YURA'S POV
"AS usual, dito pa rin kita matatagpuan," pukaw pansin sa akin ng parating.
Kilala ko ang boses at presensya niya kaya hindi ko na kailangan pang lingunin para malaman.
Nandito ako ngayon sa rooftop ng college building.
Standing behind the railings while puffing a cigarette.
Tiningnan niya ang kabuohan ko bago naglakad sa aking tabi.
"Are you okay?" alanganin niyang tanong habang diretso ang tingin sa kawalan na siya ring tinitingnan ko.
Humithit muna ako sa sigarilyong hawak bago marahang bumuga.
"Tingin mo, bakit nangyayari lahat ng ito?" walang emosyon kong tanong bago siya tinapunan ng tingin.
Nagtataka naman siyang tumitig sa akin.
Muli kong itinuon sa unahan ang aking atensyon.
"Bakit kailangang magsama-sama kaming muli? Bakit pagkatapos ng ilang taon ay muli ko siyang makikita?" pabulong kong sabi saka ngumiti nang peke sa kawalan.
"Dahil siguro hindi natapos ang anumang sinimulan ninyo?" he answered.
Peke akong napatawa bago siya tiningnan.
"Matagal ng tapos, Lanz. Matagal na, buhat noong iniwan niya ako at kalimutan," mapait kong wika at tinapon ang hawak kong sigarilyo.
"Dahil hindi mo ipinaliwanag ang lahat. Hindi ka lumaban," sagot niya sa akin.
Napailing na lang ako at saka tumingala sa langit. Pinagmasdan ko kung paano gumalaw ang mga ulap—mabagal, payapa, at animo'y hinehele ka sa kawalan.
"Paano ako lalaban kung kusa na siyang bumitiw? Paano ako magpapaliwanag kung alam kong may sarili siyang paniniwala? Paano ko gagawin ang mga 'yon sa oras na iyon?" wala sa sariling sambit ko bago nagpakawala ng mabigat na hininga.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko kaya naman natuon sa kaniya ang atensyon ko.
Ngumiti siya sa akin, pero batid ko ang lungkot sa mga ngiting iyon.
"Tara na. Mahuhuli na tayo sa klase," anyaya niya.
Wala na akong nagawa kundi ang magpaakay sa kaniya dahil pakiramdam ko ay nanghina ako sa lahat.
TAKEO'S POV
"P'RE, ayos ka lang?" agad na tanong sa akin ni Gavier pagkapasok niya.
Tumango na lang ako bilang tugon habang ang isip ko ay lumilipad pa rin sa mga katagang binitiwan niya.
Achilles heel?
Paanong ako ang naging kahinaan niya?
Kilala niya ba ako?
Kilala ko ba siya?
"Salamat."
Nakuha niyon ang atensyon ko. Do'n ko lang naalala na hinablot ko nga pala si Xirenn para 'di siya masaktan.
Bakit iba ang pakiramdam ko? 'Yon nga ba ang dahilan ko? Mayroon sa loob ko na nagsasabing kaya ko ginawa iyon dahil ayoko siyang makapanakit, si Yura.
Bakit ko nararamdaman ang lahat ng ito?
Tumango na lang ako sa kaniya bago siya iniwan at pumunta sa upuan ko.
Nakita ko naman sa peripheral vission ko ang palabas niya sa pintuan.
"P're, huy!"
Muling natuon ang atensyon ko kay Gavier. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Ngumiti naman ako.
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Genç KurguTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...