NANDITO ka na pala," untag ni Zhynn na nakapagpabalik sa katinuan ko.
"Y-Yeah," utal na wika ko at alanganing naglakad patungo sa kanila.
Inosenteng nakatingin ang anak ko sa akin habang pinagpapawisan naman ako nang malagkit sa isiping baka maitutok niya sa akin ang baril. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang nakalolokong ngisi ni Hirro sa tabi.
"Namumutla ka 'ata?" usisa ni Zhynn, hindi ko mabakas kung nag-aalala ba siya o nanunuya.
Imbis na sagutin siya ay naglakad na lang ako papunta sa kaniyang tabi.
"Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan mo ipakikilala ang anak ko," sarkastikong bulong ko at pinagmasdan ang pagpapatuloy ni Zakiah sa pagpunas ng hawak niya.
"What?" maang na tanong niya. "Akala ko ba ay gusto mong makilala ang anak mo?" dagdag niya.
"Are you fooling me, Zhynn?" angil ko.
She chuckled and stroked my face gently. "Masyado ka namang nerbiyoso. Ngayon ka lang ba nakakita ng baril?"
"Matagal na akong sanay sa baril, Zhynn. Maski sa mga gulo ay sanay na rin ako. Pero ang anak natin ang hindi ko 'ata makasasanayan na makitang ganito," saad ko.
"P'wes masanay ka, Takeo, dahil kahit ako ay nagugulat sa mga kakayahan niya." Tumingin siya sa anak namin na nanatiling seryoso sa ginagawa.
"Zakiah," pagtawag niya sa atensyon ng anak namin.
Mabagal na umangat ang paningin niya. Tila lalabas ang puso ko sa aking dibdib nang sa akin mabaling ang kaniyang mga mata.
"Hmm?" munting tugon niya sa ina habang hindi inaalis ang paningin sa akin.
Bata ba ang kaharap ko?
"He's your dad. Zhion Takeo Chen," pormal na pakilala ni Zhynn na para bang matanda ang kausap.
Ang kaninang seryosong mukha ng anak ko ay nabahiran ng pagkamangha.
"Ahda?" nahihirapang sambit niya.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko sapagkat naiintindihan ko ang gusto niyang iparating. Doon ay nakita ko ang pagiging bata niya. Hindi rin nawala sa dibdib ko ang pagkamangha sapagkat gano'n niya na lang 'yon kadaling naintindihan.
Sa munti niyang galaw ay bumaba siya sa sofa at naglakad patungo sa 'kin. Marahan pang nagpabaling-baling ang kaniyang ulo na para bang sinusuri ang mukha ko.
"Fvck!" malakas na pagmumura ko kasabay ng pagdikit ko kay Zhynn.
Tinutukan lang naman ako ng baril ng anak ko!
Nawala ang kabang idinulot sa 'kin ng anak ko nang humalakhak siya. Napaawang ang aking mga labi at naglamlam ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang masaya niyang mukha. Ang baril na hawak niya ay hindi ko na napagtuunan pa ng pansin.
Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko nang basta niya na lang binitiwan ang baril at mahigpit na yumapos sa binti ko.
"Ahda . . ." she murmured sweetly.
Marahan akong napahiwalay kay Zhynn at mabagal na iniangat ang kamay ko patungo sa mukha ng munti kong anghel. "Anak," usal ko.
She smiled at me, then lifted her hands in the air. Tipid akong tumawa at mabilis siyang binuhat at ikinandong sa akin.
"Ahda," ulit niyang sambit at saka yumakap sa 'kin.
Maluha-luha kong ipinulupot ang braso ko sa katawan niya at kinabig pa siya lalo. "Zakiah," anas ko at hinagkan ang kaniyang ulo.
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Teen FictionTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...