Four idols and two girls?
Napangiti ako nang magising sa tabi ni Zy. Sobrang higpit ng yakap ng lalaking 'to. Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na. As in kami na. Walang halong pilitan ah.
"Good morning," aniya habang nakapikit pa rin. Humalik siya sa noo ko kaya kinilig nanaman ako. Ehe enebe.
"Morning. Magluluto na a-"
"I'll cook. I'll cook for my queen." My queen. Pigil tuloy ang ngiti ko. Bwiset kasi, ehe. "You can take a shower first before going downstairs. I'll cook now," aniya at tumayo na.
Nag-shower muna ako bago bumaba. Sakto naman ay tapos ni Zy magluto. Naupo ako sa dining at takam na takam na tumitig sa almusal namin.
"Ganiyan ka rin tumingin saakin." Nag-angat ako ng tingin at umirap. Asar din 'to minsan, e.
"Pero mas masarap sa'yo 'yang mga niluto mo," pam-babars ko sakaniya. 'Kala niya ha.
"Weh?" pang-aasar niya nang makaupo siya sa harapan ko.
"Wehtlog. Kumain nalang tayo." Natawa nalang siya at nagsimula nang kumain.
Ako na ang naghugas habang si Zy ay naliligo. Nang matapos kami pareho sa ginagawa ay nag-usap kami sa sala. Tungkol sa mga bagay-bagay lang. Ganern.
"Do you wanna go somewhere?" biglang tanong niya.
"We can't. Baka may makakita saatin-"
"Somewhere far away from people." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "We can go to a mountain-"
"Mountain?! What the? Bahala ka diyan. Ikaw lang aakyat, hindi ako sasama-"
"Beach?"
"May mga tao sa beach. Haler?" Napairap nalang ako.
"Hmm. How about renting the whole beach-"
"Boa! Hindi mo keri 'yon. Buong beach, ano ka? Hilo?" Natawa siya bago sumagot.
"You're underestimating me. I can rent not only the whole beach but the whole island," bigla siyang may tinawagan. Ni-loud speaker niya talaga para marinig ko ang usapan nila.
[Sir Yrax! Do you need anything today?]
"Red, rent the whole island for me," ngumisi si Zy.
[Roger that, sir. Send me the exact island, sir. What else do you need, sir Yrax?] Totoo ba talaga?
"Pick some nice outfits that'll suit my wife's taste. I'll send you her size-"
[Do you want us to go there and get the size of Mrs. Zandraile, sir?] Mrs. Zandraile?!
"No need. I'll just send it to you. I memorized it anyway," tumingin saakin si Zy at kumindat.
[Alright, sir. Anything else, sir?]
"I want a good security. And also, prepare my private plane." Oh my gosh. Gano'n siya kayaman?
[Your plane is ready, sir.]
"Thank you, Red. I'll hang up now."
[My pleasure, sir. Goodbye.]
Nang putulin ni Zy ang tawag ay nakangisi siyang humarap saakin. Hindi na ako nakaimik. E'di... it means, mayaman na ako? Kasi mayaman boyfriend ko!
YOU ARE READING
Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2]
RomanceZandraile Aicah Orontto is a cute fangirl who's praying to be married to her ultimate idol. Her prayers were heard but there was something wrong.. She got married to a different idol. Zylhian Yrax Leimor asked her not to attach real feelings. Zandr...