Thank you so much for supporting Under Her Addictiveness. I love you my Aeress/Aephrós!
Promise
Masaya akong tumatakbo nang bigla akong natisod. Umiyak ako nang tumawa ang mga nakakita sa pagkadapa ko. Tiningnan ko kaagad ang mga tuhod ko at nakitang may mga sugat! Nataranta ako nang makakita ng dugo.. May dugo.. Ayoko sa dugo..
"Get up, will you? C'mon, help yourself."
Nilingon ko ang nagsalita at nakita ang isang batang lalaki. Pero mukhang mas matanda siya sa akin.. Ang tangkad niya.
"Tsk. Hold my hand," aniya at inilahad ang kamay niya. Inabot ko iyon at tinulungan ang sariling makatayo.
"Salamat..." nahihiyang sabi ko.
"You're... cute," halos pabulong na sabi niya sabay takbo nang mabilis. Cute ako?
"Zandra!" Nakangiting tawag ni Zylhian. Pagkatapos nung araw na tinulungan niya ako ay naging magkaibigan na kami.
"Gusto mo?" Inalok ko sa kaniya ang ice cream ko. Kumagat siya ro'n at nanginig. Ang lamig n'on... Masakit sa ngipin.
Umupo kami sa tambayan namin tuwing hapon. Nang dalawin ako ng antok ay sumandal ako sa kaniya. Maingat niya namang inilagay ang ulo ko sa balikat niya.
"Sabi ni teacher sa amin kanina.. kailangan daw naming mag-asawa."
"Kailangan ba talaga?" pagtatanong ko.
"Oo, para may kasama raw kami sa pagtanda. Ikaw ba? Gusto mo bang mag-asawa?"
Napaisip naman ako sa tanong niya. Umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya. Tumingin din siya sa akin at humalik sa noo ko. Palagi niya iyong ginagawa.
"Pakakasalan kita, Zandra. Ayoko nang maghanap ng ibang babae. Sa 'yo nalang ako. That's a promise," nakangiting wika niya.
Lumipat ang pamilyang Leimor sa Maynila at hindi na ulit kami nagkita ng lalaking nangako sa aking pakakasalan ako..
"Bes, kalimutan mo na 'yung kalaro mo noong bata ka pa. Nakalimutan mo na nga pangalan niya, e bakit hindi mo na rin kalimutan feelings mo para sa kaniya?" payo ni Franzielle.
"Ano na kayang year niya ngayon? High school din kaya o college?"
"Zandrina, sa idols ka nalang magka-crush. Tutal fan na fan ka naman ng mga 'yan.."
Last concert na ni Zy ngayon. Umiyak ang fans nang magyakapan ang tatlong myembro ng Ohhsome. Kahit ako ay napaluha rin. May papalit naman kay Zy at tiyak na mahahalin din siya ng fans.. Si Zerlhian.
"As years passed, I got into this realization that there is a reason for me to leave this career. I love my fans, my career, management, co-idols but I love my girl more.. And I'm proud to say that I am now a husband of an amazing woman and a father of three kids. My wifey is pregnant," nakangiting anunsyo ni Zy sa lahat.
"CONGRATS, ZYLHIAN!"
"MAHAL NA MAHAL KA NAMIN! HUHUHU!"
Sinalubong ko si hubby na galing sa company niya. Talagang nag-effort pa siyang pumunta rito sa office ko. Agad na yumakap ang mga braso niya sa beywang ko at ang mga labi niya ay lumapat sa mga labi ko.
"Tawag nang tawag si Zyraile kanina habang nasa meeting ako," wika ni Zy.
"Clingy. Mana sa 'yo," pang-aasar ko. Umirap siya at nagtatampong lumayo sa akin. Ang drama!
YOU ARE READING
Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2]
RomanceZandraile Aicah Orontto is a cute fangirl who's praying to be married to her ultimate idol. Her prayers were heard but there was something wrong.. She got married to a different idol. Zylhian Yrax Leimor asked her not to attach real feelings. Zandr...