YURA'S POV
ILANG kilometro mula sa isang matayog na abandonadong gusali ay tumigil ang sinasakyan ko. Parehong nakikiramdam ang dalawa kong kasamahan sa akin na tila ba kinakapa ang susunod kong hakbang.
"Hintayin n'yo ang iba rito," aniko at inayos ang espadang hawak.
"Nahihibang ka na ba, Yura?" asik ni Prexia habang nakapigil ang kaniyang kamay sa 'king braso nang asta akong lalabas ng sasakyan.
Walang emosyon ko siyang tiningnan. Ramdam ko ang takot niya mula sa akin kaya naman unti-unti siyang napabitiw bagamat hindi niya iyon gustong gawain.
"Hintayin muna natin ang mga tauhan mo, pati na rin ang back up na ipinadala ng iyong ama, my lady," nakikiusap na wika ni Lanz.
I smirked. "Alam mong hindi ako makapaghihintay ng gano'n katagal. Buhay ng mga mahal ko ang nakataya rito, baka nakalilimutan niyo," nagngingitngit na saad ko.
"Sasama kami pagpasok," pinal na sambit ni Prexia at inayos din ang kaniyang mga armas.
"Stay. Here." I glared at the both of them when Lanz also fixed his gun.
"No, we're coming with you," sabay na tugon ng dalawa.
I shut my eyes tight and shook my head. "Gusto n'yo ba na ako na lang ang pumatay sa inyo para madali?" Hindi nakatakas sa 'king tono ang inis.
Lanz didn't say a word, and he pointed the gun at his temple. "Order me to shoot myself," hamon niya sa akin.
"Yeah," Prexia lazily mumbled, placing the sword on her neck.
"Sinusubukan n'yo ba ako?" malamig kong tanong.
Nakita ko ang bahagyang pagdaan ng takot sa kanilang mga mata na mabilis nilang ikinubli.
"Then die," I said and exited the car, leaving those two idiots inside.
Nakakailang hakbang pa lang ako ay ramdam ko na ang pagsunod nila sa akin. I smirked.
I thought they wanted to die?
"You, heartless creature!" Prexia hissed lowly.
I rolled my eyes. "Kapag kayo namatay, hinding-hindi ko kayo ililibing," seryoso kong saad.
"As if we will die," Lanz murmured.
Tahimik kaming kumilos sa sumunod na mga segundo hanggang sa narating namin ang nagtataasang damo sa gilid ng gusali. I stared and scanned the whole place.
"First floor, Lanz. Second floor, Prexia. I will take the third and fourth floors," I stated.
"My lad—" Natigil sa pagtutol si Lanz nang agad kong itutok sa kaniyang leeg ang dulo ng hawak kong espada.
"Hinayaan ko na kayong sumama, huwag n'yo na akong subukan pa," malamig kong banta.
Mariin siyang napapikit at marahang tumango. "Yes, my lady," he uttered in defeat.
Mabagal kong inilayo ang espada sa kaniya at saka ako tuminging muli sa gusali. Mas marami ang bantay na nakapalibot sa ikatlo at ikaapat na palapag. Paano ko iyon nalaman? Simple, mas nakikita ko ang tauhan sa una at ikalawa, batid kong gusto nila akong linlangin ngunit hindi iyon uubra sa akin. I am not a mafia queen for nothing.
"Kung sakali na makita niyong natatalo na tayo . . ." I looked at them. "Run, save yourselves."
Sabay na umigting ang panga nila.
"That's an order," dagdag na wika ko at mabilis na tumakbo patungo sa isang puno para umakyat.
All my emotions vanished as I climbed the branches to reach the third floor. Hindi ko na sinubukan pang lingunin ang dalawa. Alam nila na sa mga oras na ito ay hindi ko na kontrolado pa ang aking sarili. Kanina pang nagwawala ang demonyo sa loob ko, ang aking pamilya ay isa sa malaking buton sa katinuan ko na pilit pinipindot ng kalaban.
Bear the consequences, Kakia.
I swung myself and landed at the third floor's window. Tulad ng inaasahan ko ay agad na naalerto ang mga nakatagong bantay ro'n. Nagpaputok sila patungo sa akin na mabilis kong naiwasan. Tumakbo ako paikot ng silid habang nakikipagpalitan ng bala sa kanila. Hindi na ako gumamit pa ng silencer dahil gusto kong bulabugin sila sa pagdating. Mas magiging madali para sa akin na tipunin sila sa isang lugar at sabay-sabay na patayin.
Nang naubos ang mga nakatagong tauhan sa silid ay sinimulan kong maglakad palabas. Mula sa pintuan ay nakita ko ang pagtakbo ng ilang tauhan paibaba ng hagdanan mula sa ikaapat na palapag.
Walang buhay akong umismid at saka inihanda ang aking espada.
Yes, come to me, and I will let you meet Lucifer.
Sumalubong ako sa pagtakbo nila patungo sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang aking armas at hinayaang mahati ang tiyan ng kung sinuman na madadaplisan nito. Sa mga oras na ito ay wala akong plano na buhayin sila o hayaang makahinga ng ilang beses. I want them dead as soon as my sword lands on their bodies. Naramdaman ko ang pagtalsik ng ilang dugo papunta sa aking mukha na hindi ko pinag-aksayahan ng panahon na punasan.
I flinched when a shot pierced through my shoulder as I swayed my sword onto the last opponent's neck. Mabagal kong nilingon ang hagdanan kung saan nagmula iyon at nagtangis ang aking bagang nang makita ang kinamumuhian kong tao.
"Xirenn," I said coldly.
She grinned and flashed a devilish smile. "Long time no see, Alectrona," pagtawag niya sa aking code name sa sindikato.
"Where are they?" direkta kong tanong.
She laughed emptily and aimed the gun at me. "Huwag kang magmadali, Alectrona. Hayaan mo at ipakikita ko mismo sa harapan mo ang kamatayan nila," aniya.
My jaw clenched. Mabilis kong iniangat ang hawak kong baril at itinutok sa kaniya.
"Baka gusto mong mauna, Kakia." With my emotionless eyes, I stared at her.
Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa naagaw ng tumatawang boses ang atensyon ko. Mula sa likuran ni Kakia ay mabagal na lumitaw si Gavier habang hila-hila ang kapatid kong umiika ng lakad.
"Yura . . ." Hirro murmured as he softly looked at me.
My mind went blank as soon as I witnessed his situation. Ang kanina kong demonyo na nagwawala sa aking loob ay mas lalong pang nagwala ngayon. Mas dumiin ang hawak ko sa aking baril at walang buhay na tinitigan si Xirenn.
"Harap-harapan kong ipinapangako sa 'yo, Xirenn. Papatayin kita." Kasing lamig ng yelo ang aking boses nang sabihin ko iyon.
She laughed again. "Hmm. Kung papatayin mo ako ay nasisiguro kong mauuna ka munang patayin ni Takeo," aniya.
Natigilan ako at nanigas sa aking kinatatayuan. Lahat ng emosyon ko ay gano'n na lang kabilis nanumbalik: takot, pangamba, at iba pa. Isang mabagal na yapak ang narinig ko na naglalakad paibaba ng hagdanan hanggang sa tuluyan ko nang makita ang lalaking mahal ko.
I couldn't read his eyes when he stared at me. Para bang nasa ilalim siya ng isang ilusyon.
"Kill her," Xirenn ordered.
"No! Fvck! Takeo, wake up. Tang*na!" Pilit na pag-alpas ng kapatid ko mula kay Gavier.
Mula sa gilid ni Takeo ay marahan niyang iniangat ang isang baril patungo sa direksyon ko. Napalunok ako, pilit na pinakatatagan ang aking sarili bagamat gusto ko nang maupo at maiyak sa pagkabigo.
Tila bumagal ang lahat sandaling kinalabit niya ang baril.
No . . . he can't hurt me . . .
"Yura!" malakas na sigaw ni Hirro sandaling napaupo ako nang tamaan ng bala sa gilid ng aking tiyan.
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Teen FictionTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...