thirty-five

232 15 80
                                    

Zyraile



I woke up beside Zylhian, who's hugging my waist from behind. Hindi ko na mabilang kung naka-ilan kami kagabi! Handa na ba akong majontis? Sharpshooter pa naman ang isang 'to!



Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at binasa ang text ni bes. May surprise raw siya para sa lahat. Ano naman kaya 'yon? Hindi na ako magugulat kung jontis agad siya.



"Hubby, gising na. Aasikasuhin pa natin 'yung mga bata-"



"Pinahatid ko na kay Zerlhian sa bahay nina Kyenn," inaantok na tugon niya.



"Huh?! Bakit? Jusmiyo ka, Zy!"



"Ayaw mo ba ng hubby time?" Hinarap ko siya at nakitang nakanguso siya.



Natatawa akong humalik sa pisngi niya. Parang ginanahan naman siya at agad na umibabaw sa akin. Napangiti nalang kaming dalawa!



"We'll name her Zyraile," aniya.



"Her? Babae gusto mo?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya at walang pasabing hinalikan ako.



Nang sumapit ang gabi at nakapagpahinga na kami ay nagtungo na kami sa bahay ng mag-asawang Andrada. Tulog na ang mga anak namin sa k'warto nina bes kaya inilipat namin sila sa guest room.



Magkasamang dumating sina Zelena at Tyrell. Si Xhaiven naman ay solo, kagaya ni Karenne. Sina Dhavien at Yazi ay magkasama. Ayos na pala sila?



"Alam n'yo, dapat nang mamatay mga babaero, e," wika ni Dhavien habang nag-iinuman kami. Sina bes ay nawala bigla, baka matutulog na at jontis si bes.



"Ahh, limot mo na pala 'yung pambababae mo," inis na sagot sa kaniya ni Yazi. Nambabae si Dhavien?!



"Mahal, kalimutan na natin 'yon. Sobrang loyal ko na ngayon kasi mahal na mahal na mahal kita," naglalambing na ani Dhavien pero tinulak lang siya ni Yazi palayo kaya natawa kaming lahat.



Biglang may tumawag kay Yazi, "Hello? Oh ma, napatawag ka? Napano si-" Tumayo na siya at nagmamadaling umalis. Kahit na nahihilo na si Dhavien ay mabilis siyang sumunod kay Yazi.



Ano bang nangyayari? Naiwan naman kaming walang imikan. Hanggang sa binasag Tyrell ang katahimikan. Siya naman talaga maingay sa mga lalaki, e.



"So, when's the next wedding? Months ago pa 'yung last. Sino gustong sumunod-" Nagtaas ng kamay si Zy kay napangisi si Tyrell, "Ohh, there you go, my man. Ikaw, Xhai?"



"Fuck you for calling me Xhai," iritadong mura ni Xhaiven na tinawanan lang ni Tyrell.



"Kayo ata ni Zelena ang susunod." Napalingon kaming lahat kay Karenne. Nagulat talaga kami at lagi lang naman siyang tahimik...



"Karenne-"



"We're not close, Mr. Winzel," nakangiting wika ni Karenne pero hindi iyon totoo. "Uuwi na ako. It was nice meeting you guys again."



Dali-dali siyang naglakad paalis. Sinundan naman siya ni Tyrell. Pinagmasdan lang namin ni Zy si Xhaiven na nakatingin ngayon kay Zelena habang walang emosyon na mababasa sa mukha niya.



"I LOVE YOU SO MUCH, ZYLHIAN YRAX LEIMOR!" sigaw ko habang nag-peperform ang Ohhsome.



Napangiti agad si Zy at lumingon sa puwesto ko. Alam niya na kung saan ako hahanapin. Wala na kaming pake sa medias... Hindi naman kami dapat magtago.



Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now