twenty-five

167 15 49
                                    

Fiancé



I got busy sa work dahil nga VIP client ko si Yazi. Para pala sa kasal nila ni Dhavien ang ginagawa kong gown ngayon. Hay, buti pa si Yazi at ikakasal na.



Nag-vibrate ang phone ko at wala na akong panahon para tingnan pa kung sino ang caller. Napangiti nalang ako nang marinig ang boses ni Zy.



[I'm going with the boys later. Bachelor party for Dhavien. I heard from Dhavien na mayroon din daw kayong party. Avoid men, okay?]



"Then avoid the hired dancers din mamaya sa party ninyo," natatawang ani ko.



[Sure, wifey. I'll go now. If anything happens, just call me, alright? I love you. Take care.]



"I love you too, Zy. Safe driving," nakangiting balik ko sakaniya.



Nandito kami ngayon sa isang five-star hotel. Si Zelena pala ang naghanda ng party. Si Franzielle lang talaga ang wala. Na-guilty tuloy ako.



"Before we formally start the party, I would like to take this opportunity to congratulate my mars. I'm so proud of you, hindi ka na tatandang virgin! Mag-anak agad kayo, ha!"



Lahat kami ay natawa sa sinabi ni Zelena pero mas natawa kami sa isinigaw ni Yazi.



"Boba nito! Dati naman akong hindi virgin, ha? Ikaw nalang gumawa ng bata, ulol!"



As expected, may hired men. Nasa gilid lang ako, umiinom. Gano'n din si Karenne. May iba pang friends si Yazi at sila 'yung nakikipaglandian talaga sa mga lalaki. Etong si Yazi naman at Zelena ay pinagtitripan ang iba.



"Kayo ba ni Zylhian? Kailan kayo magpapakasal?" Biglang tanong ni Karenne. May boses pala siya. Joke.



"Matagal pa," sagot ko. Tango lang ang naging tugon niya.



Nagkasiyahan naman kami pero nawala ang saya nang pumasok sina Dhavien. Pinipigilan siya ni Xhaiven pero hindi siya nagpaawat. Nagulat kami nang bigla niya nalang hinatak si Yazi palabas ng room.



"What the fuck is happening? Oh my God! Can't you see that we are having fun tapos you guys-"



"Ang ingay," biglang bulong ni Xhaiven pero rinig na rinig iyon.



Suminghap si Zelena, pilit na pinapakalma ang sarili. "I won't give a damn even if ikaw pa ang powerful Xhaiven Cerssus Keon. Don't mess with me. I am the Goddess Zelena Zhaira Dominguez, a model of C-"



"Woman, I don't have the time to deal with your shits in life, alright?"



Bakit sila ganiyan? E, may past nga sila.



"Argh! I hate you!"



"Too. And if you are going to ask me why-" Napatigil siya nang mag-ring ang phone niya. "Hi baby. Uhm, nasa hotel pa ako. Nasa condo ka? Wait for me there. Of course, I will. I'm craving... Yeah? I love you."



Hinarap niya ulit si Zelena. "Oh, you are the worst, Zelena."



Naiwan kaming lahat na nakanganga. Ano bang nangyayari? Napasandal nalang ako sa dibdib ni Zy nang yakapin niya ako. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na lapitan ni Tyrell si Zelena. Habang si Karenne ay... pinagmamasdan lang sila.



"Zylhian?!"



Nataranta kami ni Zy nang may makakita sakaniya, isang araw na magkasama kami sa isang parke. Hinila niya ako at itinago gamit ang hawak-hawak niyang jacket.



Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now