CHAPTER 26

24.1K 945 53
                                    

"TAMA ba ako ng napapansin?" bulaslas ni Gavier sa gilid ko.

Kunot-noo ko siyang binalingan ng tingin. "We're in the middle of the class, Gavier," suway ko sa kaniya at inayos ang aking suot na salamin.

Napanguso naman siya at tumingin sa direksyon ng babaeng mahal niya. "Hindi ka na niya nilalapitan ngayon. May ginawa ka ba sa kaniya?" pang-aakusa niya sa 'kin.

Napahilot na lang ako sa 'king sentido at muling tumingin sa guro na nagtuturo sa unahan. Naroon man ang atensyon ko ay hindi ko maiwasang mapaisip sa sitwasyon ni Gavier.

"Dude, you didn't speak ill of her, right?" seryosong wika niya.

I gave him a serious look. "Gavier, isang tao lang ang pinag-aaksayahan ko ng panahon. Iyon ay ang babae sa unahan ko, kaya tigilan mo ang pag-iisip ng kung ano-ano, bagkus ay matuwa ka na lang at hindi na niya ako dinidikitan," mariin kong sambit.

He let out a frustrated sigh and disheveled his hair. "Nakapaninibago kasi," he murmured.

"Then ask her." Umayos ako sa pagkakaupo at tumitig sa likuran ni Zhynn. "After all, kayo lang naman ang hindi maayos," mahina kong bulong sa hangin.

"May sinasabi ka ba?" usisa niya.

Itinaas ko ang isa kong kamay upang senyasan siya na huwag nang makipag-usap pa. Sinunod niya naman iyon kaya matiwasay kong nasundan ang itinuturo ng guro sa unahan kahit paminsan-minsan ay napupunta kay Zhynn ang aking atensyon. Palagi siyang ganito sa ibang tao na nakapaligid sa kaniya, malamig ang pakikitungo na animo'y walang pakialam sa kanila. Hindi ko maiwasang mapaismid nang maalala ang kagustuhan niya na maging payapa muli ang eskwelahan na ito.

Kailangan niya muna sigurong pag-aralan na ngumiti sa kanila.

"Stop staring, Takeo," Zhynn said coldly as she remained in her position.

Pasimple kong nakagat ang ibaba kong labi sa kamanghaan sapagkat gano'n na lang talaga kalakas ang pandama niya. Hindi na katakataka para sa isang pinuno ng mafia. Nag-ensayo siya ng iba't ibang klase ng pakikipaglaban, tinanghal na isa sa pinakamabilis na assasin, kinilala bilang isa sa mga brutal na mandirigma.

"And if I don't want to?" mapaglarong hamon ko at prenteng sumandal sa arm chair.

She slowly glanced at me.

"Hindi ka na makalalapit kay Zakiah," she said.

My jaw automatically dropped at her statement. Inaasahan ko ang linya niyang, 'Should I kill you now?', pero mukhang nag-level up ang panakot niya. Ilang beses akong napakurap at astang magsasalita, ngunit palaging nawawala ang sasabihin ko. Nagbalik lang ako sa sarili nang makita ko ang palihim na pag-angat ng gilid ng kaniyang labi.

Playing with me, huh?

Itinukod ko ang aking siko sa armchair at ipinatong ang aking baba roon. "Want me to impregnate you again, love?" I asked huskily, with a warning in my voice.

Her face automatically went pale, then turned red after a while. Mabilis niya akong tinalikuran at umayos sa kaniyang pagkakaupo.

"Y-You can't bed me again," utal niyang sambit sa pinatatag niyang tono.

A smile crept into my face. Marahan akong yumuko palapit sa likuran niya at saka hinipan ang likod ng kaniyang tainga. Nakita ko kung paano umangat ang magkabilang balikat niya kasabay ang paninigas niya sa pagkakaupo. Matinding pagpipigil ang ginawa ko huwag lang matawa sa kaniyang reaksyon.

"Should I try later?" I whispered.

Mabilis siyang lumingon sa akin dahilan para parehong manlaki ang mga mata namin kasabay ang mabilis kong paglayo.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon