YURA'S POV
MAGALING, Xirenn, napakagaling mong magplano.
Ani ko sa isip ko pagkatapos kong patumbahin lahat ng pumupunta sa harapan ko.
Sa sobrang galing mo, gustong-gusto na kitang kitilin. Tsk!
"Umalis na kayo. Pumunta sa HQ kung sinumang may sugat sa inyo para magamot," sambit ko habang hindi sila tinitingnan.
Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking ibinato ko hindi kalayuan sa likod ko. Kita ko ang gulat sa kaniyang mukha habang nakatingin sa aming lahat.
Kung bakit kasi hindi ka pa umalis. Ano ba ang naisip mo at sumugod-sugod ka pa palapit sa akin?
Mabagal ang aking paglalakad palapit sa kaniya. Kumalma ang kaniyang mukha nang makita ang kabuohan ko.
Tama ba ang nakikita ko? Nag-aalala ka sa akin?
Tsk! Sino bang niloloko ko? Dahil dito sa gawain kong ito kaya niya ako iniwan.
Mapait akong ngumiti sa isip ko.
Napakahenyo mo talaga, Xirenn, ang bilis mong bakuran ang pag-aaring inagaw mo lang naman. Ipinakita mo na agad sa kaniya ang ilang parte ng mundo ko dahil alam mong ito ang dahilan kung bakit natapos ang relasyon namin.
"Tumayo ka riyan," utos ko na mabilis naman niyang sinunod.
Parang kinurot ang puso ko dahil pakiramdam ko ngayon ay totoong takot na siya sa akin.
Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang katotohanang iyon at saka pinagmasdan ang kaniyang leeg. Wala naman iyong sugat, pero mahahalata mo ang pamumula nito dahil sa kaputian niya.
Naikuyom ko ang aking kamay sa pagpipigil ng inis.
Tang*na, Xirenn.
Marahas akong bumuga ng hininga saka itinuon kay Lanz ang atensyon. Kami na lamang tatlo ang tao sa lugar bukod sa mga namimilipit na tauhan ni Xirenn.
Tinitigan ko siya at iminuwestra ang leeg ni Takeo.
Kailangan sa sunod na makikita ko 'yan, ni kaunting pulang marka ay wala akong makikita.
Naintindihan naman niya ang gusto kong iparating sa pamamagitan ng tingin ko kaya sinimulan ko nang maglakad paalis.
"T-Teka . . ."
Mabilis niyang habol sa akin habang nakahawak sa braso ko. Pinasadahan ko naman iyon ng tingin kaya agad din siyang bumitiw.
"A-Ayos ka lang ba?" tanong niya sabay tungo.
Nagulat man ako nang bahagya ay hinayaan ko na lang. Ayokong mag-assume, ayokong mag-expect dahil alam kong sa huli 'pag nakilala niya ako ay hindi na siya lalapit ng ganito sa akin.
Hindi ako sumagot, imbes ay tinapik ko na lamang ang balikat niya saka tuluyang umalis.
Ang pisikal ko ayos lang, pero ang isipan ko gulong-gulo na.
Kinuha ko ang aking telepono sa bulsa saka kinontak ang taong minsan ko lang tawagan sa buhay ko.
Isang ring pa lang ay agad din iyong sinagot ng kabilang linya na para bang inaasahan niya na ang aking pagtawag.
"Hmmm?" maarteng bungad niya.
"Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo?" nanggagalaiti kong tanong.
"Hmm . . . let me think. Well, ang ginawa ko lang naman ay ang ipasilip ang magulo mong mundo, Yura," nakalolokong wika ng kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Genç KurguTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...