FINAL CHAPTER

47.7K 1.6K 665
                                    

TAKEO'S POV

"WHAT?!" Hirro shouted.

Napatulala na lang ako at nanghihinang napasandal sa pader habang karga ang anak kong natutulog.

"Kailangan nating maisagawa ang heart transplant sa madaling panahon. Masyadong malala ang tama ng bala sa kaniyang puso, hindi na niyon kakayaning suportahan ang katawan niya," saad ng doktor.

Pare-pareho kaming natahimik dahil doon.

"Then take mine. I will donate my heart for my sister," Hirro declared, standing up from his seat.

Nakita ko pa ang kaniyang pagngiwi marahil sa tama ng baril niya sa kaniyang binti.

"Hirro," sabay na tutol namin ni Lanz.

Tumingin siya sa amin at ngumiti nang tipid. "Tell her, I love her," aniya.

"Pasensya na po, Mr. Perez, ngunit hindi po namin magagawa ang gusto ninyo. Bukod sa buhay pa kayo ay hindi rin maaari na lalaki ang mag-donate kay Ms. Yura. Malaki po kasi ang posibilidad na tanggihan iyon ng katawan niya kumpara sa kapwa niya babae," mahinahong paliwanag ng doktor.

Napaawang ang bibig ni Hirro at nanghihina na napaupong muli. Napahilamos siya sa kaniyang mukha, bakas ang paghihirap sa kaniyang mga mata. Gano'n na rin ako pati ang iba naming kasama.

"Sa mga tauhan natin?" usisa ni Hirro.

Marahan na umiling si Lanz habang si Prexia naman ay nakatitig lang pintuan ng OR.

Iniwan kami ng doktor at binigyan ng panahon para makapag-isip ng gagawin. Walang donor ngayon na available, ang mga pasyente na namatayan ay hindi rin pumayag na ibenta ang puso ng kanilang kaanak sa amin ayon sa doktor.

I looked at my daughter, who's sleeping peacefully in my arms. Maluha-luha kong hinaplos ang kaniyang mukha.

Please fight for us, love. Fight for our baby, kailangan ka pa namin.

Tahimik akong napaluha at napapikit sa pag-iisip ng mga paraan na p'wedeng gawin.

"Bibili muna ako ng makakain," agaw atensyon sa amin ni Prexia.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya at marahan na tumango. Naalala ko ang sitwasyon ni Zakiah, mula nang nakuha siya ng kalaban ay hindi pa siya nakakakain ng kahit ano.

"Samahan na kita," ani Lanz.

Mabilis na umiling si Prexia bilang pagtutol. "Bantayan mo sila rito. Baka may mga bagay na kailanganin ang doktor, hindi makakikilos nang mabilis si Master."

Wala namang nagawa pa si Lanz kundi ang maupo muli sa tabi ni Hirro. Naglakad palapit sa puwesto ko si Prexia at marahang hinaplos ang mukha ng anak namin ni Zhynn. Pinag-aaralan na animo'y pinakatatandaan gamit ang malamlam niyang mga mata.

"Hanggang sa muli, milady," dinig kong bulong niya bago naglakad paalis.

Kunot-noo kong pinanood ang paglayo niya. May kung anong bigat sa kaniyang awra na hindi ko maintindihan.

Sa lumipas pang mga minuto ay patindi nang patindi ang kaba ko. Isa ang oras sa kalaban namin ngayon, sa pagtagal ng panahon ay sa palala ang magiging sitwasyon ni Zhynn sa loob ng OR.

Alam kong lahat kami ay nag-iisip ngayon ng mga paraan para kay Zhynn. Pinagmasdan ko ang dalawa kong kasama na parehong nakatulala sa kawalan. Napunta sa akin ang atensyon ng lahat nang tumunog ang telepono ko, dali-dali ko naman iyong kinapa sa bulsa ko at kunot-noong tinitigan ang numero ni Prexia.

"Hello?" bungad ko nang sagutin ko ang kaniyang tawag.

Maiingay na huni ng mga sasakyan ang agad kong narinig sa linya na siyang ipinagtaka ko pa lalo.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon