CHAPTER 3

38.4K 1.5K 451
                                    

OUR next classes went well, even though the tension was still there. What a lucky chance to be with them! I shook my head in sarcasm and heaved a deep sigh.

"Class dismissed," anunsyo ng huli naming lecturer.

Yes, makauuwi na rin.

Nalugaw ang utak ko sa klase ni Miss.

"Gala tayo?" yaya ni Gavier.

My classmates started making noise when our last teacher finally came out.

"Ano, brad? Saan tayo?" tanong niya sa akin habang taas-baba ang dalawa niyang kilay.

Tipid akong umiling. "Diretso uwi na ako. Inaantay na ako ni Zakhira. Hindi ko kasi siya napuntahan kaninang lunch," sagot ko at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng aking gamit.

"Ang daya naman. Sige, mauna na ako. Mag-a-arcade pa kami, eh," pamamaalam niya saka nagmadaling umalis.

Napaismid na lang ako habang nakatanaw sa palayo niyang pigura. Happy go lucky Gavier as usual. Wala pa ring nagbabago sa kaniya.

"Can we talk?" Nabigla ako nang makita ko sa aking harapan si Xirenn.

"What for?" walang emosyon kong tanong.

"Ten minutes," tipid niyang sabi.

I just let out a breath. I know her well; she won't stop until she gets what she wants, so in the end, I just agreed with her.

"Where?"

Tipid niya akong nginitian. "Tara sa mamian," aniya at walang-pasabi na inangkla ang kaniyang braso sa akin.

Hindi na ako tumutol pa dahil ayaw ko nang makipagtalo sa kaniya.

"NANAY Loleng, dalawa nga pong jumbo. Saka dalawa pong Mountain Dew!" sigaw ni Xirenn nang marating namin ang lugar.

I simply looked around. This place still hasn't changed. We always went here before—when we're still dating.

"Oh? Si Takeo na ba ito?" gulat na tanong sa akin ni Manang.

Ngumiti naman muna ako sa kaniya. "Ako nga po, Nanay."

"Ay naku, iho! Ang laki mo na. Halos hindi na kita nakilala, ah? Kung hindi mo lang kasama si Xirenn ay mapapagkamalan kong ibang tao ka. Ang ganda mo ng binata, ah?" sunod-sunod na sabi ni Manang.

"Nanay naman, nahihiya na si Takeo, oh. Masyado n'yong napupuri, Nay, baka lumaki na ulo niyan," singit ni Xirenn.

"Aling ulo ba, ineng, ang lalaki?" biro ni Manang na siyang ikinapula ng buo kong mukha.

"Nay naman, siyempre 'yong nasa taas. Tingnan n'yo tuloy si Takeo, namula sa kahihiyan," kantyaw ni Xirenn sa akin.

"Kayo naman ay binibiro ko lamang. Ngayon ka lang ulit nakapasyal, Xirenn. Mabuti naman at magkasama na kayong dalawa. Akala ko'y naghiwalay na kayo dahil mag-isa ka kapag kumakain ka rito."

Natahimik naman si Xirenn sa sinabi ni Manang saka alanganing tumawa. "Nay naman, kung anong iniisip. Ito po kasing si Takeo ay nagpunta sa Japan kaya hindi ko siya nakakasama papunta rito." Ramdam ko ang pilit niyang pagiging masigla sa kabila ng mga sinasabi niya.

I remained silent. I'm not in the mood to fool around or talk, especially since it's against my will to be with Xirenn. Hinayaan ko lang silang mag-usap na dalawa at paminsan-minsan ko na lang nginingitian si Manang kapag napupunta ang paningin niya sa akin.

"Naku, kayo talagang mga bata kayo. Sige, maiwan ko na kayo. Hintayin n'yo na lang ang inyong mami, ha?" puno ng galak na sabi ni Manang.

We nodded to her together before she completely turned her back on us. A deafening silence enveloped us after. I could feel Xirenn staring at me, but I chose to ignore it. Like I said, I don't have any plans to see her or talk to her when I come back here in the Philippines.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon