NAGISING ako sa pakiramdam na may humahaplos sa mukha ko. Balak ko na sana iyong pilipitin kung hindi ko lang nakilala ang presensya niya. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang maamong mukha ni Takeo.
Hindi ako nagpakita ng emosyon habang nakatitig doon. Tipid siyang ngumiti bago unti-unting inilapit ang kaniyang mukha sa akin.
Napapikit na lang ako nang lumapat ang labi niya sa noo ko. Marahan akong dumilat nang lumayo na siya sa akin. Doon ko pa lang nagawang pagmasdan ang paligid.
Gano'n na lang ang bilis ng pagbalikwas ko at pagkabog ng dibdib ko nang mapagtantong k'warto niya ito.
Dinala niya ako sa bahay nila!
Mariin na lang akong napapikit at kinontrol ang aking paghinga.
"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong niya kasabay ang paghawak sa isa kong kamay.
Iminulat ko ang aking mga mata at blangko siyang tiningnan.
"Why did you bring me here?" walang emosyon kong sambit.
Napatitig siya saglit sa akin habang may pagkalito ang kaniyang mukha.
"Alam mo kung nasa'n tayo?" balik niyang tanong.
Natigilan ako at napaiwas ng tingin.
Paanong hindi ko malalaman ay hilig mong dalahin ako rito at patulugin?
"Uuwi na ako. Kailangan kong makita ang kapatid ko," usal ko at tumayo.
Mabilis niya namang nahawakan ang braso ko nang asta akong aalis. Hindi iyon mahigpit ngunit hindi rin maluwag. Nilingon ko siya at gano'n na lang ang panghihina ko nang makita ang malamlam niyang mga mata na nakatingin sa akin.
"One hour," tipid niyang sambit.
Napabuntonghininga na lang ako bago siya muling tiningnan.
"Why are you doing this?" kalmadong tanong ko.
Umupo siya sa kama at gano'n na lang ang gulat ko nang bigla niya akong hilahin dahilan para mapaupo ako sa hita niya.
Paniguradong mapula ang aking mukha dahil ramdam ko ang init mula roon.
"Should I kill you now?" pilit na asar na tanong ko kahit pa panay ang kabog ng aking dibdib.
Gusto kong umalis o pumalag, subalit pagdating talaga sa kaniya ay mahina ako. Mula noon hanggang ngayon, siya pa rin ang kahinaan ko.
"Can you?" hamon niya sa akin at ipinulupot ang kaniyang braso sa tiyan ko.
Argh! He really knows how to control the game. Darn it!
"Ilang araw pa lang kita nakikita, pero pakiramdam ko matagal na kitang kilala. Well, totoo naman talaga kahit naguguluhan ako kung paano nangyari iyon," bulong niya sa likuran ko bago isinubsob ang mukha niya sa gitna ng leeg ko habang nakapatong ang baba sa aking balikat.
"Ano ba?" mahinang angil ko saka kumawala sa kaniya.
Sinamaan ko siya ng tingin nang makalayo ako nang kaunti.
Nagbuga siya ng mabigat na hininga bago ako muling kinabig at kinulong sa yakap niya.
I was about to talk when I felt his hand gently circling around my tummy area.
Para akong unti-unting nawalan ng lakas nang sandaling iyon.
"W-What are you doing?" nanghihina at utal kong sambit.
He stopped and shrugged before planting light kisses on my temple.
"Sorry for making you uncomfortable. I also don't know why I did that," mahinahong paumanhin niya.
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Teen FictionTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...