nineteen

134 15 61
                                    

Napag-isipan namin ni Xhaiven na magpahinga muna sa isang milktea shop. Minsan nalang nga kami magkita, 'no. Etong lalaking 'to ay kung ano-ano ang pinagsasabi.



"The fuck, dude. Babae pa talaga 'yung nag-offer sa 'kin na maging sex buddies daw kami. But everything's messed up. I love your bestfriend."



"Oh, e ba't may sex bud ka?" pagtatanong ko sakaniya.



Uminom muna siya bago sumagot. "Your bestfriend... She's in love with Kyenn." Ouch.



"Sino ba sex bud mo?"



"Si Zelena-"



"Pffft! Seryoso?!" Kilala ko si Zelena kasi pinsan siya ni Zy. At kung hindi ako nagkakamali ay kapatid siya ni Selena. Siya pa nga 'yung sinama ni Yazi sa inuman namin sa isla.



"Yep. Nalaman ko nga na nabu-bully pala siya," aniya at minasahe ang sentido.



"Bakit daw?"



"Big lips, big cheeks, big nose. Hindi umabot sa standards ng mga taong nakapaligid sakaniya. And what about those? Maganda naman si Zelena, ah? Tapos binabastos pa siya dahil sa malaking dibdib niya? Dude, the fuck?" Ibang-iba si Xhaiven ngayon. Siguro tinamaan na rin 'to kay Zelena.



"E'di, iparamdam mo kay Zelena na maganda siya."



"I'm not her boyfriend to do so. Anyway, bakit hindi mo sinabi kay Zy na nabuntis ka?" Tinaasan niya ako ng isang kilay.



"Masisira caeeer niya. Hindi niya rin naman tatanggapin mga anak ko, e. Fangirl lang ako ni Zy. 'Yun lang 'yun."



Nang matapos kami ay nagpaalam na rin saakin si Xhaiven. Nagpasalamat din ako kasi siya ang nagbayad ng mga binili ko. Tinext ko si mama na magkita nalang kami sa labas ng mall.



Napangiti ako pag-uwi namin ni mama. Nakita ko nanaman ang mga anak ko. Hindi madaling mag-alaga ng bata, lalo na dalawa pa sila. Pero sila ang lakas ko, kaya bakit naman ako mapapagod?



Dumaan ang ilang taon. Nagtatrabaho na rin ako. Nakikitira ako ngayon sa mansion ng mga Leimor. Wala naman do'n si Zy at mas laking pasasalamat ko na wala ro'n si Zerlhian.



Tuwang-tuwa naman kasi ang mama ni Zy kapag nag-aalaga sa mga anak ko. 4 years old na ang dalawang iyon ngayon. Nasa preschool na rin sila. Syempre magkaklase na para isahang school lang.



Napangiti ako habang pinapanood sila mula sa labas ng classroom.



"Pussycat, pussycat, where have you been?"



"I've been to London to visit the queen!" Sagot ng mga bebe. Ang cute nila.



"Goodbye teacher!"



Naka-linya pa talaga sila kapag lalabas na ng classroom. Agad na ngumiti ang mga anak ko nang makita nila ako.



"Mommy!" Sabay pa talaga.



"Babies! Very good kayo today. Sa'n n'yo gustong pumunta?"



"Ice cream!"



"Ohhh-kay! Ice cream time!"



Hawak-hawak ko ang dalawa sa magkabilang kamay ko. Dumiretso kami sa isang ice cream shop. Pinaupo ko sila sa harap ko. Natutuwa talaga ako kapag pinapanood ko silang dalawa.



"Mommy, where's daddy?" Tanong ni Eiah nang may makitang isang pamilya.



Lagi nilang tinatanong kung nasa'n daddy nila. Ako lang kasi ang nakakasama nila, e. Minsan nga ay nagu-guilty na ako sa pagtatago sakanila sa daddy nila.



Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now