"KANINA ka pa nakatitig d'yan," tawag pansin sa akin ni Hirro.
Nandito ako ngayon sa salas at nakatitig sa espadang ginamit ko kanina sa ensayo. Ang mag-ina ko ay kasalukuyang nasa silid nila at namamahinga. Hindi ko na rin nakita pa si Prexia marahil ay umalis na siya kanina.
I let out a deep sigh and looked at him sternly. "Blade of death," I said simply.
Tila hindi naman siya nagulat sa 'king sinabi. Isang munting ismid ang pinakawalan niya habang prenteng nakatayo sa harapan ko.
"What do you want to know?" he asked lazily and walked to the one-seater sofa. Umupo siya ro'n at tumitig sa 'kin, hinihintay ang mga salitang lalabas sa bibig ko.
"Bakit parang napakabigat ng titulo ng espadang ito?" usisa ko.
Ngumiti siya kahit pa isa iyong ngiti na walang laman na emosyon. "It's been a year since it happened," he said, speaking and leaning against his seat.
Tumitig siya sa kisame na tila ba pinanonood niya ro'n ang kaniyang tinutukoy. "Isang taon na mula nang ma-kidnap si Zakiah ng isang sindikato," paglalathala niya.
Humigpit ang hawak ko sa armas. Ang aking panga ay paulit-ulit na umiigting sa panimulang kuwento ni Hirro.
My daughter got kidnapped.
Hirro slowly looked at me and lowered his gaze to the sword. "Higit sa isang daang katao ang brutal na pinatay ng espadang 'yan," aniya.
"Was it Zhynn?" I asked.
Muli niyang ibinalik ang paningin sa akin at tumango. "No'ng oras na malaman niya ang lokasyon ni Zakiah ay wala siyang panahon na inaksaya. Mag-isa siyang sumugod sa kuta nila dala ang matinding galit sa kaniyang mga mata." He gave out a deep breath and chuckled emptily. "Naalala ko pa kung paano ako nag-alala no'ng panahon na 'yon. Hindi para sa kaligtasan niya kundi sa nararamdaman niya."
My forehead creased at his last statement. Hindi naman ako nagsalita at pinili na lamang makinig sa kaniyang kuwento.
Marahan na umiling si Hirro at isinandal muli ang sarili sa upuan. "Trenta minutos bago namin narating ang lugar. Patay na ang lahat ng kalaban. Nagkalat ang mga dugo at puro sila may mga gilit sa leeg, o kaya naman ay may saksak sa bandang puso. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mga bangkay na may putol na mga braso."
Wala man ako ro'n noong panahon na iyon ay malinaw kong naiisip ang lahat.
"May mga digmaan na kaming naranasan. Ngunit iyon ang unang pagkakataon na gano'n ko siya nakitang kabrutal. Oo, maaaring siya ang pinuno ng samahan namin, ngunit alam ko bilang kapatid niya kung gaano kalambot ang kaniyang puso," pagpapatuloy na saad ni Hirro.
"Was she okay that time? Ibig kong sabihin, nasaktan ba siya?" tanong ko kahit pa alam kong hindi ko maibabalik ang panahon na 'yon.
Hirro tapped his fingers on the armrest of the sofa and glanced at me. "She had bruises on her face. May mga daplis din ng bala sa kaniyang balikat nang madatnan namin siya roon. Nakaupo siya sa kama ng isang silid habang pinalilibutan ng mga taong pinatay niya, hinehele ang kaniyang anak na mahimbing na natutulog sa kanang braso at hawak naman ang espadang puno ng dugo sa kaliwa."
I clenched my fist as I imagined what she'd been through. Mas lalo kong naramdaman ang malaki kong pagkukulang sa anak at babaeng mahal ko. Sa lumipas na mga taon na iniintindi ko ang sarili ko sa Japan ay may mga hamon silang pinagdaanan dito. Hindi ko maiwasang malungkot, mabigo, at magalit sa 'king sarili.
"She's physically okay so far, but when she got home . . ." Hirro trailed off and breathed deeply. "Tatlong araw rin siyang nagkulong sa kaniyang silid. Maybe because she got back to her senses. I knew, no matter how evil our opponent was, killing them that way affected her," he ended.
Hindi naman ako nakapagsalita pagkatapos n'yon. Malinaw kong naiintindihan ang sinasabi ni Hirro. Kung may iba mang kinatatakutan si Zhynn bukod sa masaktan kami ng anak niya, iyon ay ang mawala ang kaniyang sarili. Hindi ko man siya nakasama no'ng pagkakataon na iyon ay nakikita ko sa 'king isipan ang pangunguwestyon niya sa kaniyang pagkatao.
"Sundin mo sana ang hihingiin niya sa 'yong kahilingan pagdating ng panahon." Bumalik ang atensyon ko kay Hirro nang basagin niya ang katahimikan.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" kunot-noong usisa ko.
Marahan siyang tumayo at inilagay ang kaniyang kamay sa bulsa habang seryosong nakatingin sa 'kin. "Plano ng kapatid ko na ipadala kayo ni Zakiah kasama ang pamilya mo sa Italya bago dumating ang labanan," aniya.
"Ano?!" Nabitiwan ko ang hawak kong espada sa gulat. "Nahihibang na ba siya?!" inis kong dugtong.
He smirked and licked his lower lip. "Inaasahan kong maiintindihan mo ang kaniyang kagustuhan, Takeo. Lalo na at alam mo na ang tungkol sa nakaraan. Kung may bagay man na nakakapagpawala sa katinuan ng kapatid ko, iyon ay ang mga taong mahalaga sa kaniya."
Mabilis akong umiling at mariin na iniikom ang aking palad. "Naiintindihan ko, ngunit hindi maaari. Hindi ko siya magagawang iwanan mag-isa sa labanan na ito," pagrarason ko.
"Wala kang magagawa. Pinal na ang desisyon ko at walang makapagbabago niyon." Pareho kaming napaangat ng tingin ni Hirro sa hagdanan.
Mabagal na naglalakad paibaba si Zhynn habang walang emosyon ang kaniyang mukha. My jaw clenched as I let her see the disapproval in my face.
"Sa isang araw ay lilipad na kayo patungong Italya. Hindi ko hinihingi ang pagpayag mo dahil gustuhin mo man o hindi, ipadadala kita ro'n kasama ang anak natin," malamig na saad ni Zhynn nang makarating siya sa harapan namin.
"You can't force me to leave you, Zhynn."
Her side lips rose. "Kung kailangan kitang ipakaladkad sa mga tauhan ko ay gagawain ko, Takeo. I can force you, love." She smirked devilishly.
"They will use you as a weapon to kill my sister, Takeo," Hirro pointed out. "Mas mabuti na wala kayo ni Zakiah dito upang umayon sa atin ang lahat," pagpapatuloy niyang saad.
I didn't talk for a while. Pilit kong ikinakalma ang aking sarili. Gulong-gulo rin ang aking utak sa mga desisyon na kailangan kong piliin. Naiintindihan ko ang punto nila, ngunit napakahirap tanggapin. Paano ko maaatim na iwanan muli ang babaeng mahal ko?
"Ginagawa ko ito para sa anak natin, Takeo." Bahagyang lumamlam ang mga mata ni Zhynn at tumingin sa akin ng puno ng paghingi ng pag-intindi. "Kahit para lang sa kaligtasan ng anak natin. Ilayo mo siya sa gulong ito," sambit niya.
"Paano ka, Zhynn? Naiintindihan kita, pero sana intindihin mo rin na napakahirap ng hinihiling mo," masuyong usal ko.
She gave me a small smile. "I will be okay here, Takeo. Kakayanin ko ang laban na ito basta panatag ang loob ko na nasa ligtas kayo ng anak natin. Ikababaliw ko sakaling isa sa inyo ang masaktan."
Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago ako tumayo at lumapit sa kaniya. "Promise me, you will be safe," I said.
Muli siyang ngumiti sa 'kin. "I promise," she mumbled.
Mabilis ko siyang hinila at niyakap nang mahigpit. "Be alive, love. Zakiah and I will wait for you," I whispered.
Naramdaman ko ang pagyakap pabalik ni Zhynn. "I will," namamaos niyang tugon.
Nanatili akong nakayakap sa kaniya. Natatakot na sa pagbitiw ko ay hindi ko na ito magagawa pa.
"I trust you, love . . . I trust you," I murmured.
BINABASA MO ANG
Taming The Mafia Queen (COMPLETED)
Teen FictionTEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shield. Zhynn Yura Perez was born to be a queen, the empress of a Mafia organization. She is fearless, resilient, and most of all, impatient. S...