kaniya.

"You fvcking as*hole. Buhay mo 'yan, tapos iaasa mo sa kapatid ko? Pumasok ka na sa loob at magbanat ng buto," asik niya at naunang pumasok sa mansyon.

Nakangiti kong tinanaw ang kaniyang likod at napailing. "It was a joke," I murmured, and I went inside.

Sinundan ko siya sa paglalakad hanggang sa pasukin namin ang isang silid. Naabutan namin doon ang dalawang pigura na naglalaban gamit ang mga espada, kapwa may takip ang mukha. Gano'n pa man ay alam kong si Zhynn ang isa roon sapagkat pamilyar ako sa hubog ng katawan niya.

Puro pag-atake ang ginagawa ni Zhynn habang panay salag naman ang kalaban. Ang bawat pagdiit ng kanilang sandata ay gumagawa ng matinis na tunog sa loob ng silid. Bakas ang katalasan sa mga espada na gamit nila base pa lang sa pangingislap ng talim niyon. Mariin akong napalunok at bumaling ng tingin kay Hirro na prenteng nakatayo habang nasisiyahan sa panonood sa dalawa.

"We're going to use a real weapon?" mahinang usal ko.

Slowly, he glanced at me and then smirked. "The more reason to protect yourself," he answered.

Napahilot na lang ako sa aking sentido at napatuon muli sa dalawa nang dumaing ang kalaban ni Zhynn. Bahagya silang magkalayo ngayon.

She sounds familiar.

Nakita ko ang patulo ng dugo mula sa kaniyang balikat. Daplis lang 'yon ngunit dahil sa talas ng mga gamit nilang armas ay gano'n na lang ang naging lalim ng tama niya.

Zhynn smirked devilishly and prepared herself to defend. It was as if she knew that their real fight would start now.

Hindi nga ako nagkamali ng naiisip. Mabilis na kumilos ang kalaban patungo sa kaniyang direksyon. Kung kanina ay si Zhynn ang umaatake ngayon ay siya naman ang dumedepensa. Nagpaikot-ikot silang dalawa, tila may isang bilog na ilusyon sa sahig na hindi nila pup'wedeng lampasan.

They are both fast, but Zhynn's attack was stronger than hers.

Nanlaki ang mga mata ko nang pabulusok na isasaksak ng kalaban ang espada sa bandang tiyan ni Zhynn. I was about to shout, but I stiffened instead.

"Arghh!"

Namamaluktot na bumagsak ang kalaban ni Zhynn sa sahig matapos niya itong hampasin sa leeg at malakas na sipain sa tagiliran nang umikot siya nang mabilis patungo sa likuran niya.

"The fastest assasin I knew," Hirro spoke on my side.

Ilang beses akong napakurap at muling binalikan ang nangyaring eksena sa isip ko. Hindi pa ako nakakakita ng galawan ng mga assasin bagamat may ideya ako sa pakikipaglaban, gano'n pa man ay sumasang-ayon ako sa sinabi ni Hirro.

She's the fastest.

Nakatayo si Zhynn sa harap ng kalaban niya habang nanghihina namang umupo ang babae nang makabawi siya sa ginawang atake sa kaniya. Marahang inalis ni Zhynn ang tabon sa kaniyang mukha, inipit niya iyon sa kaniyang braso at inilahad ang kabilang kamay sa kalaban upang tulungan siyang tumayo.

The opponent smiled and shook her head before taking Zhynn's help. "Still unbeatable as ever, Yura," she stated when she finally stood up.

Nangunot ang noo ko sa pag-iisip kung saan ko nga ba narinig ang boses niya. Slowly, the girl removed her cover, and it shocked me.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon