CHAPTER 14

26.5K 1.2K 107
                                    

MY mind was blank when I got home. Nadatnan ko si Zakhira na seryosong nag-aaral sa sala. Inayos ko ang aking salamin dahil bahagyang lumuwag iyon.

Natigilan ako at napapikit nang mariin. Kaya pala.

Kaya pala hindi ko maalis-alis ang salamin na ito noon dahil nanatili ang halaga nito sa utak ko.

"Totoo ba?" tanong ko sa kapatid ko.

Inangat niya ang kaniyang paningin sa 'kin kasabay ang pangungunot ng kaniyang noo.

"Totoo bang hindi namatay si Zhayn sa car accident?" I asked clearly while gritting my teeth.

Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata ni Zakhira na mabilis ding napalitan ng pagiging seryoso. She leaned on the sofa and looked at me straight.

"Yes," she simply answered, waiting for me to ask a question again.

"Yura, was she the one who killed him?" I asked emotionlessly.

My sister smirked, 'though I can see the pain and longing in her eyes. "Huhulaan ko, hindi mo na naman siya pinagpaliwanag," aniya sa halip na sagutin ako.

Natigilan naman ako sa kaniyang tinuran. Somehow, I felt attacked.

"What's going on?" I heard mom's voice as she walked down the staircase.

Sinilip ko siya saglit at salitan na tiningnan sila ng kapatid ko.

"I should be the one asking that. What the hell is going on?" matigas kong tanong.

Nangunot ang noo ni Mommy at tumingin kay Zakhira upang manghingi ng ideya sa nangyayari. Tamad na ibinaba ng kapatid ko ang hawak niyang ballpen at pinagkrus ang kaniyang mga braso.

"Kuya Zhayn," she simply said.

My mom's face became stern. Huminga siya nang malalim at tumitig sa 'kin. "What did you say to her?"

I raised my left eyebrow at her reaction. Bakit mas mahalaga pa sa kanila na alamin ang tungkol kay Yura kaysa kapatid ko?

"Why are we talking about her? Hindi ba ang dapat nating pinag-uusapan ngayon ay ang tungkol kay Zhayn?" asik ko.

"Because you're doing it again," Zakhira hissed and stood up from her seat.

"Do what?" I clenched my jaw.

She smirked and walked closer to me. "Ang talikuran ang lahat dahil lang nasasaktan ka," she said.

Hindi ako nakaimik. I glance at my mom, who's seriously looking at me right this moment.

"Siya ba ang nagsabi sa 'yo ng tungkol kay Zhayn?" mom asked.

"Yes," paos kong tugon.

"Did she really kill my brother?" I added.

"Oo," agad na sagot ni Mommy.

I fisted my hands and shut my eyes tight. "Then why do you sound worried about her? You should be mad at her," I stated.

Malungkot na ngumiti si Mommy, gano'n din si Zakhira.

"Dahil pinakinggan namin siya," mom answered.

"Nagalit din kami, nasaktan katulad mo, pero may lakas kami ng loob na harapin ang lahat," Zakhira continued.

Pagak akong tumawa at napahilamos sa 'king mukha. "She. Killed. Him. It's fvcking clear! Pinatay niya ang kapatid ko, ang kapatid natin, ang anak n'yo. Wala bang halaga sa inyo ang buhay niya para mas mag-alala kayo sa taong pumatay sa kaniya?" singhal ko.

Mabilis na lumapit sa 'kin si Mommy at ginawaran ako ng isang malakas na sampal. Nabigla ako sa kaniyang ginawa, inaasahan kong pati si Zakhira ay magugulat doon ngunit kabaliktaran ang aking nakita—tila ba ginusto rin niya ang ginawa sa 'kin ng aming ina.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon