CHAPTER 4

36.6K 1.6K 205
                                    

"OH, kuya, bakit ngayon ka lang?" Sinalubong ako ng kapatid ko nang makapasok ako sa bahay.

Tipid akong ngumiti sa kaniya. Pakiramdam ko ay wala akong lakas para magpaliwanag o umimik man lang. Naguguluhan ako.

"Are you okay?" medyo alanganin niyang tanong na may pag-aalala.

Tumango naman ako.

"Pagod lang ako," 'yon na lang ang nasabi ko at sumenyas na aakyat na 'ko sa aking silid.

"Sige, kuya, pahinga ka na. Sabi ko naman kasi sa 'yo bukas ka na lang pumasok. Kulit-kulit mo kasi," pagsesermon niya.

Nginitian ko naman siya saka ginulo ang kaniyang buhok bago ako tuluyang lumakad. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama nang makapasok ako sa aking k'warto. Tulala lang ako habang nakatingin sa kisame, inaalala ang mga nangyari buong araw.

Kung kilala ko siya bakit ko siya piniling kalimutan?

Paano ko siya nakalimutan?

"Aarghh! Bakit ba kasi hindi ako lumingon?" pagkausap ko sa sarili.

Aishiteru, love . . .

'Yong boses niya, halos kapareho ng nasa alaala ko, pero bakit gano'n? Sigurado ako na si Xirenn ang babae sa mga nagiging flashback memories ko.

Napatuon ang atensyon ko sa pintuan nang makarinig ako ng mahihinang katok.

"Kuya?" pagtawag ni Zakhira.

"Come in," pahintulot ko.

The door opened, and she entered. I got up from my bed. She was carrying a bundle of paper and came to me like a child about to be crushed.

Ano kaya ang kailangan nito?

"Kuya, alam ko namang pagod ka," ngunguso-nguso niyang sabi.

"Spill it, Zakhira. 'Wag mo nang ipaligoy-ligoy pa," aniko.

Napakamot naman siya sa kaniyang batok bago ako mabilis na niyakap.

"Whaaa! Kuya, may exam kami tomorrow. Kailangan kong mag-review kasi kaunti pa lang ang alam ko sa topic na 'yon kaso hindi ko magagawa 'yon kasi hindi ko pa tapos basahin itong mga business proposal para sa kompanya na binigay ni Mom," mabilis niyang paliwanag.

Nginitian ko naman muna siya saka kinuha ang mga papel na hawak niya.

"Sige na, ako na ang bahala rito. Mag-aral ka na," sabi ko na siyang ikinatuwa niya.

"Yehey! Thank you, kuya," wika niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

Paalis na sana siya sa aking silid nang may maalala ako.

"Where's mom by the way?" tanong ko.

"Nando'n sa office niya, kuya. May tinatapos pa 'ata," sagot niya.

I just nodded and gave her permission to leave. She immediately obeyed; maybe she will start studying. I looked again at the papers I was holding.

So, business muna iintindihin ko ngayon.

Habang nagche-check ako ng mga proposal ay may nakakuha ng aking atensyon.

PEREZ CORPORATION

I scanned the files. I was amazed by the business proposal and their intentions. They are building a project that can help homeless people.

It's a plantation, and their target market for workers is the homeless. It's stated in the information that they will let them build a house near the working area, so they can look out at the plantation easily. One-fourth of the income will go to the workers. One fourth for emergencies and other funds, and a half for its owners and shareholders.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon