twenty-one

134 15 61
                                    

Five



Five years. Five years nang hindi nakikita ng mga anak ko ang daddy nila, at gano'n din ang daddy nila. Natigil ako sa pag-iisip at nataranta nang makitang nadapa si Zyleiah.



"Mommy!" Umiiyak na tawag ng anak ko.



Naglalaro kasi sila ni Zandrei sa playground ng isang eco park dito saamin. Lalapitan ko na sana siya nang may mauna saakin. Naka-shirt lang ang lalaki at light colored na skinny jeans. Naka-shades din siya at facemask kaya hindi ko makilala.



Kinarga niya si Zyleiah at inalo. Kaagad naman akong lumapit dahil baka tangayin niya ang anak ko.



"U-Uhm, anak ko 'yan."



"Is that how you thank someone?" That voice.



Hindi. Nagkakamali lang ako. Hindi naman siya pupunta rito, 'di ba? Tiningnan ko siya pero parang may kakaiba. Hindi siya ang taong mahal ko. 'Yun ang nasa isip ko.



"Sorry for that. Thank you. Uhm, Zyleiah, mommy's here."



Agad namang lumipat sa mga braso ko si Zyleiah. Napatingin ulit ang lalaki sa anak ko at nangunot pa ang noo niya. Umiwas siya ng tingin bago nagsalita.



"Take care."



Bakit naman iyon sasabihin ng isang lalaking ngayon ko palang nakilala at nakita?



"Anak, next time, be careful, ha? Nag-aalala si mommy sa'yo, e. Zandrei, don't go-"



Nataranta ako nang lumapit si Drei sa lalaki kanina. Hinawakan niya ang laylayan ng shirt nito. Agaran namang napalingon sa anak ko ang lalaki at lumuhod para magkapantay sila.



Nang makalapit kami ni Zyleiah ay narinig ko kung ano ang tinatanong ni Zandrei sa lalaki.



"Do you have a baby? A family?"



Nakagat ko ang labi ko nang lumipat saakin ang tingin ng lalaki. Hindi ko man makita ang mga mata niya ay ramdam ko naman ang mga titig niya. Bumaling ulit siya sa anak ko.



"I guess so... But they left me."



Zandrei suddenly hugged the stranger. Zyleiah pouted and told me to put her down. She hugged that man too. I just let them. The guy seemed to love their gestures.



"Your mom needs this hug. Where's your dad, by the way?"



"He left us-"



"Eiah, Drei, tama na 'yan. We have to go. Sorry for-"



"Leaving for the second time. Keep safe. And look for your kids' dad."



Gano'n lang at iniwan na kami ng lalaki. Hindi ko alam pero may kung ano sa puso ko ang kumirot. Biglang tumunog ang phone ko kaya chineck ko iyon. Nahagip ng paningin ko ang petsa. Wedding anniversary namin ngayon. It's August five.



"Mommy, why are you crying?" It was Eiah.



Pinunasan ko ang mga luha ko at kinarga na si Eiah. Habang si Drei naman ay hawak ko sa isa kong kamay.



"Napuwing lang si mommy."



Nang hapon ay kinailangan kong pumunta sa office ko. Saktong-sakto naman at mukhang may new clients. Pero nagulat ako nang pumasok ang secretary ko.



"Ma'am Orontto, may naghahanap po sainyo. Mga taga-C-box Entertainment daw po."



Tumango lang ako at sinenyasan siyang papasukin na ang mga iyon, sa pag-aakalang si Xhaiven lang o Dhavien. Pero nagulat ako nang makita ang manager ng Ohhsome na si Shane at tatlo pang babae kasama ang iilang bodyguards.



"Good morning, Ms. Orontto."



Nakipag-kamayan pa ako sakanila at sinenyasan silang maupo sa couch. Umupo naman ako sa kaharap na couch.



"We're here to offer you a job in C-box Entertainment. They are the personal managers of Ohhsome's members." Tinuro niya ang tatlong babae. "Uhm, Ms. Orontto, nakita kasi namin na sumisikat ang mga disenyo mo. We would like to offer you a 5-year contract with us pero kung gusto mong i-renew ang contract, it would be an honor. Which means, ikaw ang magiging designer ng mga damit na gagamitin ng Ohhsome."



Darn. So, it means, magkikita kami nila Zylhian?



"I'm sorry but I'm taking this offer down. Ms. Shane, this is very informal but I can't stand seeing him."



"Ms. Orontto, we will assure you na hindi kayo magkikita. We need you. It's okay kung hindi ka pupunta every event na kasama ang Ohhsome." Ngumiti pa si Shane.



"Okay. Let's sign the contract, shall we?"



Nang makaalis ang C-box Entertainment personnels, mabilis akong pumikit. Bigla namang tumugtog ang isang kanta.



"Balloons are deflated. Guess they look lifeless like me. We miss you on your side of the bed, mmmm... Still got your things here. They stay with me like souvenirs. Don't wanna let you out my head."



I miss him.



"Just like the day that I met you. The day I thought forever. Said that you love me. But that'll last for never. It's cold outside. Like when you walked out my life. Why you walked out my life?"



"I w-walked out of your life, Z-Zy... I'm sorry." Nagsimula nanaman akong humikbi.



"I, get like this every time. On these days that feel like you and me H-Heartbreak anniversary. 'Cause I, remember every time. On these days that feel like you and me. Heartbreak a-anniversary. Do you ever think of me?"



Ba't naman nauutal ang singer? Nagmuklat ako ng mga mata at nakita si Dhavien na nakamasid lang saakin. Kita ko ang lungkot sakaniyang mga mata. Nagulat pa ako at agad na nagpunas ng luha.



"Hey," bati ni Dhavien at ngumiti.



"H-Hi! Anong ginagawa mo rito? Ikaw ba 'yung..."



"Kumakanta kanina. Yeah, that was me. Zandra, mahal mo pa rin?" Napatango nalang ako nang magsimula nanamang tumulo ang mga luha ko.



Agad na lumapit si Dhavien at yumakap saakin.



"He loves you so much. Bumalik ka na sakaniya, Zandra. Hindi na rin kaya ni Zy na mag-isa..."



"Mahal ko... siya pero h-hindi p-p'wede... Teka nga, ba't ba andito ka?"



Humiwalay saakin si Dhavien. Tinitigan ko lang siya habang naghihintay sa isasagot niya.



"Ikaw ang makakatulong saakin. Hay, gano'n pala kapag tinamaan ka na, 'no?" Mapakla siyang tumawa nang biglang may mahagip ang mga mata niya sa likuran ko.



Agad na nanlaki ang mga mata ni Dhavien at humakbang paatras, binibigyang distansya ang mga katawan namin.



"Shit! Shit! He told me not to touch her," bulong niya sa sarili niya.



"Dhavien? Okay ka lang?" Tanong ko at lumingon sa tinitingnan niya. Sa pag-aakalang isa iyong paparazzi ay sinarado ko agad ang mga kurtina ko. Nasa ikalawang palapag ang office ko at may katapat iyong hotel room.



"D-Dhavien, paano kung may nakakita saatin at ipagkalat sa-"



"No! What I saw is someone scarier than those paparazzi! Fuck, Zandra! Aalis na ako."



"Dha-"



Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang lumabas na siya sa office. What the thell?



Gustong-gusto ko nang kalimutan si Zy. Gusto ko na ring tanggalin ang nararamdaman ko para sakaniya. Ni hindi siya nagparamdam saakin at sa mga anak namin. Tama, hindi niya talaga matatanggap na nagkaroon siya ng mga anak saakin.




_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now