Kasal agad?
Nakatulala lang ako sa kisame habang nag-iisip. Kailan kaya ako magkakaroon ng jowa? Buti pa nga si bes ay nakabingwit na ng isang idol. Ay mali, malapit palang maging idol. E, ako kaya?
Tumayo ako at nag-ayos na. Pupunta kami ngayon sa Albay. Magbabakasyon kami roon ng isang linggo. May one week break kasi kaya ayan wala kaming pasok sa school.
Nagdala lang ako ng ilang damit. Pero syempre karamihan ay pang-OOTD ko. Syempre magse-selfie ako everywhere. Pang-update lang sa instagram, facebook at twitter ko.
"Zandra! Bilisan mo na riyan, jusmiyong bata ka. Lintian naman na, dumali ka na baya!" Andiyan na si mareng Zandy ay este si mama.
"Eto na nga! Bababa na! Nang-wawarshock ka, e!" Padabog akong lumabas ng kwarto ko at nakasimangot na bumaba. Pinalo ako ni mama sa p'wet nang makitang nakasimangot ako. Huhu ambait mo talaga mareng Zandy.
Nang nasa byahe na kami ay panay picture ko sa mga nadadaanan namin. Na-miss ko ang buhay probinsya. Tumigil kami sa isang gas station. Bumaba muna kami ni bunso para bumili sa convenience store na malapit.
"Ate Zandra." Kinalabit ako ng kapatid ko. Nilingon ko ang nginunguso niya.
Isa iyong matangkad, maputi, matipuno, at g'wapong lalaki. Natulala lang ako sa kag'wapuhan niya. Napansin niya ata iyon at kunot-noong lumingon saakin. Nang magtama ang paningin namin ay nakilala ko siya kahit naka-suot siya ng face mask!
"Zylhian," usal ko.
Narinig niya ata iyon pati ang kahera. Naguluhan ang kahera at sinilip ang mukha ni Zylhian. Lumapit saamin si Zylhian. Pigil ang hininga ko nang ilapit niya ang nguso niya sa tainga ko.
"Next time, you'll pay for revealing my identity." Hindi ako nakagalaw hanggang sa makaalis siya. Shems, na-in love ata ako sa boses niya.
Bumalik ako sa katinuan nang hilahin ni bunso ang laylayan ng damit ko. Nagbayad na kami at lumabas na. Tahimik nalang ako sa buong byahe. Hindi ko nga alam na malapit na pala kami sa Albay.
Gabi na nang marating namin ang Albay. Agad kaming sinalubong ng mga kamag-anak namin nang makababa kami sa kotse. Bukas nalang daw ang kumustahan at kwentuhan dahil pagod kaming lahat sa byahe.
Naligo ako at nagsuot ng komportableng damit. Oversized shirt at maikling shorts lang. Naka-messy bun ang buhok ko ngayon dahil nasa bahay lang naman.
Nagulat ako nang makitang may ibang tao bukod sa mga kamag-anak namin. Siguro ay mga malalapit na tao sila sa pamilya namin.
"Zandra hija, halika rito at ipakikilala kita sa mga bisita," ani auntie Corra. Lumapit naman agad ako at ngumiti sa mga bisita.
"Eto si Zandra, panganay nila Zandy." Ngumiti lang ako sakanila at gano'n din sila. "Zandra, eto naman ang pamilyang Leimor. Malapit sila sa pamilya natin."
"Hello po, ako po si Zandraile Aicah Orontto! Magandang umaga po-"
"Anong maganda sa umaga?" Lahat ay napalingon sa nagsalita mula sa likuran ko. Ang boses na iyon ay pamilyar. Lumingon ako sa nagsalita at muntik nang malaglag ang panga ko.
"Yrax! Stop being rude! She's your future wife."
Future wife... Ako?!
YOU ARE READING
Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2]
RomansaZandraile Aicah Orontto is a cute fangirl who's praying to be married to her ultimate idol. Her prayers were heard but there was something wrong.. She got married to a different idol. Zylhian Yrax Leimor asked her not to attach real feelings. Zandr...