CHAPTER 9

31.1K 1.3K 208
                                    

YURA'S POV

"MUKHANG may naging tupa ngayon, ah?" ani ng dumating.

"Shut up, kuya," agad kong pigil sa pang-aasar niya habang humihipak sa sigarilyo kong hawak.

Nandito ako ngayon sa rooftop ng building namin. Ramdam ko ang paglalakad niya papunta sa gilid ko. Ginaya niya ang posisyon kong nakatayo habang nakatuon sa railings ang mga siko bago niya tinanaw ng paligid.

"Ilang taon na rin nang itayo ito ng mga magulang natin. Hindi ko akalain na maipagpapatuloy ko ito," wika niya habang inililibot ang paningin sa buong eskuwelahan.

"Because you are the best. Wala kang hindi kayang gawin," I said saka siya tinapunan ng tingin.

Tumingin din naman siya sa akin at ngumiti bago muling itinuon ang atensyon sa kawalan.

"Meron pa rin akong hindi kayang gawin," malungkot niyang sabi na ikinakuha ng atensyon ko.

"Hindi ko kayang ialis sa organisasyon ang kapatid ko," pagpapatuloy niya.

Natigilan naman ako saglit bago tumingin din sa kawalan. Humipak akong muli sa sigarilyo bago iyon itinapon sa tabi. Ibinuga ko naman muna ng usok bago nagsalita.

"Who the hell told you that I wanted to leave the organization?" nakangiti ngunit seryoso kong sabi bago tumingin sa kaniya. Pinakatitigan niya ang mukha ko na para bang pinag-aaralan iyon.

"Bakit? Hindi ba?" balik niyang tanong.

Mahina akong natawa saka nailing.

"Well, nagkakamali ka kung iyon ang nasa isip mo. Hindi ko kailanman ginustong iwan ang organisasyon gaano pa man iyon kagulo," sabi ko saka tumalikod at isinandal ang sarili ko sa railings.

"Minahal ko ang organisasyon, bata pa lang ako ay ipinamulat na sa akin ng ating mga magulang ang layunin niyon. Mali man iyon sa paningin ng iba, pero hindi para sa akin. Kailan ba naging mali ang tumulong sa mga nangangailangan ng proteksyon? Kailan naging mali ang pagtulong sa mga kapos-palad na hindi naaabot ng tulong ng gobyerno? Ang mali lang naman ay ang paraan natin, pero hindi ang layunin natin. Nagnanakaw tayo, oo, pero sa mga kurap na pulitiko at sindikato. Nananakit tayo at pumapatay, pero iyon ay para proteksyunan ang mga taong karapat-dapat sa serbisyo natin. Sinong gugustuhing iwan ang Mafia De Perez?" nakangiti kong wika habang seryosong binibitiwan ang aking mga salita.

"Pero hindi ba dahil sa pagiging mafia empress mo kaya ka niya iniwan? Kahit kailan ba hindi mo isinisi sa organisasyon iyon? Hindi ba pumasok sa isip mong iwan ang samahan para sa kaniya?" seryosong tanong sa akin ni kuya.

Umasta akong nag-iisip bago siya nilingon. Ngumiti ako sa kaniya bago umiling.

"Hindi kailanman pumasok sa isip kong iwan ang organisasyon kahit minsan ko na iyong muntik ipahamak," mapait kong ani nang maalala ang nakaraan.

"Hindi ko rin isinisi sa pagiging heiress ko ang lahat ng nangyari sa amin ni Takeo. Isinisi ko lang 'yon sa isang tao, ang dahilan ng lahat," may galit na pagtatapos ko.

"Yeah, ang kabilang organisyon na pilit nilalabanan ang grupo natin na siya ring dahilan para maagaw ang pagmamay-ari mo," sagot ni kuya.

Napailing na lang ako at saka mahinang napatawa.

"Maagaw? Paano mo nasabing inagaw siya sa akin kung wala namang agawang naganap? Kusang napunta si Takeo kay Xirenn," mapait kong sagot.

"Paano ka nakasisigurado?" tanong niya sa akin.

Napabuntonghininga naman ako bago tumingala.

"Dahil wala naman talagang agawan na naganap. Nakipaghiwalay siya dahil ganito ako, napunta siya sa kaniya. The end," marahan kong ani saka pilit na ngumiti.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon