thirty-four

211 15 55
                                    

Family



Niligpit ko na ang mga laruan na ginamit ng mga anak ko at ng daddy nilang nag-fefeeling bata. Ang kalat kalat tuloy. Lumapit agad ang yaya ng mga bata at sinabing siya na raw ang magliligpit.



Sa sobrang sakit ng likod ko ay humiga ako sa sofa at ginawang unan ang mga hita ni Zy. Napapikit nalang ako nang maramdaman ang palad niya sa pisngi ko.



"Are you tired? Alin masakit?" Tinuro ko lang ang likod ko. "Dapa."



"H-Huh?" Ano 'yon?! Bakit iba 'yung dating sa 'kin? Jusmiyo corazon.



"For a massage," sagot niya. Tumango nalang ako at dumapa. Nakaharap ang ulo ko sa gilid, paharap kay Zy.



"Mom wants us to have a dinner with them later. But I can cancel it if you're feeling uncomfortable with my family-"



"Huwag na. Pupunta tayo bilang respeto. Mabuti na rin 'yon na malaman nilang hindi na tayo maghihiwalay kahit na ano pang sabihin nila," pabulong na sagot ko.



"Kailan mo gustong magpakasal?" Natigilan ako sa tanong niya.



OMG! Ikakasal na nga pala ako sa kaniya!



"Kahit kailan..."



"Kahit ngayon?" Napaupo ako sa tanong niya at hinampas siya ng throw pillow. Tumawa siya at hinawakan ang braso ko. Hinila niya ako at hinalikan. "Ang cute mo. Kaya siguro nag-iba agad tingin ko sa 'yo noon."



"Ha? Halaman," pang-aasar ko.



Umirap naman ang attitude na Zy at pinakawalan ako. Natatawa akong nagtungo sa kusina para magluto ng snacks. Sumunod naman agad si Zy.



Yumakap siya sa akin kaya nagmukha kaming tanga habang naglalakad papunta sa ref para kunin ang fries. Habang nagluluto ako ay nakayakap pa rin siya!



"I'm curious... What did you do in Maldives?" Kinabahan agad ako nang marinig ang Maldives!



"Picture p-picture lang. Tapos swimming, gano'n-"



"Talaga? E, nahuli nga raw kayo." In-off niya ang induction cooker at kumalas sa akin. Agad naman akong humarap.



"Zy, a-ano kasi-"



Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan niya ako. Ang isang kamay ko na walang hawak ay napakapit nalang sa braso niya. Bumaba ang mga labi niya sa leeg ko.



"Z-Zy..."



"Tell me, who's hotter?" Nag-init ang pisngi ko sa tanong niya. Kailangan ba 'yong itanong?



Magsasalita na sana ako nang bigla kong marinig ang boses ng mga anak namin. Naitulak ko agad si Zy kaya napangisi siya at napakagat-labi nalang.



Agad na nagpabuhat ang spoiled na si Eiah sa daddy niya. Si Drei naman ay lumapit sa akin, naghihintay na matapos ang niluluto ko. Binuksan ko ulit ang lutuan at pinagpatuloy ang pagluluto.



"Bakit si daddy lang sinusubuan n'yo?" Nagtatampong tanong ko sa dalawa habang kumakain kami ng fries sa sala.



"Kasi mommy, si daddy magsusubo sa 'yo," nakangiting ani Zyleiah.



"Daddy, subuan mo si mommy, nagtatampo po," singit naman ni Zandrei.



Napairap nalang ako nang subuan ako ni Zy! Parang ewan naman mga 'to. Pero kinilig ako!



Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now