twenty-seven

138 15 44
                                    

Wallpaper & Lockscreen



Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa balikat ko. Nang imuklat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Zerlhian. Karga-karga niya si Eiah. Tuwang-tuwa naman si Eiah habang ginigising nila ako.



"Breakfast is ready, mommy!" Sabay nilang sabi at nagtawanan pa.



"Eiah, go to Zandrei first. Gigisingin ko lang si mommy. Matutulog nanaman 'yan for sure."



"Okay po!" Nangingiting umalis si Eiah.



Bahagya akong napaiwas nang subukan ni Zerlhian na hawakan ang braso ko. Pagkatapos ng lahat... Hahawakan niya ako na parang wala lang nangyari?



"Why? Masama ba pakiramdam mo?" Kinapa niya pa ang noo at leeg ko, chini-check siguro kung mainit ako. Nang hawakan niya ako, bumalik lahat sa akin...



"Hindi naman." Tumayo na ako at hindi na siya hinintay.



Nauna na akong lumabas ng k'warto. Pagkarating ko sa dining area, nakatingin sa akin si Aling Tess. Pilit akong ngumiti sa kaniya. Pinagmasdan ko si Zerlhian nang lagyan niya ang plato ng mga anak ko ng kanin at ulam sa kanilang. Ganito siya araw-araw.



Hindi ko alam kung paano niya nakakayanan ang pagiging mabait sa mga anak ko. Muntik nang madisgrasya ang kambal ko dahil sa kahayupan niya.



Napalingon ako sa kaniya nang lagyan niya rin ako ng kanin at ulam sa plato. Sinalinan niya rin ng tubig ang baso ko. Napansin ko rin na may baso na ng gatas sa tabi ng plato ng mga anak ko.



"May pinapaasikaso sa 'kin si mom sa company. Ihahatid ko muna sila sa school tapos ihahatid na rin kita."



"No need. Ako na bahala sakanila. Dumiretso ka na sa company n'yo. May kotse naman ako, e." Hindi ako sanay.. Hindi ako komportable na kasama siya sa lahat...



"I want to be with you," nakasimangot na aniya.



"Someone's being clingy, huh?" Pang-aasar ko sa kaniya. Pinilit kong tumawa nang mapansin ko na halatang pilit ang ginawa kong pang-aasar.



"Nako, buhay mag-asawa nga naman." Napalingon kami kay Aling Tess. "Oh bakit? Sasabihin n'yo nanaman na hindi pa kayo mag-asawa? Ay nako, diyan din 'yan papunta."



"Aling Tess, talagang papunta naman kami sa kasalan. Pero sa ngayon ay kinikilala pa namin ang isa't isa," nakangiting paliwanag ni Zerlhian kay Aling Tess.



Hindi talaga pumayag si Zerlhian na mag-drive ako. Siya pa rin ang naghatid sa amin. Siya rin daw ang susundo saamin. Masyado siyang mapilit. Hindi na nakakatuwa.



Tinext ko si Xhaiven na pumunta sa office ko. Kailangan kong itanong 'to sa kaniya. Nagtatago ako ng isang kriminal... Mali 'to.



"Uunahan na kita, I won't disclose anything to Zy. You can tell me, Zandra," ani Xhaiven at bahagyang ngumiti.



"I'm living with a criminal..." Nakatungong panimula ko.



"What?" Suminghap siya bago nagpatuloy. "Zerlhian is a criminal?" Tumango ako. "I've been investigating. Zerlhian is not the criminal," aniya na ikinatigil ko.



"H-Huh? P-Paano? Si Zerlhian 'yung g-gumahasa sa-"



"It wasn't Zerlhian. It was Zarlhian. They are twins. Sinalo lang ni Zerlhian ang lahat. That Zerlhian who's living with you right now is the real one. The only problem that we have now is... Nawawala si Zarlhian." Hindi pa rin ako nakagalaw.



Hindi si Zerlhian ang gumahasa sa akin? Ang umabuso sa akin?



"Close ako sa Leimor family. Zarlhian was the abusive one, simula pagkabata nila. Zerlhian, being the most quiet child, had to follow his twin. Si Zylhian, wala namang pakialam sa dalawa. That's why Zarlhian was too eager to push Zylhian away."



"X-Xhaiven..." Umiiyak na tawag ko. Agad naman siyang lumapit sa akin at inalo ako.



"Justice will be served. Soon."



Nang umuwi ako ay parang nagbago lahat. Ngumiti ako at yumakap sa mga anak ko. Si Zerlhian na pala ang nagsundo sa kanila.



"How's your day?" Tanong ni Zerlhian mula sa kusina. Lumapit ako at yumakap mula sa likuran niya.



Naramdaman kong manigas ang katawan niya. Hindi niya siguro inaasahan na yayakapin ko siya. I'm sorry, Zerlhian.



"Okay lang. Gumaan pakiramdam ko."



"That's good..." Pinatay niya ang apoy sa lutuan at humarap sa akin. "Kapag tumungtong ako sa court, magpapaalam-"



"Shhh. You're innocent until proven guilty." Ngumiti ako sa kaniya. Inosente ka... Wala kang kasalanan..



"Yeah, hahahaha. Let's eat?" Tumango nalang ako at kumalas na sa kaniya.



Nang makapag-shower ako at napatulog ko na ang dalawang bulilit, lumipat ako sa k'warto ni Zerlhian. Nagulat pa siya pero nanahimik nalang siya.



Nakahiga lang siya sa kama niya at nanonood sa Netflix habang nakapatay ang mga ilaw. Sumampa ako sa kama. Nginitian niya ako bago siya umupo, nang magpantay kami.



"Hindi ka ba talaga natatakot sa 'kin?" Nag-aalalang tanong niya.



Umiling ako, "You're not the real criminal... Alam ko na ang lahat. Si Zarlhian... Ang k-kakambal mo ang..."



Nagulat siya sa sinabi ko. Umiwas siya ng tingin at nakita kong mamuo ang luha sa gilid ng mga mata niya. Hindi nga siya... Pilit kong pinaharap ang mukha niya sa akin.



"Zerlhian, kakampi mo ako," ngumiti pa ako sa kaniya. "Gagawin natin ang lahat para malinis ang pangalan mo at maparusahan ang dapat parusahan."



Matagal pa bago siya nakagalaw. Nang makabawi ay niyakap niya ako. Niyakap ko siya pabalik. Minsan ko nang naisip na ibang tao ang kasama ko. Tama nga ako...



Humiwalay siya sa akin. Matutunaw na ata ako sa mga titig niya. Humaplos ang isa niyang kamay sa pisngi ko at hinawakan ko iyon.



"I'll still help. They will pay for what they did..."



Nagising ako sa alarm ko. Kinuha ko ang phone ko at pinatay ang alarm. Napangiti nalang ako nang makita ang wallpaper at Lockscreen ko. Sa wallpaper ay picture nina Eiah at Drei. Sa Lockscreen naman ay si Zy...



"Off to work?" Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa beywang ko.



"Hmmm. Marami kasing clients ngayon, e. Ikaw? Hindi ka ba papasok?" Naramdaman kong umiling siya.



"Matagal ko nang gustong sabihin 'to. I'm falling in love with you, Aicah..." But I'm not.. and I don't think I can love again.



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now