TAKEO'S POV
MABIGAT sa 'king loob na iwan si Zhynn, ngunit alam ko na sa ganitong paraan lang ako lubos na makatutulong sa kaniya. Iyon ay ang siguraduhin ang kaligtasan ng anak naming dalawa.
"Fvck!" bulaslas namin ni Hirro kasabay ng mabilis na pagyuko sapagkat may bala na parating sa 'ming direksyon.
Nagpaputok pabalik si Hirro habang tumatakbo naming tinungo ang isang pader upang magtago.
"Damn! Kailangan natin agad kumilos. Mauna ka na sa mansyon at dal'hin mo si Zakiah papuntang airport. Naroon na ang pamilya mo kaya wala ka ng iba pang aalalahanin," ani Hirro sa pagitan ng kaniyang pakikipagpalitan ng putok.
"Paano ka?" agad kong tanong. Alam kong hindi papayag si Zhynn na mapahamak din ang kapatid niya.
"Susunod ako. Pauunahin lang kita." Iniabot niya sa 'kin ang reserba niyang baril bago sumenyas sa nakakalat na tauhan. "Cover him," tipid na sambit niya at saka tumingin nang seryoso sa 'kin.
"Please, take care of my niece," sinserong pakiusap niya.
Agad naman akong tumango bilang tugon at marahan siyang tinapik sa balikat. "You don't need to ask me that. I am willing to do everything for my daughter," I said.
Ngumiti naman siya sa 'kin at tumango sa mga tauhan bago muling itinuon sa pakikipagputukan ang atensyon. Ekspertong kumilos ang underlings ng mafia nila, pati na rin ang mga miyembro ng sorority ni Zhynn, pinalibutan ako at pilit gumawa ng daan upang makalabas ako nang ligtas sa paaralan. May ilan pang nadadaplisan ngunit tila ba wala iyong sakit na idinulot sa kanila. Gusto kong humanga sa pagiging propesyunal nila, ngunit alam kong hindi ito ang oras para doon.
Matagumpay nila akong naipasok sa sasakyan. Walang tama o ni galos man lang. Hindi na siguro maiaalis ang aking kaba habang nakatanaw sa kaguluhan sa loob ng eskuwelahan, kaba dulot ng pag-aalala para sa babaeng mahal ko pati na rin sa kapatid niya. Ang kaninang mga tauhan na nagprotekta sa 'kin ay muling pumasok sa loob, iilan lang ang naiwan upang siguraduhin ang aking ligtas na pag-alis.
Uutusan ko na sana ang driver na patakbuhin ang sasakyan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking telepono. Kinuha ko iyon at gano'n na lang ang pangungunot ng aking noo nang makita ang pangalan ni Gavier. Mabilis ko namang sinagot ang tawag niya at idinikit sa 'king tainga.
"Dude, nasa'n ka?" hinihingal niyang tanong.
"Bakit?" balik kong usisa.
"Naiwan ako rito sa loob ng school, p're. Tulungan mo ako," aniya sa takot na boses at narinig ko nga ang mga putok ng baril doon.
"Ano?! Bakit ka naiwan d'yan? Kanina pang in-evacuate ang mga estudyante. Nasa'n ka?"
"Nandito ako sa guard house. Natatakot akong lumabas, baka may makakita sa 'kin at patayin ako," garalgal na tugon niya.
"Sige, sige. D'yan ka lang, ipasusundo kita sa mga tauhan ni Zhynn." Binuksan ko nang bahagya ang bintana ng van na sinasakyan ko upang kumausap ng makatutulong.
"Salamat, p're. Salamat," aniya at ibinaba ang tawag.
Agad na tinungo ng mga tauhan ni Zhynn ang lokasyon ng kaibigan ko. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay natanaw ko si Gavier na tumatakbo patungo sa 'king lugar. Mabilis ko namang binuksan ang pinto ng sasakyan upang papasukin siya bagamat naroon ang pagtataka sa 'kin kung bakit sa ibang direksyon siya nanggaling.
"Umalis na tayo. Marami akong nakita na mga armadong tao patungo rito sa labas," natatakot na wika niya sa 'kin.
Tumingin ako sa driver at saka sumenyas upang magmaneho na sinunod naman niya. Mahirap makipagsapalaran, kailangan ko pang puntahan ang anak ko.
"Bakit hindi ka sumama sa iba kanina?" inis kong turan. "Paano kung napahamak ka nga?" dagdag ko.
Nagkamot naman siya sa kaniyang batok. "Nasa banyo kasi ako kanina at may palsak ang aking tainga kaya hindi ko namalayan ang nangyayari. Nagulat na lang ako no'ng lumabas ako ay puro putukan na ng baril sa paligid," paliwanag niya.
Napahinga na lang ako nang malalim at saka inilabas ang aking telepono upang tumawag sa mansyon.
"Alam mo ba kung bakit hindi ko rin magawang lapitan si Prexia?" seryosong usal ni Gavier.
Kunot-noo ko naman siyang binalingan ng tingin sa biglaan niyang pagpasok ng usapin. Tumingin siya sa 'kin at mas lalo pa akong nanibago sapagkat wala iyong emosyon, ni hindi ko mabakas ang mapaglarong Gavier na nakilala ko.
"Dahil magkalaban kaming dalawa," dugtong niya na ikinalaki ng aking mga mata.
Asta ko sanang kukuhanin ang baril sa 'king gilid kung hindi niya lang ako malakas na nabatukan dahilan para dumilim ang aking paningin. Narinig ko na lang ang sunod-sunod na putok ng baril sa loob ng sasakyan bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Zakiah . . .
"ARGH!"
Nagising ako sa malakas na daing na aking narinig. Binuksan ko ang mga mata ko, unti-unting sinanay sa liwanag hanggang sa luminaw ang imahe sa 'king paligid. Gano'n na lang ang aking alarma nang makita sa harapan ko si Hirro. Nakatali sa isang upuan habang may busal ang kaniyang bibig.
"Arghh!" Pilit niyang ikinikilos pabaling-baling ang kaniyang mukha upang lumuwag ang pagkakatali niyon sa bibig niya.
Doon ko pa lang nagawang pagmasdan ang sarili ko. Tulad niya ay nakatali rin ako sa upuan, ang kaibahan lang ay walang busal ang bibig ko. Sunod kong inilibot sa paligid ang aking paningin. Nasa loob kami ng isang silid na walang ibang tao bukod sa 'min, sarado ang pintuan at nasisigurado kong sa likod niyon ay may nagbabantay.
Muling sinubukan ni Hirro na paluwagan ang tali niya sa bibig. Kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha marahil ay kanina pa niyang ginagawa iyon. Ilang subok pa nga ang kaniyang ginawa at tuluyan siyang nagtagumpay.
"Si Zakiah," agad niyang wika.
Gano'n na lang ang pagdagundong ng aking dibdib sa kaba. "H-Hindi ako nakaabot sa mansyon," utal kong sabi at mariing napapikit sa galit nang maalala ang pagtatraydor ni Gavier sa 'kin.
Narinig ko ang sunod-sunod na pagpapakawala ni Hirro ng mura. Wala pa man ay naiiyak na ako sa sitwasyon namin, nag-aalala ako sa 'king anak at gano'n na rin kay Zhynn.
"Kailangan nating makatakas," aniko at sinubukang magpumiglas sa 'king inuupuan.
"Makawala man tayo rito ay paniguradong marami ang bantay sa labas. Wala tayo ni isang armas na panlaban kaya lalo lang tayong mapapahamak," walang emosyong sambit ni Hirro at tulalang sumandal sa kaniyang inuupuan.
Saglit kaming natahimik. Parehong nag-iisip sa iba't ibang bagay.
"Takeo," anas niya na ikinakuha ng aking atensyon.
Hindi ako nagsalita at hinintay na lang ang idurugtong niya.
"Kung sakali na malagay ang buhay nating lahat sa alanganin. Nakikiusap ako sa 'yo, alagaan mo ang kapatid ko," aniya.
Umigting ang aking panga at matalim ko siyang tiningnan. "Huwag kang magsalita na para bang nagbibilin ka. Magtiwala tayo kay Zhynn, alam kong magagawa niya tayong iligtas," umaasang sambit ko.
Pilit niya akong nginitian. "Tao ang kapatid ko, Takeo. Tatlo tayong nasa kapahamakan ngayon. Nasisigurado ko na kahit si Zakiah ay narito sa lugar natin at bihag nila. Hindi superhero ang kapatid ko na maiiligtas lahat sa isang pitik lang ng kamay niya."
"Tumigil ka na," seryoso kong saad at saka siya tinitigan. "Alam mo kung gaano ka rin kahalaga kay Zhynn. Huwag kang magsalita ng ganiyan dahil ako ang nasasaktan para sa kaniya," dugtong ko.
Tipid siyang tumawa at tumingala sa kisame. Hindi man gano'n kaliwanag ay nakikita ko ang pangingislap ng sulok ng mga mata niya.
"Palagi mong ipaaalala na mahal ko siya, sila ng anak niyo—"
"Sinabi kong tumigil ka na!" hindi ko na naiwasan pang sumigaw upang pigilan siya sa kaniyang pagsasalita. "Makaliligtas tayong lahat," mariin kong saad.
Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa maputol iyon dahil sa pagbukas ng pinto.
"Hi!"
I gritted my teeth as I glared at her. "Xirenn."
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Novela JuvenilTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...