twenty-six

150 15 47
                                    

Zerlhian



Kailangan. Kailangan kong iwan si Zy para kay Zerlhian. Hindi ko na rin kayang manatili sa tabi niya. Ayokong masira lahat.



Nandito kami ngayon para pag-usapan ang engagement party namin ni Zerlhian. Lalaban na ako sa pagkakataong 'to. Hindi na ako papayag na ulitin niya ang kababuyan niya.



"Best friends kayo ni Elle?" Biglang tanong ni Zerlhian. Tumango lang ako sakaniya. Ano naman kay Franzielle? Ano'ng balak niya?



"We dated. Hindi kami nag-click. Epal din 'yung Xhaiven. Pero sayang sila ni Kyenn. Hays, tinulungan ko pa si Kyenn noon."



Si Zerlhian ba talaga ang kausap ko? Pero buti naman at hindi sila nag-click ni Franzielle. Ayokong gamitin at abusuhin din siya ng gagong 'to.



Nagbago ang lahat. Nagbago si Zerlhian...



"Aicah..." Natigilan ako sa itinawag saakin ni Zerlhian. "Mas maganda pala 'yong Aicah. I wanna say sorry," biglang aniya.



"H-Ha?" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nananaginip ba ako? Totoo ba 'to?



"For what I did in the past. I'm really sorry. I'll make it up to you. Hindi ko sasabihing hindi ko sinasadya dahil sinadya ko talaga. Aicah, I am not that-"



"Tito Zerlhian!" Napalingon kami sa tumatakbong Zandrei. Agad namang ngumiti si Zerlhian at sumenyas saakin na mamaya na raw kami mag-usap.



"Hey, Drei! Kumusta?" Ibang-iba na siya. 'Yung mga ngiti niya...



"Okay lang po, tito! Can I go to your condo po? Let's play Xbox! Isasama ko rin si Eiah para hindi siya ma-bored dito!"



"Sure! Pero magpaalam ka muna sa mommy mo. Hindi p'wedeng pumunta ka roon na hindi niya alam," ani Zerlhian kay Drei.



"Mommy?" His eyes were pleading.



"Sige na, sige na. Pero sasama ako," pagpayag ko. Sasama ako dahil baka kung ano pang gawin ni Zerlhian, lalo na kasama si Eiah. Hindi pa rin ako dapat maging kampante.



Sa bawat araw na magkasama kami, nakikita kong iba na talaga si Zerlhian. Iba na ang trato niya sa lahat. Hindi ko na rin nababalitaan o nakikitang may babae siya.



Sa kagustuhan ng mag-asawang Leimor na lumipat kami ng mga anak ko sa condo ni Zerlhian, ay iyon nga ang nangyari. Hindi ko alam kung ano ang nagbago.



"About the gun before... Wala 'yong bala. Hindi naman talaga kita sasaktan. Kasi minahal din naman talaga kita," pagpapaliwanag niya. Hindi pa rin ako kumbinsido.



Kalahating-taon na ang nakalipas. Wala naman ginawang kakaiba si Zerlhian. Naging father figure na rin siya sa mga anak ko. Ngunit hindi naalis sa akin ang takot at pangamba, hindi lang para sa akin kundi' para rin sa mga anak ko.



Inaya niya na rin ako sa mag-date. Gulong-gulo na ako. Alam kong ginagawa niya lang 'to para makuha ang loob ko... Sa tuwing naiisip ko na magsumbong sa mga pulis, natatakot ako... Takot na walang maniwala sa akin.



"P'wede ba si Eiah ng ice cream?" Bigla nalang sumulpot si Zerlhian sa likod ko habang nagluluto ako.



"P'wede naman basta painumin mo ng tubig pagkatapos. Baka kasi bumalik ubo niyan," sagot ko.



Nanigas ang buong katawan ko nang halikan niya ako sa tuktok ng ulo ko. Mas matangkad kasi siya saakin. Nanginig ang katawan ko nang maalala ko ang lahat ng ginawa niya sa akin.



"Okay. Kapag may kailangan ka, just call Aling Tess."



Nilingon ko si Zerlhian habang nanonood kami ng isang movie sa k'warto. Nakatulog na si Eiah at si Drei. Lilipat din ako mamaya kapag natapos na namin ni Zerlhian 'tong movie.



"I'll hold the door. Please come in. And just sit here for a while. This is my way of telling you, I need you in my life. It's so cold. Without your touch. I've been dreaming way too much. Can we just turn this into reality?"



Hindi gaano kaganda ang boses niya pero marunong pala siyang kumanta. Sinabayan niya kasi iyong kanta sa pinapanood namin. Mahina lang ang kaniyang boses.



Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko. Ihinilig niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. Natakot ako nang gawin niya 'yon...



'"Cause I've been thinking 'bout you lately. Maybe, you could save me from this, crazy world we live in. And I know we could happen. 'Cause you know that I've been feeling you."



Naramdaman ko ang pag-iyak ni Zerlhian. Bakit siya umiiyak?



"May nag-utos saakin. 'Y-Yung ex ni kuya. Sabi niya, kapag ginawa ko raw 'yon, aalis na si kuya sa bahay namin. Wala na raw akong kaagaw sa attention nina Mom. I'm sorry... Nadala lang ako. Kaya ko 'yon ginawa sa'yo."



"A-Ano? Zerlhian, anong pinagsasabi mo?" Kabadong tanong ko sakaniya.



"Tutulungan kita.. Ibibigay ko lahat ng ebidensya. Magsasalita rin ako kung kinakailangan."



Hindi muna kami nagsampa ng kaso laban sa bruhitang ex ni Zy. Kailangan pa namin ng mas maraming ebidensya. Tinulungan din talaga ako ni Zerlhian. Pero ang hindi niya alam... Isasama ko siya sa pagbagsak ni Jennifer.



Inabot ni Zerlhian ang kamay ko at hinawakan iyon habang naglalakad kami. Kahit na labag sa kalooban ako ay natakot ako na baka kapag umayaw ako ay may gawin siya. Inaya nanaman niya akong mag-date. Maya-maya pa ay naramdaman kong may mga nakamasid saamin.



"Ms. Orontto?"



"Ms. Orontto! Isang interview lang po!"



Hinila agad ako ni Zerlhian papasok sa kotse niya. Buti nalang at nasa parking lot na kami. Wala rin naman atang nakakita sa mukha niya.



"Non-showbiz boyfriend na ako," pagbibiro niya. Ang kapal...



"Hindi na sila tumigil pagkatapos no'ng nakita nila kami ni Zy. Buti na rin 'yon na naghiwalay kami." Pero ang sakit pa rin. Tumingin nalang ako sa labas ng kotse, iniiwas ang sarili sa kalungkutan.



"Aicah, papayag ka ba kung sasabihin kong liligawan kita?"



Agad akong napalingon sakaniya. Lumingon siya saglit saakin at tipid na ngumiti. Napaisip naman ako sa tanong niya.



"Zerlhian, alam mo naman na may mga anak ako sa kuya mo. Engaged na tayo dahil sa pamilya mo at pamilya ko. Ano pa ba?"



"About your kids.. Wala naman akong problema ro'n. Napalapit na rin sila saakin. I just want to court you before we get married. I want us to be more comfortable with each other, Aicah," malumanay na sagot niya.



Masyadong tumatak sa puso't isip ko si Zy. Hindi ko pa siya kayang kalimutan at palitan. Mahal na mahal ko siya...



"I may not be that famous idol that you want, but I can be the man that you're wishing for."



Hindi ko hiniling na mahalin ng isang tulad mo. Sisiguraduhin ko na babagsak ka...



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now