twenty-eight

152 16 71
                                    

Maldives



Tumawa ako nang tumama sa noo ni Zerlhian ang bala ng Nerf gun ni Drei. Si Eiah naman ay nakatali sa isang upuan. Kunwari raw ay siya ang prinsesang ililigtas ni Zerlhian. Jusmiyo.



"Hoy! Huwag ako!" Napasigaw ako nang tumingin silang dalawa sa akin. Si Eiah ay tumawa lang.



"I'll save the queen!" Sigaw ni Zerlhian at nakipag-unahan kay Drei na makapunta sa puwesto ko. Natawa nalang ako nang daganan ako ni Zerlhian. Binaril naman siya nitong anak ko kaya natawa rin siya.



"Group hug!" Biglang lumapit ang dalawa at dinaganan si Zerlhian. Ipit na ipit na tuloy ako!



Yumakap sa akin si Zerlhian habang vini-videohan ko ang mga anak kong sumayaw para sa isang school event. Sumandal ako sa kaniya at mas lalo niyang hinigpitan ang yakap.



"Zandrei Yraz Leimor and Zyleiah Yrah Leimor... Cuties. Mana sa mommy nila," bulong ni Zerlhian. Napangiti ako at humarap sa kaniya.



"Hon, masasabay ako sa video," he chuckled. Humarap ulit ako sa stage. Tapos na pala...



Nag-iimpake ako ngayon. Matutupad na ang pangarap kong pumunta sa Maldives. Pero iba ang makakasama ko, hindi ang lalaking kasama ko sa pagpaplano na pumunta sa Maldives.



Hindi namin isasama ang mga bata dahil kailangan nilang pumasok sa school. Andiyan naman si Aling Tess na mag-aalaga sa kanila.



"Hello?" Sagot ko sa tawag. Inipit ko nalang ang phone sa pagitan ng tenga at balikat ko.



[Hi? Si Yazi 'to... Hindi ko i-cacancel 'yung m-mga pinagawa ko. Sayang naman, e. B-Bayaran ko pa rin at kukunin. Thank you, Zandra-"]



"Sandali. Kumusta ka?" Nag-aalalang tanong ko. Hinawakan ko na ang phone ko at umupo sa dulo ng kama.



[A-Alam niya na lahat... Pasensya na, Zandra. Ayoko munang mapag-usapan 'yung nangyari.] Hindi niya na ako pinagsalita at pinutol na ang tawag.



4 days kami rito. Isang Villa ang pinili ni Zerlhian. Ang mahal pa naman... Pero hindi bale, siya naman nagbayad kaya okay lang.



Manghang-mangha ako sa nakuha niyang Villa. Maganda rin ang location dahil nasa beachfront siya. May private beach din ang isang 'to kaya sobrang ganda.



Isang k'warto lang. Air-conditioned ito at may balcony rin syempre. Kumpleto rin sa iba pang bahagi ng Villa.



"Do you like it?" Tanong ng lalaking kalalabas lang ng bathroom. Chineck niya kasi iyon.



"Hmmm. Maganda. Sobra," nakangiting usal ko. Ngumiti siya at lumapit sa akin.



Hinapit niya ako sa beywang at ang isang kamay ay nasa baba ko.. Dapat.. masaya na ako sa kaniya dahil magpapakasal na kami. Pero bakit iba pa rin ang hinahanap ko?



"Wait... Sunset na 'ata. Let's take pictures," natatawang aniya. Kinuha niya lang ang phone niya at hinila na ako papunta sa private beach.



Binitawan niya ang kamay ko at inutusan akong mag-pose! Ngumiti lang ako sa camera, sa likod ko ay ang magandang tanawin. Tumigil siya at pumunta sa may gilid. Kinausap niya pa ang lalaki roon sa gilid. Pagbalik niya ay may hawak na siyang bulaklak.



"Ano 'yan?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot, sa halip ay nilagay niya ang bulaklak sa may tenga ko.



"Beautiful..." Nakangiting aniya. Habang pabalik siya sa magandang puwesto niya, handa nang kuhanan ulit ako ng litrato ay hindi ako mapakali. Ano 'yun? Kinikilig ba ako?



Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now