CHAPTER 15

27.1K 1.3K 375
                                    

HALOS isang oras na ang lumipas mula nang matapos ang doktor sa pagtatahi ng sugat ni Zhynn.

Pare-pareho kaming nakamasid sa mahimbing na natutulog niyang mukha.

"Akala mo'y napakabait kapag tulog," bulong ni Hirro habang naiiling.

"Where did she get the injury?" I asked.

Bumuntonghininga naman si Lanz at malamlam na tiningnan si Zhynn. "She saved me," bulong niya.

Tiningnan ko siya nang may pagtataka. "From?"

"Our team was ambushed a few days ago. Ikinulong kami sa isang bodega at pinahirapan. As you can see." Nagkibit-balikat siya at tiningnan ang kabuohan.

"Nagtataka ka siguro kung bakit siya napuruhan," pag-agaw ni Hirro sa atensyon ko.

"Kinda," tipid na pag-amin ko.

"She went there alone." Bahagyang nakaangat ang kaniyang labi nang sabihin niya 'yon.

"What?!" kunot-noo kong asik at tiningnan nang masama ang direksyon ni Zhynn.

"Nagpapakamatay ba s'ya?" dagdag ko.

Lanz emptily chuckled. "She's really impulsive when it comes to her close ones," he stated.

"Mabuti na lang at na-track ko siya agad upang mapasunod ang iba naming tauhan. Akala 'ata ng isang 'yan ay nasa isang anime siya na imposibleng mamatay. Tss!" naiiling na wika ni Hirro.

"Hanggang kailan n'yo 'ko pag-uusapan?" mahinang bulong ng pamilyar na boses.

Magkakasabay kaming napatingin sa direksyon ni Zhynn. Nakamulat na ang kaniyang mga mata at malamig kaming pinasadahan ng tingin.

"Kalalaking tao ang gagaling magtsismisan," salubong ang mga kilay niyang saad at tumitig kay Hirro. Isang tingin na tila may ipinarating.

"Don't worry. I already settled it," ani Hirro.

Nagpakawala ng hininga si Zhynn at umastang babangon. Mabilis akong lumapit sa kaniya upang umalalay. Tumigil naman siya sa balak na pagkilos at walang emosyon akong tinitigan.

"What are you doing here?"

Iyon na 'ata ang pinakamalamig na trato na nakuha ko mula sa kaniya. Hindi rin naman ako nakasagot sa kaniyang tanong sapagkat kahit ako ay nagtataka sa aking pananatili.

Galit ako, hindi ba?

"I am the one who brought you here, remember?"

She smirked and got up without my help. Bakas man ang pag-inda ng sakit sa kaniyang mukha ay hindi pa rin siya nag-abalang humingi ng tulong ko o nagpakita ng anumang kahinaan.

"I am pretty sure that my people approached you outside when you came. You can easily give me to them and leave," she mumbled.

"Don't you think you need to rest, Lanz?" tanong ni Hirro kasabay ng paglapit niya sa reaper.

"Oo nga. Aray! Ang sakit ng mga buto ko." Pag-arte ni Lanz habang hinahaplos ang kaniyang braso na nakabenda.

Sa gano'ng kilos ay alam kong binabalak nila kaming bigyan ng espasyo upang makapag-usap. Kaya naman pasimple akong tumingin sa kanila at ngumiti bago sila lumabas ng silid.

"You can leave with them," Zhynn said as she leaned herself on the headboard.

Gusto ko siyang sermunan sa kalagayan niya ngunit naro'n sa loob ko ang pinaghalong pag-aalala at pagkabahala.

Hindi niya inisip ang kalagayan niya mapuntahan lang ako. Nasisigurado kong may kinalaman na naman si Xirenn sa biglaan niyang pagpunta sa 'kin sa halip na magpagamot.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon