CHAPTER 2

47.3K 1.7K 465
                                    

YURA'S POV

"WHAT was that?!" sigaw sa akin ng kapatid kong si Hirro pagkatapos niya akong kaladkarin patungong headquarters.

Tamad ko lang siyang tiningnan at saka sumalampak sa sofa. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na lang ang iba pa niyang sermon.

"Wala ka man lang bang balak sagutin ang tanong ko, Zhynn Yura Perez?!" Halos umusok ang ilong niya sa galit.

Napabuntonghininga naman ako bago marahang nagmulat. "Ano ba ang kailangan kong ipaliwanag?" Tamad kong sinalubong ang tingin niya.

Napamaang naman siya at hindi makapaniwalang suminghal. "Seriously? Tanong ba 'yan?!" aniya, nanatiling mataas ang tono. "Kailangan ko ba talagang isa-isahin? Bakit wala ka sa unang klase mo? At ano 'yong gulo sa cafeteria?!"

I heaved a deep breath. "Na-late ako ng gising kaninang umaga kaya hindi agad ako naka-attend sa klase ni Miss Bacay. Kung tatanungin mo ako kung bakit ako tinanghali, well, sisisihin mo ang mga paperwork na binigay ni Dad sa akin kagabi." I rolled my eyes. "About naman sa caf, alam mong hindi mahaba ang pasensya ko," dagdag na paliwanag ko.

He touched his temples and let out a slow breath. I could feel him trying to calm himself, even though he was frustrated by what happened.

"Bakit hindi ka na lang umalis? Bakit pinatulan mo pa?" Hindi katulad kanina, ngayon ay malumanay na niya akong tinatanong.

Umupo siya sa tabi ko. Huminga naman muli ako nang malalim. Ayaw kong magsalita nang magsalita, pero alam kong hindi ako titigilan ng kapatid ko hangga't hindi ko sinasabi ang lahat.

"Even if I wanted to, you're aware that Xirenn wouldn't let me leave that damn cafeteria without making a scene. I have no option but to put up with her nastiness. I did try to ignore her when she flipped the table in front of me, but I'm not foolish enough to let her strike me with a chair," I explained. "As for the choking incident . . . like I mentioned, my patience runs thin, especially when his name comes up," I concluded, glancing at my brother with a neutral expression.

Napailing na lamang si Hirro at nanlalantang sumandal sa sofa. "Kung hindi ako dumating ay baka napatay mo na ang Xirenn na 'yon."

Hindi naman ako umimik pa dahil tama siya. Kung hindi niya ako nakaladkad paalis ay malamang pinaglalamayan na ang babaeng 'yon ngayon.

"Nando'n siya," basag niya sa kaninang katahimikan.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot doon.

"Hindi ko akalain na pagkatapos ng dalawang taon ay babalik siya rito sa Pilipinas," muling sabi ng kapatid ko.

Even I was surprised to see him earlier. I couldn't believe he would come back. On the other hand, I'm also curious about how he managed to get into my school without anyone informing me.

"Lalo tuloy akong nag-aalala para sa iyo. Panigurado, lalo kang hindi titigilan ni Xirenn," tila nawalan ng pag-asa niyang sabi.

Napangiti na lang ako. "Kung tutuusin kahit hindi siya bumalik ay hindi rin naman ako titigilan ng babaeng iyon. Hindi ba at nag-transfer siya sa school na 'to para lang guluhin ako?" pagpapaalala ko at saka tumayo.

Ngayon, hindi na ako nagtataka kung paano sila nakapasok lahat. Hindi tinututukan ng kapatid ko ang bawat estudyanteng pumapasok at lumalabas ng esk'welahan. Hinayaan na niya ang bagay na iyon sa school department.

"Magsisimula na ang sunod na klase ko. Maiwan na kita rito," simpleng pamamaalam ko at nilisan ang lugar.

Tatlong taon na ang nakalilipas, ngunit bakit parang kahapon lang ang lahat?

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon