YURA'S POV
"YOU'RE here," untag niya mula sa likuran ko.
Hindi ko s'ya nilingon. Pinagpatuloy ang pagmamasid sa buong eskwelahan mula sa rooftop ng gusali na kinaroroonan namin. Naramdaman ko ang paglalakad niya hanggang sa mapunta siya sa gilid ko.
"Ano'ng iniisip mo?" seryosong pang-uusisa n'ya.
I let out a deep sigh and looked at him. "I can feel it, Takeo. The war is coming," mahinang anas ko.
He stared at me for a short moment and then walked behind my back. Naramdaman ko ang unti-unting pagpulupot ng braso niya sa baywang ko kasabay ang pagdikit ng katawan niya sa 'kin.
"You're ready for that, right?" maamong tanong niya.
Mapait akong ngumiti sa kawalan. "I am . . ." Isinandal ko ang sarili ko sa kaniya. "But still, umaaasa ako na hindi na aabot sa puntong 'yon," I murmured.
Naramdaman ko ang malalim niyang paghinga. Marahan niyang hinaplos ang braso ko na tila ba sa gano'ng paraan ipinararamdam ang pag-intindi niya sa 'kin.
I roamed my eyes around the campus. "It was so peaceful back then . . ." I smiled weakly when I remembered this academy before.
"Lahat tutok sa pag-aaral. Ang pagbagsak lang ang kinatatakutan dito noon. Kaya naman hindi naging mahirap sa akin ang makisama rito sapagkat may mga sari-sarili kaming mundo. Sila sa pag-aaral habang ako naman ay abala sa pagtatago." I smiled again as the memories flashed back in my mind.
"I am the mafia queen, and they will definitely use my child as a threat to me," I stated.
"It's our, love," pagtatama ni Takeo sa sinabi ko.
Mahina akong tumawa at bahagyang umiling. "Yeah, our child," aniko.
"Akala ko mananatiling tahimik ang mundo ko. Hanggang lumipas ang isang taon, sumunod dito si Xirenn. I knew from that moment that Perez Academy would never be at peace again." I sighed and got off Takeo's hug.
Mabagal akong humarap at sinalubong ang mga mata niya. "Hindi ko ginusto na magpakita ng dahas dito. Hindi ko ginusto na mas katakutan ako ng mga estudyante, ngunit wala akong magawa dahil sa tuwing nagkakaharap kaming dalawa, inuubos niya ang maiksi kong pasensya. We always fight. Gaano ko man habaan ang pasensya ko ay palagi itong nauubos sapagkat . . ." I took a deep breath and averted my gaze. "Naaalala ko na siya ang dahilan kung bakit namatay si Zhayn, kung bakit ka nawala sa 'kin, kung bakit . . . walang kinikilalang ama si Zakiah," namamaos kong saad.
"Zhynn," he called my name softly and held my chin to make me look at him.
Malamlam niya akong tiningnan at marahan na hinaplos ang pisngi ko. Doon ko pa lang napansin na lumuluha na pala ako.
"I am sorry because I was not there during your pregnancy." I saw guilt in his eyes. "I promise, I will never leave you again." He pulled me for a hug and kissed my head.
Niyakap ko siya pabalik at isiniksik ang sarili ko sa dibdib niya.
It's always been like this before. Takeo has been my safety pin, my Achilles heel, and my breathing space.
"I want Perez Academy to be peaceful again, Takeo," paglilinaw ko sa gusto kong mangyari.
"Don't worry. I am now here; I'll tame you like before," aniya at hinaplos ang aking buhok kasabay ng paminsan-minsang paghalik sa noo ko.
Nanatili kami sa gano'ng posisyon. Sinusulit ang pagkakataon na magkasama kaming dalawa habang dinarama ang payapa na kapaligiran.
"Just . . . let me be with our daughter, love," he murmured.
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Ficção AdolescenteTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...