CHAPTER 10

30.9K 1.2K 142
                                    

YURA'S POV

"ARGH! Nababaliw na ba siya?" sambit ko nang tuluyan na siyang nakaalis.

Nasapo ko na lang ang mukha ko at napahilot sa sentido habang nakapikit.

"Get out," mahinang usal ko habang nanatili sa aking puwesto.

Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglabas mula sa pagkakatago sa gilid ng pader kahit hindi ko siya tingnan. Pumunta siya sa harapan ko at tahimik akong pinanood.

Napabuga ako ng hininga bago iniangat ang aking paningin sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa akin bagamat may itinatagong ngiti sa mukha.

Isa pa rin 'tong kupal na ito.

"So, what's your decision? Will you let him?" he asked and sat beside me.

Nanahimik naman ako at napasandal sa sofa. Ang aking paningin ay nasa itaas ng kisame.

Napapikit ako nang maalala ko na naman ang sinabi ni Takeo na liligawan niya ako.

"Why don't you try?" tanong sa akin ng katabi ko.

"Lanz, you fvcking know the reason why I should not," agad kong sagot bago ako nagmulat at tumingin sa kaniya.

Malamlam ang tingin niya sa akin bago hinaplos ang mukha ko.

"Maybe destiny is really giving you this chance. Para maayos ninyo ang dating nasira," he mumbled and laid his back on the couch like I did.

Mapait akong ngumiti sa isip ko at muling itinuon ang atensyon sa itaas.

"He'll definitely leave me again once he remembers," mahinang sabi ko at pumikit.

Saglit na namayani ang katahimikan sa amin bago ko naramdaman ang pagtayo niya.

"Magsisimula na ang sunod na klase, kailangan na nating bumalik sa silid," imporma niya at inilahad ang kamay sa unahan ko.

Tiningnan ko iyon bago ako napabuntonghininga. Napadyak ko sa inis ang aking paa bago inabot ang kamay niya. Kita ko ang palihim niyang pagtawa sa akin kaya naman siniringan ko siya.

"Grrr! I hate everything, damn it! School, him, and that fvcking itch with a capital B!" I hissed as I walked together with Lanz.

I heard him chuckle; that's why I punched his stomach. Hindi niya naman inaasahan ang kilos kong iyon kaya naman natamaan siya at hindi nakadepensa. Iniwan ko siyang nagpapagulong-gulong sa semento habang idinadaing ang t'yan niya.

Buti nga.

I was on my way to the third building nang makasalubong ko ang kaisa-isang taong 'di ko inaasam na makita.

I maintained my calm demeanor as I passed her, pero tulad ng inaasahan ay hindi niya pinalampas iyon.

Hahawakan niya sana ako ngunit mabilis akong nakaiwas at malamig na tumingin sa kaniya.

Kita ko ang galit na pilit niyang itinatago sa mga mata niya. She smirked at me before changing her emotion to blank.

She crossed her arms and grinned evilly.

"I heard my man is planning to court you," she said.

Napangiti na lang ako sa isip ko kasabay ng pagbugso ng galit sa loob ko.

Mukhang may traydor na nakapasok sa kampo ko.

"Then?" walang ganang sagot ko.

She laughed sarcastically and glared at me.

"We both know that in the end, he'll still leave you," she said, smiling victoriously.

Matindi ang pagpipigil na ginawa ko para lamang 'wag paikutin ang mga mata ko sa sinabi niya. Ngunit hindi ko talaga mapigilang magpakawala ng mahinang tawa.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon