thirteen

166 14 7
                                    

Hurting



Nagpaalam na si Zelena na babalik na raw siya sa vacation house nila. Naiwan naman kaming tatlo nila Yazi. Si Karenne ay mukhang may tama na rin gaya ko. Si Yazi naman ay parang hindi tinatablan.



"Ang sakit lang. Gustong gusto ko si Tyrell pero hindi siya seryoso. Kailan kaya siya magseseryoso?" Umiiyak na ani Karenne.



"Do I look like I'm not serious?" Napalingon kaming tatlo kay Tyrell. Binuhat niya nalang si Karenne at saka nagpaalam saamin ni Yazi.



"Looks like it's just the two of us." Napangiti nalang ako kay Yazi.



"Yazi, hindi ka ba na-aawkward? Ex ng kapatid mo si Dhavien."



"Hindi. Kapag mahal mo, susugal ka," ngumiti siya saka tumingin sa kawalan. "Zandra, alam kong mahal mo na si Zylhian. Pero hindi mo lang kayang sabihin kasi natatakot ka sa p'wedeng mangyari. Ang hirap pala kapag idol ang minahal mo." Tagos 'yon.



"Pinapangarap 'to ng iba pero hindi nila alam na mahirap pala." Mahirap. Sobra. Hindi namin p'wedeng sabihin sa iba.



Nakaka-ilang bote na ako at nahihilo na ako. Si Yazi ay mukhang tinamaan na rin. Maya-maya pa ay sinundo na rin ni Dhavien si Yazi. Kaya naiwan akong mag-isa.



Pinagmasdan ko lang ang tubig-dagat. Ang mga alon. Ang liwanag na nagre-reflect sa tubig. Ang tunog ng dagat. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga pinipigilan kong luha.



"Kung alam mo lang... ang hirap, sobra. Minsan, gusto ko nalang na iwan ka. Kasi nasasaktan ako..."



"You're not the only one who's hurting." Napatayo ako at agad na hinarap si Zy. "Zandra, ang selfish mo naman kung iisipin mo na ikaw lang ang nahihirapan sa relasyon na-"



"Pero sino 'yung mas nahihirapan? Hindi ba't ako?" Lumapit ako sakaniya at inisang hakbang ang pagitan namin.



"Can you hear yourself right now?!" I froze when he raised his voice. "You are so selfish! All you think about is yourself!"



"Sige! Ako na ang may mali... Ako na..." Nanghina ako. Agad niya naman akong niyakap pero pilit ko siyang tinulak. Pinaghahampas ko pa ang dibdib niya. "Leave me alone.."



"Zandra-"



"Tangina, Zy! Ano pa ba ang gusto mong sabihin? Sobra na nga, e! May idadagdag ka pa ba?" Tinulak ko siya at naglakad paalis do'n. Pero bigla nalang akong nahilo.



"Zandraile!"



Nang magising ako ay sobrang sama ng pakiramdam ko. Tumakbo agad ako papunta sa banyo nang makaramdam ako ng kakaiba. Hinang-hina na ako.



Nagmumog lang ako at naghilamos bago lumabas ng banyo. Siguro ay napasobra ang inom ko kagabi. Ni hindi ko na nga maalala kung pa'no ako nakabalik dito sa cabin.



"Are you pregnant?" Napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Yazi. "Don't worry. Tayo lang ang nandito. They are busy with their girls. While your boyfriend is setting up the breakfast there."



"H-Hindi ako buntis, Yazi. Nasobrahan lang ata ako sa inom kagabi." Tipid akong ngumiti sakaniya para hindi masyadong mahalata na ninerbyos ako sa sinabi niya.



"Girl, are you sure?." Magsasalita na sana ako nang may magsalita pang isa.



"Did he use protection?" Napalingon ako kay Zelena. Umiling naman ako. "Did you have sexual intercourse last week? Or maybe last last week?" Umiling ako. Kasi ang last namin ay nung bago kami pumunta rito sa isla at do'n sa cabin o baka nakalimutan ko lang.



"Impossible na buntis ako." No comment nalang ang dalawa.



Bigla namang pumasok si Zy kaya lumabas na si Yazi at Zelena. Ni-lock niya ang pinto at walang pag-aalinlangan na hinubad lahat ng saplot niya. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ang alaga niya.



"Wait. Magto-toothbrush muna ako, Zy." Nagmamadali akong pumasok sa banyo at nag-toothbrush. Sakto naman na tapos na ako nang pumasok si Zy.



"Join me." Masuyo niya akong hinila. Umupo siya bathtub habang ako ay nakamasid lang. "I said, join me, wifey."



Naiilang akong naghubad bago naupo sa tub. Nakatalikod ako sakaniya pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hinawakan niya ako sa magkabilang gilid at inusog. Ipinasandal niya ako sa katawan niya.



"Z-Zy..." Hindi na napapakali ang puso ko.



"Hmm yes?" Nanghina ako nang haplusin niya ang tiyan ko.



"Uhm this is so uncomfor- Oh my gosh." Naramdaman kong bumaba ang kamay niya sa mani ko.



"Why do you find this uncomfortable?" Tanong niya saka hinalikan ang gilid ng leeg ko. "Hmm, wifey. Spread your legs for me." Sinunod ko nalang siya.



Hindi lang 'yon ang ginawa namin. Kaya pagkatapos ay pagod na pagod kaming dalawa. Nanatili lang kami sa kama buong maghapon. Dinala nalang ang foods namin dito sa cabin.



Pero inaya ko pa rin siya nung hapon na. Naglakad-lakad kami sa isla. May nakita kaming babae na kamukha ni Zelena. 'Yung pinsan 'yon ni Zy na nakasalo ng bouquet of flowers ko no'ng kasal namin. Bakit kamukha siya ni Zelena?



"Selena!" Pagtawag ni Zy sa babae. Agad naman siyang napalingon saamin. Ngayon ko lang din napansin na may karga siyang baby.



"Uy Zy! Zandra!" Ngumiti nalang ako. "Akala ko ay nagbibiro lang si Zelena na andito kayo sa isla."



"Madam, may kailangan ka raw pong pirmahan. Ako na muna po ang bahala sa bata-"



"We'll take baby Seyah with us." Napalingon kaming tatlo kay Zy. Napangiti naman si Selena at maingat na ibinigay saakin ang baby niya.



"Kayo na muna bahala kay baby ha? Zy, dalhin mo 'to. Kapag umiyak siya, andiyan sa bag na 'yan ang gatas niya." Tumango nalang kami kay Selena.



"Ang cute niya," bulong ko kay Zy. Ngumiti lang siya at umakbay saakin.



Nasa veranda lang kami ng cabin. Pinagmamasdan lang namin ang iba na maglaro sa buhanginan. Nalibang na ako kay baby Seyah. Parang gusto ko na rin magkaanak.



"Zy, gusto mo bang magkaanak?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mukha ni baby Seyah.



"Why? Bibigyan mo 'ko?" Nilingon ko siya at ngumiti.



"Ewan ko sa'yo," napailing nalang ako. "Ang cute ng baby na 'yan. Andito naman si mommy Zandra oh, 'yung mommy number one mo kasi busy."



"Mommy Zandra..." Bumilis ang tibok ng puso ko nang magmula ang mga 'yon kay Zy. "What do you want? A girl or a boy?"



"T-Twins. Yeah, I want twins. One girl and one boy." Gusto ko talagang magkaroon ng isang lalaki at isang babae. Tulad ng gusto niya...



"Who's the father?"



"Ikaw sana. Charot." Wala sanang charot kaso naalala kong hindi pala tayo pareho ng nararamdaman. "Zy, ikaw muna humawak kay baby Seyah." Maingat kong inilipat ng p'westo si baby Seyah sa mga braso ni Zy.



Bago ako pumasok ng cabin ay pinagmasdan ko silang dalawa. Ganiyan din kaya siya kapag anak na namin ang dala-dala niya sa mga bisig niya?



I'm hurting myself every single time...



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now