TAKEO'S POV
DAMN it!
Bakit ba puro bihasa ang mga nakikilala kong babae? Tanging kapatid ko lang 'ata at si Mommy ang mga babae na mapakikisamahan ko nang kampante.
"Fvck!" hindi ko naiwasang mapamura nang malakas niyang hampasin ang kaliwa kong balikat gamit ang hawakan ng espada nang sumugod ako sa kaniya.
I saw her smirk. "What now, Takeo? Hanggang gan'yan mo na lang ba kayang protektahan ang sarili mo?" pangmamaliit niya habang tamad na nakatukod ang kaniyang siko sa espadang hawak.
Tiim-bagang akong nagngitngit ng ngipin sa inis. Tumingin ako sa hawak kong espada, aaminin ko na hindi ako sanay rito. Hindi ko ito pinagkaabalahang pag-aralan noong nasa Japan ako. Tanging tsako at martial arts ang inensayo ko noon.
Natigilan naman ako at unti-unting napangiti nang pumasok ang isang ideya sa utak ko.
Bakit ba ngayon ko lang naisip iyon?
Masyado akong natuon sa hawak kong armas. Kung paano ito iaatake at idedepensa, nawala sa isip ko ang aking pagkilos.
Umangat ang kanang kilay ni Prexia nang makita ang pagngiti ko. Tila nanghahamon iyon at nanunuya. Naiinis man ay hindi ako tuluyang nagpaapekto. Imbis na ipakita ang pagkaasar ko ay inismiran ko siya. Ako naman ang nanunudyo sa kaniya sa oras na ito.
"I wonder. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kaibigan ko sakaling malaman niya ito?" patukoy ko kay Gavier.
Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon sa kaniyang mukha bagamat pilit niya iyong ikinukubli. Humigpit ang hawak niya sa espada at pumosisyon nang maayos, isang paghahanda para sa kaniyang parating na pagsugod.
Tumalim ang kaniyang paningin at mabilis na sumugod sa akin. She was about to hit my abdomen, but I quickly made a turn and hit her nape using my sword's bottom part. Yeah, ginaya ko ang ginawa niya.
Napangiti ako nang malakas siyang dumaing kasabay ang muntikan niyang pagkatumba. She gave me a death glare and attacked again; this time I knew she'd definitely use her blade.
Paulit-ulit ko namang iginalaw ang katawan ko paiwas sa mga atake niya. Oo, hindi ko kabisado ang paggamit ng espada, ngunit kaya kong pantayan ang galaw niya gamit ang pinag-aralan kong pagdepensa. Hindi naman nagkakaiba ang pag-iwas sa tsako at espada; pareho mo lang din iiwasan na matamaan ka ng mga ito, kaya hindi naging mahirap sa akin na pantayan ang pagkilos ni Prexia.
Bukod doon ay gumana ang plano ko na gamitin ang emosyon niya.
Hindi ko akalain na magagamit ko si Gavier kanina.
"Argh!" daing ni Prexia nang sipain ko siya sa tagiliran.
Mariin siyang pumikit at saka nagliliyab ang mga mata na tumingin sa 'kin. Maya-maya pa ay isang pangmamaliit na titig ang ginawa niya.
She smirked and swayed her sword slowly. "Bakit hindi mo gamitin ang talim ng hawak mo, Takeo?" Saglit siyang umismid at natuon ang mga mata sa hawak kong armas. "Do you know that the sword you are holding right now is called the Blade of Death?"
Blade of Death?
"Can you even kill, Takeo?" she asked, which caught me off guard.
Kinuha ni Prexia ang pagkakataon na iyon para sumugod. Mabilis siyang kumilos patungo sa 'kin at itinutok ng dulo ng kaniyang espada sa leeg ko. Isang maling kilos ay alam kong dudugo ang leeg ko sandaling lumapat ang aking balat sa hawak niya. Gano'n na lang ang gulat ko nang tumutok ang isang baril sa sentido ni Prexia.
"You're pointing at the wrong man, my friend," Zhynn said coldly as her eyes were emotionless.
Nakita ko ang mabilis na pagkain ng kaba sa mukha ni Prexia. Gusto kong humanga sa taglay na awtoridad ni Zhynn, ngunit hindi ko iyon magawa ngayon dahil ako mismo ay tila nangangapa sa kalamigan niya.
Mabagal na binawi at ibinaba ni Prexia ang kaniyang sandata. Nanatili naman ang nguso ng baril ni Zhynn sa sentido ni Prexia. She glanced at me and scanned my whole body.
"Fvck!"
"Damn!"
Magkakasabay naming pagmumura nang isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw.
"Zhynn Yura Perez!" galit na sigaw ni Hirro bagamat bakas ang kaba sa kaniyang mukha.
Ibinaba niya ang kaniyang paningin sa cellphone na ngayon ay lasog-lasog na dahil sa pagkakabaril ni Zhynn.
"Huwag mong istorbohin ang reaper ko, kuya. Kapag nawala ang atensyon niya sa anak ko ay sa 'yo sunod na tatama ang bala ng baril na ito," pagbabanta ni Zhynn.
Wala nang nagawa pa si Hirro kundi ang palihim na mapalunok.
"Ang sabi mo ay sanayin ko siya, Zhynn." Pilit na pagpapatibay ni Prexia sa kaniyang tinig.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Zhynn. "Oo nga, sanayin hindi saktan, Prexia. You hurt him seven times!" pagrarason niya.
Napaawang ang bibig ni Prexia sa tinuran niya. Kahit ako ay napatampal na lang sa aking noo. Si Hirro naman ay palihim na napailing dahil sa kapatid.
"Zhynn," pagtawag ko bago pa man maputol ang pasensya niya na siya rin ang nagpapaikli.
I saw she shut her eyes tight and looked at me. "What?" nakanguso niyang tanong.
Tipid akong ngumiti sa kaniya at inialok ang aking kamay. "Let's go. It's time for us to play with our daughter," I said.
Hindi nakatakas sa 'king pandinig ang sabay na pagmutawi ng what-the-fvck nina Prexia at Hirro.
Agad na naglamlam ang mga mata ni Zhynn at marahang naglakad patungo sa akin. Ang kaniyang baril ay muli niyang isiniksik sa likuran ng kaniyang baywang bago inabot ang aking kamay.
"Ano'ng lalaruin natin?" she asked innocently. Tila ba wala siyang ginawa na katakot-takot.
I shrugged. "Bahay-bahayan," suhestyon ko at ngumisi nang nakaloloko.
Tulad ng inaasahan ko ay sinamaan niya ako ng tingin. Mahina akong tumawa at saka siya inakbayan.
"Kung anuman ang gusto ng anak natin," matino kong saad.
I heard her tsk. "She will always choose chess," she uttered lazily.
Napatigil ako sa balak kong paglakad at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa kaniya. "Zakiah knew how to play chess?!" I asked hysterically.
"She even played darts," I heard Hirro murmur.
What?!
Kunot-noo naman akong pinagmasdan ni Zhynn. "Minamahina mo ba ang anak ko, Takeo?" inis niyang usisa.
"What? Minamahina? Saan mo naman nakuha 'yan?" agad kong wika.
"Daig mo pa kasi ang gulat na gulat. No, actually, you are really shocked right now," she complained.
I blink several times and look at Hirro, who's suppressing his smile.
Sino ang hindi magugulat kung mas maalam pa sa akin ang musmos kong anak sa mga gano'ng bagay?
"Yura started playing chess when she was two years old," Hirro mumbled.
Napahinga na lang ako nang malalim at muling inayos ang pagkakaakbay kay Zhynn upang ilayo sa lugar. I need to tame this demon; I knew she'd be figthing Prexia if I left her here.
"Mukhang ngayon pa lang ay magsisimula na akong kainin ang ego ko," naiiling na bulong ko sa hangin habang isinasabay si Zhynn sa aking paglakad.
"Huh? Anong itlog ang kakainin mo?" takang tanong sa akin ni Zhynn.
Jeez!
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Teen FictionTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...