MABILIS na lumapit si Hirro at kinarga ang munting bata na nasa aking harapan. He looked at me coldly, although his eyes seemed bothered by something.
Muli ko sanang titingnan ang bata ngunit mabilis niya itong isinubsob sa kaniyang balikat.
"Aalis ka na ba?" malamig na tanong niya sa akin.
"Who is she?" seryosong tanong ko imbis na sagutin siya.
"My sister," agad na tugon niya.
Pinakatitigan ko pa siya upang hanapin ang kasinungalingan sa kaniyang mga mata, ngunit siguro nga ay gano'n talaga sila kahusay pagdating sa pagkukubli.
"May kailangan ka pa ba?" tanong sa 'kin ni Hirro na tila gustong-gusto na akong paalisin.
I looked at the girl again. Nakatalikod man siya sa akin ay gano'n na lang kalakas ang dating ng kaniyang presensya sa sistema ko.
"I'm going," pamamaalam ko bagamat ayaw ng aking mga paa na gumalaw paalis.
"Okay," tipid na saad niya at mabilis akong tinalikuran dahilan para muli kong masilip ang mukha ng bata.
Could it be?
Wala sa sarili akong lumabas ng bahay at sumakay sa aking kotse. Pinagmasdan ko pa ng ilang segundo ang kabuohan ng mansyon bago ko napagdesisyunang paandarin ang aking sasakyan.
Habang tinatahak ang daan pauwi ay hindi mawala sa aking isip ang bata. Ang kaniyang mga mata, ilong, bibig, hubog ng kaniyang mukha, at iba pa. Tila sasabog ang utak ko sa pag-iisip. May isang ideya na namumuo sa isip ko na gusto kong klaruhin, ngunit hindi ko alam kung papaano.
I took a deep breath and drove my car to the side of the road. Itinigil ko ito saglit at mariing pumikit habang nakasandal sa aking upuan.
"Damn! I need a fvcking proof," bulong ko sa sarili.
Nasa gano'n akong sitwasyon nang mag-ingay ang aking telepono. I looked at it on my dashboard, and my face automatically lit up when I saw Gavier's name on the screen.
"Bakit nga ba hindi ko agad naisip ang tsismoso na ito?" pagtatanong ko sa sarili at saka kinuha ang cellphone upang sagutin ang kaniyang tawag.
"Basketball tayo, dude," pagyayaya niya sa akin.
"Gavier . . ." seryosong pagtawag ko imbis na intindihin ang kaniyang sinabi.
"Ow? Seryoso mo naman 'ata bigla. May nangyari ba?" puno ng pagtatakang usisa niya.
"Gaano na katagal si Zhynn sa academy?" I asked.
"Ikaw ha, patay na patay ka talaga sa amazona na 'yon. Alam mo ba kung ano'ng pinapasok mo?" pagpapaalala niya.
"Just answer my question, Gavier. I need to know something," aniko sa mataas na tono.
"Chill, para namang life and death situation 'yan kung makapagseryoso ka. She's been at the school for three years," he stated.
Three years . . .
I've been in Japan for two years.
I think the kid I saw earlier is two years old.
"Was she . . . pregnant at that time?" alanganin kong tanong kasabay ng pagbilis ng tibok ng aking puso.
"Fvck! Dude, nasaan ka? Nasa publikong lugar ka ba o may kasama ngayon?" aligagang tanong sa akin ni Gavier.
"What the hell are you talking about?" inis kong ani.
"Just answer me!" asik niya.
Lalo akong nagseryoso dahil sa inaasta ng aking kaibigan.
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Teen FictionTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...