twenty-nine

136 14 45
                                    

I love you



"Hon, ayaw mo bang magpa-init?" Natawa si Zerlhian sa tanong ko. Magpapa-init sa labas! Baka naman kasi iba iniisip ng isang 'to.



"I just want to cuddle with you-"



"Tanghali na, oh! Labas na kasi tayo," wika ko. Humarap ako sa kaniya at nakitang nakapikit siya. Inaantok pa siguro?



Napailing nalang ako. Sabagay, last day na rin namin dito. E'di, sulitin na sa kama, hindi ba? Napairap ako nang ibaon niya ang mukha niya sa leeg ko.



"N-Nung minsan bang may g-ginagawa kami ni Zy, ikaw ba 'yung pumasok?" Umiling agad siya. So, si Zarlhian din 'yon?



"Si Zarlhian din 'yung sinugod ng babae sa bahay ninyo. He keeps on using my name... Buti nalang talaga narinig ko 'yung conversation nila mom. What if si Zarlhian ang nakarinig n'on at nagpanggap na ako? Ano nanaman gagawin niya sa 'yo?"



Buti nalang talaga..



"But I was the one na nakipag-date kay Franzielle... It happened kasi na may gagawin si Zarlhian that time." Tumango-tango nalang ako. Buti na rin 'yon. "I took that opportunity to save Franzielle. I know my twin. He will do whatever he wants. He has a gun... That gun is real... He threatened me. Kung hindi ko raw siya susundin, papatayin niya tayo."



Tumayo siya at nagpaalam na pupunta sa baba para magluto. Nag-ayos lang ako at sumunod na sa kaniya. Pinanood ko lang siya habang seryoso siyang nagluluto ng lunch namin.



"You're going to be a good husband..." I whispered.



"And this future good husband will marry you," biglang sabi niya! Nagulat ako hindi dahil sa narinig niya ang sinabi ko, kundi' dahil sa sinabi niya...



I'm going to be his wife... His wifey.



"Swimming tayo later? Sa private pool." Um-oo agad ako! Kaysa naman tumambay kami maghapon sa loob!



Gaya nga ng suhestiyon niya, nag-swimming kami sa private pool after ng lunch namin. Tinuruan niya pa akong mag-floating! Boba ko kasi.



Nagulat ako nang halikan niya ako habang nagfo-floating ako! Lumubog tuloy ako at agad niya naman akong inalalayan. Natawa pa siya sa nangyari kaya inirapan ko siya!



Umahon muna siya kaya naiwan ako sa pool. Maya-maya lang ay sumunod na rin ako sakaniya. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na kaya ang mga titig niya! Jusmiyo!



"Sit here," tinapik niya ang space sa tabi niya. Sinunod ko naman ang gusto niya at tahimik na naupo sa tabi niya.



"You're so.. breathtaking, Aicah," he whispered softly. Nag-init tuloy ang pisngi ko! Unti-unti niya inilapit ang kaniyang mga labi sa akin.



"Sir- Sorry!"



Napalayo ako kay Zerlhian nang marinig ang caretaker. Nakangisi lang si Zerlhian habang pinapanood akong mataranta! Nang matapos ay humawak siya sa beywang ko at iginiya ako papasok sa loob.



"I'll be back.. We're not yet done," nakangising aniya at umalis na para kausapin ang caretaker.



I took a shower first. Nilinis ko talaga ang katawan ko! Dapat lang, 'di ba? Pinatay ko ang shower nang matapos na ako sa pagbabanlaw.



Napatili ako nang biglang may bumuhat sa akin! Pinaghahampas ko si Zerlhian pero tinawanan niya lang ako. Inilapag niya ako sa countertop.



"Dinner?" Pang-aasar niya.



Nakahiga kami ngayon, parehong bagong ligo at pagod na pagod dahil sa pag-swimming kanina. Nakayakap siya sa beywang ko habang nakatalikod ako sa kaniya.



Biglang may sumagi sa isipan ko. Humarap ako sakaniya at sumiksik. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.



"Zerlhian, hindi ka ba.. nadidiri? May mga anak na ako-"



"Aicah, I was actually thinking about it earlier. I feel so contented. I just realized that.. we looked like a married couple with two kids but we still have a connection," he explained. He caressed my hair, like he was telling me that everything's fine with him.



"But they're not.. yours," bulong ko, naluluha na.



"Mine or not, I see no difference at all. I love your kids. And you wanna know the other reason why I always think of staying with you and the twins?" I nodded. "I love you."



Those three words.



"Hush, stop crying. I just love you and your kids. I cannot call them mine for now, it's too much hahaha. Maybe, soon?" He hugged me tighter.



Nasa buhanginan kami ngayon, ninanamnam ang bawat sandali. Lumapit siya sa akin at yumakap mula sa likuran ko. Napasandal nalang ako sa katawan niya.



"I'm feeling it... I will let you go someday. I don't want to but it is the right thing to do. Just let me take care and love you and your kids for the meantime, huh?"



Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko kaagad 'yon at humarap sakaniya. Yumakap ako sa leeg niya habang nakayakap siya sa beywang ko.



"Don't leave me," I whispered.



He bit his lip and looked deep into my eyes. Pinagdikit niya ang mga noo namin. I closed my eyes, having the feeling of crying again.



"I won't... Unless, bawiin ka niya. Mahal ka niya at mahal din kita. But your kids deserve to meet their dad. And I know, I feel it, you're still in the process of falling in love with him," he whispered back.



Gusto kong itanggi... Pero tama siya..



"I love you so much," he whispered again.



"I love you too," I answered. Zerlhian has a space in my heart. He made me feel everything that I wanted to feel.



Hindi na kami nag-usap nang makabalik sa loob. Pero natulog naman kami na ang posisyon ay katulad nang dati.



When we got home, wala namang nagbago. Gano'n pa rin naman ang lahat. Mas naging maalaga nga lang si Zerlhian sa mga bata. Uuwi siya galing trabaho tapos mag-aalaga ng mga bata.



"Zerlhian, magpahinga ka na-"



"No, it's okay! Hindi pa naman ako pagod, hon." Ayan ang palagi niyang rason. Hinahayaan ko nalang.



May mga tao talagang minamahal lang natin dahil sila ang nandiyan.



Hindi naalis sa akin ang takot at trauma. Minsan ay naaalala ko si Zarlhian dahil kamukhang-kamukha niya si Zerlhian. Bumabalik ang takot sa akin.



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now