twenty-three

140 17 86
                                    

Relationship



Halos araw-araw na ang pagkikita namin ni Zy. Si Kyenn ay madalas ko na ring makita. Pero si Franzielle? Hindi pa ako handang harapin siya.



Inaayusan ko ngayon si Zy para sa guesting nila sa isang show. Potek kasi at ako pa piniling maging makeup artist ng isang 'to. Sabagay, kailangan ko rin ng malaking pera. Lumalaki na rin ang mga anak ko.



"Sir, which one do you prefer?" Pinakita ko sakaniya ang dalawang lipstick. Ror, lipstick pa nga.



"Zandraile, just call me Zy. And uh, I prefer that one. I don't want to have a super colored lips."



Muntikan na akong matawa ro'n. Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos sakaniya. Napalingon ako saglit sa p'westo nina Dhavien.



"How's everything going on with you and Yazi?"



"Fuck you," galit na bulalas ni Dhavien. Napailing nalang si Xhaiven. "Chismoso."



"Zandra, how old is Zyleiah?" Bumaling ulit ako kay Zy. Titig na titig siya saakin.



"5 years old," nakangiting sagot ko.



"Mmm... Can you bring her to my house on Saturday? You can come too if you want."



Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi pa ako handa pero hanggang kailan pa? Wala sa sariling napatango nalang ako.



"Have you been in love with someone before?" Tanong ng host kay Zylhian.



"Yes. But as you know, my industry doesn't fit for our relationship. Just like that, we ended up breaking each other's heart."



Kung ano-ano pa ang tinanong ng host sakanila. Pero ang naging laman lang ng isip ko ay ang sagot kanina ni Zy. Nasaktan din ba siya noong maghiwalay kami? Gusto niya ba akong balikan?



Dumoble kayod ako para sa mga anak ko. Tumanggap ako nang tumanggap ng mga offers. Ang hirap maging single mom. Kahit na professional pa ako, mahirap pa rin.



Sabado ngayon at tulad nang napag-usapan namin ni Zy, ay isinama ko si Eiah. Si Drei ay naiwan sa mansion kasama ang mag-asawang Leimor. Ang mga magulang ni Zy.



"Mommy, where are we going?" Tanong ni Eiah habang naglalakad kami papasok sa bahay ni Zy.



Ang haba pa kasi ng daanan pagkapasok ng gate.



"Kay tito Zylhian, baby." Nagsinungaling nanaman ako.



"Okay mommy!"



Nag-doorbell ako nang makarating sa may pintuan. Medyo natagalan pa sa pagbukas. Bumungad saamin ang isang kasambahay.



"Ahm, andito ba si Zy?" Tanong ko sakaniya.



Bago pa siya makasagot ay may nagsalita na sa likuran niya. Napaiwas agad ako ng tingin nang makitang naka-boxers lang si Zy. Ano ba naman 'yan?



"Hey.."



"A-Ah hi!" Pinilit kong tumingin lang sa mukha niya.



Bumaba ang tingin niya at huminto iyon kay Eiah. Nakita kong napangiti siya bago lumuhod at hinawakan ang kamay ni Eiah.



"Hi little darling," ani Zy.



"Hi po! Hihi!" Eiah waved her cute hand at her daddy.



Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now