CHAPTER 6

34.4K 1.2K 27
                                    

"SABAY na tayo, dude," anyaya ni Gavier sa akin. Tinanguan ko na lang siya bago naunang lumakad.

"Teka! Nagmamadali ka ba?" takang tanong sa akin ng kaibigan ko.

Iritable ko naman siyang nilingon.

"Pinagsasabi mo?" kunot-noo kong sabi habang patuloy pa rin sa paglakad.

"Daig mo pa ang may hinahabol, eh. Ssshk! Dude, 'wag mong sabihin na si Xirenn ang hinahabol mo?" biro niya sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at saka siya mahinang sinapak.

"Aray! Ikaw ha, napunta ka lang sa Japan naging brutal ka na!" nakangusong sambit niya sabay haplos sa kaniyang ulo.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ewan ko ba, pero bigla akong kinabahan.

Bumagal ang kilos ko nang matanaw sa aming unahan ang magshota, dalawang metro ang layo nila sa amin.

"Naks! Iba pala. Mas gusto mo na pala 'yong mga tigre, dude, ha," panggagalaw sa akin ni Gavier habang ngunguso-nguso sa unahan.

"'Pag ikaw hindi tumigil, babanatan na kita riyan, tamo," banta ko sabay aro ng suntok. Agad niya namang itinaas ang dalawa niyang kamay saka ngingiti-ngiti sa akin.

Napailing na lang ulit ako saka ibinalik ang tingin sa nasa unahan ko.

Psh! Ang boring nilang tingnan. Para silang robot na naglalakad, walang umiimik o anuman. Patuloy ko silang sinundan ng tingin hanggang sa magkaiba na kami ng tinahak na direksyon. Hindi ko alam kung bakit may kaunting panghihinayang sa kalooban ko.

Ano ba ang nangyayari sa akin?

"Dude, gusto mo tambay muna tayo sa cafe riyan sa labas ng school? Libre mo ko, dali," wika ni Gavier.

"Okay," simpleng sagot ko.

"Saan ka naka-park?" tanong niya.

"Right," tipid ko muling sagot.

"'Yong BMW M8 na itim?" tanong niya na tinanguan ko na lang.

Sabay kaming naglakad pakanan, siguro ay ro'n din naka-park ang kaniyang sasakyan.

Tuluyan na naming narating ang kotse namin makailang sandali. Narinig ko pa ang munti niyang pagsipol dahil sa sasakyan ko. Napataltik na lang ako ng dila.

"Lead the way," simple kong sabi saka pumasok sa sasakyan. Gano'n din naman ang ginawa niya hanggang sa nagsimula na siyang paandarin iyon na sinundan ko naman.

Hindi kalayuan ang café na tinutukoy ni Gavier. Totoo ngang sa labas lang iyon ng eskuwelahan. Hindi ko iyon napapansin marahil tutok lagi ako sa pagmamaneho.

Pareho naming i-p-in-ark ang sasakyan namin sa labas ng cafe saka sabay na pumasok.

"Ano'ng sa 'yo?" tanong niya.

"Espresso saka red velvet cake," sagot ko.

Napangiwi naman muna siya bago tumango. Isinandal ko ang aking likod sa upuan at saka sinuri ang ambiance ng lugar.

Simple lang ang design ng café, elegante ang dating, may aircon, at mukhang may wifi rin. Two-storey building na rin, p'wedeng tambayan 'pag may project o activity.

Unti-unting napuno ang kaninang mga bakanteng upuan, siguro dahil labasan na kaya rito tumatambay ang iba.

Natanaw ko si Gavier na pabalik na sa upuan namin, sa likuran naman niya ay naroon ang isang waiter na siyang may bitbit ng order namin.

Tuluyan na ngang umupo si Gavier sa harapan ko kasabay ng pagpapatas ng waiter ng mga order namin sa lamesa.

"Thank you," pasasalamat niya. Nakangiting yumuko ang waiter saka nilisan ang puwesto namin.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon