IT'S been two days, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita pati na rin ang reaper niya. Hindi ko maiwasang mag-alala.
Is she okay?
Napabuntonghininga na lang ako at pilit itinuon sa gurong nagtuturo ang atensyon, pero talagang bumabalik at bumabalik talaga ang isip ko sa kaniya.
These past few days, may mga ilang alaala muli akong nakita. Kung gaano kami kasaya, kung paano ko siya kulitin, kung paano siya mabilis magalit kapag nasusugatan ako, at higit sa lahat ay kung paano siya ngumiti no'ng mga panahon na iyon.
"Yah! Napaano 'to?" gigil na sigaw niya nang mapagmasdan ang gilid ng labi ko.
Kababalik niya lang galing sa isang bakasyon at dito agad siya dumiretso sa bahay pagkarating. Kasalukuyan kaming nasa k'warto ngayon, magkaharap habang nakaupo sa kama ko.
Napanguso na lang ako at napaiwas ng tingin.
Lagot na naman ako nito. Tsk!
"Zhion Takeo Chen!" she hissed in a warning tone.
"Napaaway lang ako sa grupo nina Xendrik, love," sabi ko bago siya patagilid na niyakap.
"And why is that?" asar niyang tanong.
I kissed her temple and put my head on her shoulder.
"I heard him talking about you with his friends at the men's club," mahinang sabi ko.
"Ahuh? And?" she mumbled, waiting for my continuation.
I bit my lower lip at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya.
"He said he likes you, and he'll do everything to get you away from me. Fvck him, I'll kill him first," I whispered and hugged her tighter.
She's impatient when it comes to me being hurt, while I am impatient when it comes to her being adored by other guys.
"You're mine, only mine," I added, and I released her. I looked her straight in the eyes.
"I love you, love. Akin ka lang," aniko na mabilis ikinapula ng mukha niya.
I chuckled a bit and kissed her forehead.
"I love you too," I heard her whisper. Agad naman akong napangiti dahil doon. Muli ko siyang kinulong sa aking braso at awtomatikong humaplos ang kamay ko sa tiyan niya.
It's been a week since she gave herself to me. Alam kong bata pa kami—bagamat nasa legal na edad—pero hindi ko maiwasang ma-imagine na balang araw ay dadal'hin niya ang anak namin sa sinapupunan niya.
"Happy 6th monthsary, love" usal niya bago tumagilid ng tingin sa akin.
Ngumiti ako at pinatakan siya ng halik sa labi.
"Happy 6th, love," puno ng pagmamahal kong sabi na nakapagpangiti sa kaniya.
"I brought something for you," sabi niya bago kumalas sa akin.
Tumayo siya at kinuha ang bag niya na nasa ibabaw ng side table bago iyon hinalikwat.
Few seconds later, may inilabas siyang salaming pangmata na ipinagtaka ko.
She smiled at me before putting it in my eyes.
Nagtataka man ay hindi ko muna siya kinontra. Erase. Wala talaga akong balak na kontrahin siya, takot ko na lang sa kaniya. Ewan ko ba, kababaeng tao ang lakas manapak. Tsk!
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
JugendliteraturTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...