YURA'S POV
"IKAW?" hindi makapaniwala kong usal habang nakatingin kay Zhayn—ang kapatid ng mahal ko.
Malungkot s'yang ngumiti sa 'kin dahilan para mag-init ang sulok ng mga mata ko.
"Wala akong ideya na aabot ang lahat sa ganito," paliwanag niya sa kabila ng kaniyang ngiti.
Marahan akong napailing at nanghihinang ibinaba ang nakatutok kong baril.
"Bakit? Bakit ka sumanib sa kanila?"
"Point your gun at me, Yura," he reminded me instead of answering.
"How can I fvcking point the gun at you?!" I shouted with frustration.
"You know the rules, Yura," mapait niyang sambit. "And you should protect that baby . . ." Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko at pilit na ngumiti.
I stiffened in my place.
"Kill me, Yura Zhynn. End my life," he uttered, giving me a genuine smile.
Marahan akong umiling. "Alam mong hindi ko kaya," pumipiyok kong wika.
"Kayanin mo, Yura, para sa batang nasa sinapupunan mo, para sa kapatid ko, at para sa 'yo," aniya.
Paulit-ulit akong umiling.
"Alam kong alam mo na papatayin din nila ako sakaling umatras ako rito. Iyan ang batas ng pangkat na kinabibilangan natin. Kailangang may mamatay sa 'ting dalawa rito," mahabang saad niya.
"Paano ka nakapagsasalita ng gan'yan? Buhay mo ang pinag-uusapan natin dito. Sumama ka sa 'kin, poprotektahan kita laban sa kabilang grupo," anyaya ko.
"Hindi puwede. Alam mo 'yan. Kikilalanin kang traydor at ikaw naman ang mamamatay sa kamay ng grupo mo. Give me this favor, Zhynn, kill me," maamong pakiusap niya.
"Hindi ko kaya, Zhayn." Paulit-ulit akong umiling.
"Mamamatay rin ako at mas gugustuhin kong ikaw ang tumapos sa buhay ko kaysa kanila. Kaya pakiusap, tuparin mo ang hiling ko. Kill me."
We stared at each other. Umagos ang mga luha ko habang nakikita ang kahandaan sa kaniyang mga mata. Marahan s'yang tumango na tila ba ipinararating sa 'kin na gawin ko na ang hiling niya.
I shut my eyes tight. Nangangatal kong iniangat muli ang baril sa direksyon niya.
"Tell my brother I love him."
"I will . . ." I assured weakly, remained my eyes close, and slowly pulled the trigger of my gun.
Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa paligid kasabay ng tunog ng pagbagsak ng kaniyang katawan sa sahig. Nanghihina kong binitiwan ang baril at napaupo. Nanatiling nakapikit at tahimik na lumuluha.
Sa dinami-rami ng kinitil kong buhay. Ngayon ko lang naramdaman ang labis na karumihan sa kamay ko.
"Ahhhh!" I shouted in frustration and pain.
Binaluktot ko ang aking mga tuhod at doon umiyak nang umiyak.
"Queen," Lanz said, speaking at my side.
Mabagal kong iniangat ang paningin ko sa kaniya. Naaawa niya naman akong tiningnan at saka sumulyap sa direksyon ni Zhayn, ang kapatid ni Takeo.
"He'll understand." Marahan niyang hinaplos ang aking balikat bilang pagdamay.
Mabilis naman akong umiling bilang pagtutol.
No, he'll hate me for sure.
Slowly, I glanced at Zhayn. Lalo pa akong napahagulgol nang makita ko ang kapayapaan sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Teen FictionTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...