thirty-three

172 17 88
                                    

Wedding



"Bilisan mo, Zy!"



Binilisan niya naman kaya nakahabol pa siya sa akin. Birthday kasi ngayon ni Franzielle at may handaan sa bahay ni Kyenn. Marurupok sila, e. Gayahin ko nga. Shems, charot lang.



Hindi ko nga alam na may nagaganap ng landian habang pinapagawa ni bes ang bahay niya. Siguro siya ang nag-first move. Mahal na mahal niya si Kyenn, e.



"Bes!" Tumakbo agad siya papunta sa akin at handa nang magkuwento.



"Mmm! Marupok ka!" Sinabunutan ko pa siya kaya gumanti si gaga. "Happy birthday, sana majontis ka na," nakangising biro ko.



"Ay okay lang, 'no. Basta si Engr. Andrada aararo sa-"



"Honey? Hey, Zy and Zandra," bati ni Kyenn sa amin. Nag-usap ang dalawa kaya hinila na ako ni bes paalis doon.



Umakyat kami sa ikalawang palapag. K'warto ata ni Kyenn ang pinasukan namin. Sinabihan ako ni bes na umupo dahil... Malamang, magchichikahan kami.



Kilig na kilig ako pagkatapos ng kuwento niya! Sa ibang relasyon nalang ba ako kikiligin? Lord, baka naman.



Biglang pumasok si Kyenn kaya lumabas na ako. Mukhang may gift pa si Engineer, e. Tama nga ako. Pagkasara ko palang ng pinto ay may narinig na ako.



Bumaba na ako at hinanap si Zy. Ando'n lang naman siya, nakikipag-usap kay Xhaiven. Kawawa naman ang isang 'to, ilang beses nasaktan ni Franzielle.



"Tangina ninyo. Kayo na may babalikan," rinig kong wika ni Xhaiven.



"May babalikan ka, bud. Ayaw mo lang balikan," umiiling na sagot ni Zy. Sino naman? Si Zelena kaya?



Tumabi ako kay Zy at agad ko namang naagaw ang atensyon niya. Pasimple nalang akong napangiti nang ilagay niya ang kamay niya sa beywang ko.



"Hindi pa kayo kumakain? C'mon, guys. Kain na kayo," pag-aaya ni Kyenn habang inaayos ang halatang nagusot na polo.



Napalingon kami sa babaeng kapapasok lang sa dining room. Umiika-ika pa siya. Sabi ko na nga ba, may gift pa si Engr. Andrada.



Sinamaan ako ng tingin ni bes nang malakasan ko ang tawa ko. Umiling nalang ako at kumuha ng pagkain. Hindi ko na naitago ang ngiti ko nang alalayan siya ni Kyenn.



"Actually, galing kami roon sa pinapagawa kong house. Tapos itong si Devline, mahal pa pala ako. Kaya sinama niya ako rito tapos sabi ko invite ko friends namin. Hay nako, in love na in love sa akin, e-"



Natigil lang siya sa kakachika nang mabilaukan si Kyenn. Tawang-tawa naman kami kasi parang nahuli siya ni bes.



Ilang weeks pa ang lumipas. Nasa Eiffel tower kami ngayon dahil magpo-propose si Kyenn kay bes. Inip na inip na nga ako, e! Ang rason ko nalang ay may gagawin pa kami ni Zy.



"Sana all," bulong ko sa sarili ko. "Zy, tayo kaya-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makitang nakaluhod si Zy sa isang tuhod. "A-Anong ginagawa mo?" Inilibot ko pa ang paningin ko at nakitang nakangiti si Xhaiven, habang ang dalawa ay nagtataka na parang naghihintay sa gagawin ni Zy.



"It took me so long to ask you this. You deserve to be happy, to be loved, and to be cherished beyond measure. I'm leaving my career and I will surely miss your fangirling moments. But I don't think I will miss my fangirl, and that's gonna happen if you will say yes to me. Zandraile, you're not just a fangirl, you complete me. So, say yes if you want to marry me," he smiled at me.



Hindi ko nga namalayan na tumutulo na pala mga luha ko. Tumango-tango ako. Hindi ko na kayang magsalita kaya inilahad ko nalang ang kamay ko kay Zy. Ngumiti siya at sinuot sa daliri ko ang singsing.



Tumayo siya at hinalikan ako kaagad. Humiwalay siya sa akin at ngumiti. Ngumiti na rin ako.



"I'm out of words," he uttered. I chuckled because of that.



"Napakagaling n'yo naman. Ano role ko mga ma'am and sir?" Sabay-sabay kaming napalingon kay Xhaiven at natawa. Kawawa naman siya, single na nga, naging fifth wheel pa!



Ang bilis ng panahon at ngayon ay ikakasal na ang best friend ko. Ako syempre ang maid of honor niya!



"Wise men say, only fools rush in. But I can't help falling in love with you. Shall I stay? Would it be a sin, if I can't help falling in love with you?"



Sa sobrang ganda ng boses ni Yazi ay natulala na yata ako. Si Eiah ang flower girl at si Drei ang ring bearer. Naagaw ang atensyon ng lahat nang pumasok na si bes. Ang ganda niya. Kaya siguro pinag-aagawan siya.



"Like a river flows. Surely to the sea. Darling, so it goes. Some things are meant to be."



Nakita kong mag-iwas ng tingin si Xhaiven na best man ni Kyenn. Masakit 'yon kasi siya pa ginawang best man. E, hindi naman pumayag si Dhavien at ayaw rin naman ni Kyenn dahil nga sa past ni bes at Dhavien.



"So, take my hand. Take my whole life too. For I can't help falling in love with you."



Ngayon ko lang din nakita ang mga magulang ni Kyenn. Kaya naman pala g'wapo silang magkapatid. Pero mas g'wapo sa paningin ko ang fiancé ko.



May iilang media na nakapasok. Wala naman daw problema kay Kyenn iyon. Mas mabuti nga raw iyong malaman ng lahat na si bes lang ang babaeng mahal niya. Oh 'diba? Sana all.



Nang bouquet toss na ay sinakto talaga sa akin ni bes! Nakita ko si Zy na may hawak na garter. Nang makita niyang ako ang may hawak ng bouquet ay kinagat niya ang labi niya, pinipigilan ang sariling ngumiti.



Umuwi kami at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Naghilamos lang ang mga bata at nakatulog na. Lumipat ako sa k'warto namin ni Zy at inabutan siyang naghuhubad. Hindi pa ako majojontis niyan at nagpi-pills pa ako.



"Have you seen the trending topic on Twitter?" Biglang tanong niya.



"Hindi pa. Bakit? Ano ba 'yon? Tungkol sa kasal nina bes?" Umiling siya at humarap sa akin. Inilahad niya ang phone niya na agad ko namang tinanggap.



#Zyraile



Tiningnan ko ang mga tweets. Puro iyon tungkol sa amin ni Zy. May shippers na kami?!



'We believe in Zylhian and Zandraile supremacy. #Zyraile'



'Aaahhhh! Hindi lang ang Devielle ang napansin ko sa videos! Ang Zyraile heart kooooo!! #Zyraile'



"Wiws, ginamit nila 'yung twineet ko dati-"



"What?" Kunot-noong tanong ni Zy.



"May fan account ako. Tapos nag-tweet ako noon na, 'Si Kyenn Devlin Andrada ay para kay Franzielle Xianna Veralla! #Devielle'," natatawang paliwanag ko.



Ang hindi niya alam ay meron din akong fan account na ginawa para sa kaniya. Exclusive.



'I'll be your wifey someday, Zylhian! #Zyraile.'



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now