two

216 19 14
                                    

Wifey and hubby



Nagising ako na cute pa rin, hays. Inayos ko ang higaan ko bago pumasok sa banyo. Nagsipilyo ako at naghilamos ng mukha. Tinali ko lang ang buhok ko dahil nasa bahay lang naman.



Bumaba ako at agad na may naamoy ang nilulutong fried rice. Dahil feel na feel ko ay nakapikit pa akong nagtungo sa kusina. Si papa lang naman ang nagluluto saamin ng fried rice.



Naglalambing akong yumakap sa beywang ni papa mula sa likuran. Parang lumapad ang likod ni papa ah. In fairness, ang bango niya ngayon.



"Good morning, dad," bati ko sakaniya.



"Good morning, wifey. Dad? You mean, the daddy of your children? I like that-"



Natigilan ako at agad na napadilat. Napansin kong malapad ang likod ng lalaki at shems topless siya. Teka- sino 'to?



Lumayo kaagad ako at nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang paningin namin ni Zylhian. Nakataas ang isa niyang kilay habang may pilyong ngiti sa mga labi.



"B-Bakit nandito ka?" nauutal na tanong ko sakaniya.



Pinatay niya ang electric stove at naglakad palapit saakin. Umatras ako nang umatras hanggang sa tumama ang likod ko sa counter ng kusina. Ang mga braso niya ay nasa magkabilang gilid ko na. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.



"Taking care of my wifey? They are handling things for the wedding. You're really that special, huh?"



"Sana all special," sagot ko at ngumiwi. Tumawa lang siya. "Alis na diyan, nakakairita ka," pagtataray ko sakaniya.



"Not that fast. Where's my good morning kiss?" He smirked and he licked his lower lip while looking at my lips.



"Sira-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sunggaban niya ang mga labi ko.



Napahawak nalang ako sa matitipuno niyang braso. Nagulat pa ako nang buhatin niya ako at pinaupo sa countertop. Nang mawalan na ng hangin ay pinakawalan niya rin ang mga labi ko. Pero hindi pa pala siya tapos.



Bumaba ang mga labi niya sa leeg ko. Kinagat niya iyon at sinipsip. Shems, ibang klase 'to ah. Napasabunot nalang ako sa buhok niya habang ginagawa niya 'yon.



"Oh G!- Jusmiyo corazon!" Agad kong naitulak si Zylhian nang marinig ko ang boses ng mom niya at ni mama.



Hiyang-hiya na ako pero si Zylhian ay pigil pa ang ngiti. Bumaba ako sa countertop at humarap sakanila habang nakayuko. Ang isang kamay ni Zylhian ay nasa beywang niya habang ang isa ay nilalaro ang pang-ibabang labi niya. Lintian! Boa!



"Kay aga-aga naman mga anak! Jusmiyo. Ikakasal naman kayo e, hintay nalang," ani mama.



"Balae, it's okay. Just let them do what they want. At least, alam nating hindi nila pinipilit ang isa't isa."



Kung alam n'yo lang. It was never easy to pretend that I'm okay with this. And the fact that Zylhian doesn't love me, and the same applies to me, it's a total no. Ang sakit lang isiping ikakasal ako sa isang lalaking hindi naman ako mahal at hindi ko naman mahal.



Nang sumapit ang hapon ay dumating si Franzielle kasama si Dhavien. Nagulat pa nga si Zylhian nang makita si Dhavien. Trainee kasi si Dhavien sa C-box entertainment.



"Bes!" Bumeso agad saakin si Franzielle at niyakap niya ako nang mahigpit. "Sorry bes ha? Ngayon lang kami."



"Ano ka ba? Okay lang, bes." Pilit nalang akong ngumiti. Nang kumalas siya ay sumenyas siya na mag-uusap kami.



Nagtungo kami sa veranda at doon naupo. Si Dhavien ay iniwan niya muna kay Zylhian. Panay ang tanong ni Franzielle kung bakit andito si Zylhian at kung sino raw 'yung mapapangasawa ko.



"Bes, bakit andito si Zylhian?" Nilingon ko siya at ngumiti.



"Family friend namin sila, bes."



"E, sino 'yung mapapangasawa mo?" Sasabihin ko ba?



"Ahh 'yun. W-Wala bes, hindi naman n-natuloy," pagsisinungaling ko sakaniya. Alam kong marami rin siyang problema ngayon, ayaw kong dumagdag.



"Ahh. Tungkol pala sa napag-usapan natin nung isang araw. Bes, nanlalamig na si Dhavien." Mapakla siyang tumawa "M-Mas importante yata sakaniya ang career niya. Which is... tama naman, 'di ba? Ang selfish ko naman kung pipigilan ko siya." Agad ko siyang niyakap nang magsimula siyang umiyak.



"Mahal ka ni Dhavien, bes."



"Ang s-sakit lang kasi- hindi naman kami g-ganito noong hindi pa siya trainee sa C-box entertainment." Hindi talaga. Sobrang sweet noon ni Dhavien kay Franzielle. Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa. Si Dhavien ang isa sa mga naging sandalan ni Franzielle nang maka-recover siya mula sa aksidente.



"Babe, we need to go now. May aasikasuhin pa ako." Agad namang pinunasan ni Franzielle ang mga luha niya nang lumabas sa veranda sina Dhavien at Zylhian.



"Bes, tawag nalang ha?" Mapait siyang ngumiti bago sumama kay Dhavien.



Napabuntong-hininga nalang ako at tumingin sa kawalan. Ni hindi ko nga naramdaman na tumabi na saakin si Zylhian. Hindi ko nalang siya pinansin lalo na't wala rin siyang imik.



"You're a great pretender. How can you lie to your bestfriend? I mean, why did you lie to her?" Nilingon ko siya at pilit na ngumiti saka tumingin ulit sa kawalan.



"Marami na siyang problema at ayaw ko na 'yong dagdagan pa. I really am, a great pretender. Zy, ikaw ba? Ano bang naramdaman mo nang sabihin nilang ikakasal ka sa isang babaeng hindi mo naman mahal?" Nilingon ko siya at bakas ang gulat sa mukha niya, dahil siguro sa tanong ko.



"I felt like... They were trying to use me. Mom wants to have a grandchild as soon as possible. Dad wants me to get married before they go to Canada. Your mom and dad wants you to marry me for the money. We will both benefit from this marriage. But you see? They are using us..." Tumagos sa puso ko lahat nang sinabi niya. Gusto kong umiyak pero hindi sa harap ni Zylhian.



Naguluhan ako nang tumayo siya at inilahad niya ang kamay saakin. Inabot ko 'yon at impit na napasigaw nang bigla niya akong hilahin. Niyakap niya ako.



"I may not marry you because I love you but- I'll take care of you. Zandraile, if you think of me as a womanizer, I am not. If you are also thinking that you fell in the wrong hands, no, you didn't. I'll try my best to become the best husband you could ever have."



Napaiyak nalang ako habang yakap-yakap niya pa rin. Hindi man namin mahal ang isa't isa, alam ko namang hindi ako masasaktan sakaniya.



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now