Baby
Six consecutive days that I've been feeling unwell. Was it a coincidence or am I really pregnant? I couldn't tell him about it. I want it to be a surprise if ever.
Umuwi na ako sa bahay nila mama. Wala na si Zy sa bahay namin, e. Ayoko naman na magpaka-solo ako. Nakakatakot kaya. Sa ngayon ay magfo-focus muna ako sa pag-aaral.
"Aicah, hindi ba't fan na fan ka ng idols?" Tumango naman ako bilang sagot sa tanong ng kaklase ko.
"Alam mo na ba 'yung balita na nagkabalikan si Zylhian at Jennifer? Bagay na bagay sila," napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.
Wala ako sa sarili habang naglalakad palabas ng campus. Nagulat nalang ako nang may humila saakin. Pamilyar saakin ang back profile niya.
Tumigil kami sa bakanteng classroom at pumasok doon. Kinabahan lalo ako nang i-lock niya iyon. At nang humarap siya ay tumambad saakin si Zerlhian.
"Ay gago! Akala ko kung sino." Napahawak pa ako sa dibdib. Hindi siya umimik, sa halip ay lumapit siya saakin.
Kinakabahan na ako sa mga aksyon niya. Lalo na nang ilagay niya ang magkabilang kamay sa dalawang gilid ko. Nakaupo na kasi ako sa isang table.
"Z-Zerlhian-"
"Zandraile, forget my brother," seryosong aniya. Kumunot naman agad ang noo ko.
"W-What do you mean?"
"Kuya won't love you. And you know that. Hindi siya 'yung tipong magmamahal ng isang ordinaryong babae. And he got back with Jennifer-"
"Hindi... hindi totoo 'yan," naiiyak na sabi ko.
"Zandra, please believe me-"
"Fuck you! From now on- you're not my brother anymore. Let's go, Zandraile." Yakap-yakap ko ang katawan ko habang nagpapahila kay Zy. Naka-mask siya ngayon, siguro para hindi siya makilala.
Bago kami umabot sa parte na may maraming tao ay humarap siya saakin. Hinubad niya ang leather jacket niya at pinasuot 'yon saakin. Nanginginig ako habang sinusuot niya 'yon saakin.
"Hey wifey, are you alright?" Imbes na sagutin siya ay umiiyak akong lumapit sakaniya. Niyakap niya agad ako at pinatahan.
"I'm so sorry for what Zerlhian-""Totoo ba, Zy? Totoo ba na kayo na ulit ni Jennifer?" Umiiyak ko siyang tiningala.
"What are you talking about? I told you, Zandraile, I love you," those three words that I've been wanting to hear. Those words that came from him, the last time, but I didn't believe him.
"Z-Zy? Totoo?" Tumango siya. Pinunasan niya ang mga luha ko.
"So please, stop crying. I hate it when I see tears coming from those beautiful eyes," hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko galing sakaniya. "Fuck! Let me just carry you." Napatili ako nang bigla niya akong buhatin.
Tinago ko ang mukha ko nang may mga students na nakakilala kay Zy. Nagmamadali naman ang mga bodyguards niya na sumalubong saamin.
"Sino 'yang babae?"
"OMG!"
"So, Zylhian's dating a college student?"
"Waaaaah! Hindi lang si Franzielle ang s'werte!"
YOU ARE READING
Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2]
RomanceZandraile Aicah Orontto is a cute fangirl who's praying to be married to her ultimate idol. Her prayers were heard but there was something wrong.. She got married to a different idol. Zylhian Yrax Leimor asked her not to attach real feelings. Zandr...