CHAPTER 32

27.6K 1K 157
                                    

HIRRO'S POV

STARING at my sister, who's bleeding at this moment, makes me want to kill someone, but the way she silently shed tears with her emotionless eyes stunned me.

She's now at her weak point.

"Iyan lang ba ang kaya mong gawin, Alectrona?" Xirenn mocked.

"Tang*na n'yo! Mga duwag!" galit kong sigaw sa gitna ng aking pagwawala.

"Manahimik ka!" Gavier shouted and punched me right into my abdomen.

Napaungot naman ako at napaubo. Nanghihina kong iniangat ang aking paningin kay Takeo na ngayo'y tulala habang nanatiling nakatutok ang kaniyang baril patungo sa kapatid ko.

"Fvcker . . . wake up," I murmured between my grumbles.

"Huwag na huwag ninyong inuugali na saktan ang kapatid ko," malamig at gigil na usal ni Yura.

Muli akong napatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o hahanga sapagkat nakatayo na siyang muli, naroon pa rin ang mga luha sa kaniyang pisngi na hindi niya pinagkaabalahang punasan.

"Wala akong pakialam sa 'yo, Kakia. Pero hayaan mong balaan kita . . ." Matalim siyang tiningnan ng kapatid ko saka sumilay ang nakalolokong ngisi sa labi niya. "Iligtas mo ang sarili mo."

Xirenn scoffed and laughed mockingly. "Alectrona, Alectrona, Alectrona," she chanted as she shook her head. "Nakalilimutan mo 'ata na hawak ko ang buhay ng mga mahal mo?"

Sa halip na matakot ay malakas na tumawa ang kapatid ko kahit pa puno iyon ng kalamigan.

"Baka rin nakalilimutan mo, Kakia . . ." Unti-unting nawala ang mapaglarong itsura ni Yura. "Hawak ko rin ang buhay ninyo."

Mabilis na nagpakawala ng mga putok si Yura sa direksyon ni Xirenn kasabay ng iba pang bala na patungo kay Gavier. Doon ko napansin sina Prexia at Lanz na sumusuporta sa mga atake ng kapatid ko. Walang nagawa sina Xirenn kundi ang sabay na umiwas at tumalon ng hagdanan upang makapagtago dahilan para maiwan kami ni Takeo sa aming puwesto.

"Kill her, Takeo!" malakas na sigaw ni Xirenn habang nakikipagpalitan ng bala sa mga kasamahan ko.

Astang susunod si Takeo kaya naman mabilis akong kumilos para sipain siya at untugin nang malakas. Napatumba siya at napadaing sa sakit. Kinuha ko naman iyong tiyempo para paika-ikang tumakbo patungo sa lokasyon nina Lanz at Prexia habang prinoprotektahan nila ako sa mga posibilidad na atake ng kalaban.

"Faster!" utos ko rito patukoy sa pagkalas ng tali sa kamay ko.

"Where's milady?" usisa ni Lanz.

"Hindi ko rin alam. Inihiwalay siya sa amin sandaling nagkaputukan na rito sa ibaba," tugon ko. Naroon ang pag-aalala sa aking dibdib sa pag-iisip sa kalagayan ng pamangkin ko.

"She's already lost," puna ni Lanz at sabay naming pinanood ang kapatid ko, walang-awa niyang sinasalubong at pinapatay ang mga tauhan ng kalaban.

Halos mapuno ng dugo ang suot niyang damit dahil sa bawat brutal na hampas ng kaniyang espada sa mga ito. Muli ko na namang naalala ang nangyari noon, hindi ko man iyon personal na nakita ay nasisigurado kong ganito rin ang eksena niyon.

"Cover her," patukoy ko sa mga kalaban na may hawak na baril at saka pinunit ang laylayan ng aking damit upang itali sa sugat ko.

Ibinigay sa akin ni Prexia ang extra niyang baril at nakipagsabayan na rin ako sa pagpapaputok sa mga parating na kalaban.

"Baka maubusan siya ng dugo," nag-aalalang wika ni Prexia at mahinang napamura sa huli.

Pare-pareho man kaming nangangamba ay wala kaming magawa kundi ang umasa rin sa abilidad ng kapatid ko. Maaaring hindi namin siya makontrol sa mga oras na ito, ngunit ang kahinaan niya ang siya niyang kalakasan sa pag-atake.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon