four

188 20 33
                                    

R-18

Faking our "I do's"



They decided to move our wedding day. Kaya ngayon, bago kami bumalik sa Maynila ay nagmadaling ayusin ang reception, gowns, suits and everything.



I wanted to cry so bad nang sukatin ko ang wedding dress ko. Am I really getting married? At this age? 19? Tapos ikakasal na agad? Are they even thinking?



Pinagmasdan ko nalang ang sarili ko sa salamin. You have to be strong, Zandra. Hinubad ko na ang wedding dress at nagsuot nalang ng komportableng damit.



Nang makalabas ako ay sumalubong agad si Zylhian. Hindi nalang ako umangal nang hapitin niya ako sa beywang. Pinagmasdan ko siya at napaisip.



Wala namang problema kay Zy. But the fact na hindi namin mahal ang isa't isa, 'yun ang masakit. Para kaming mga manok na hindi makaangal na gawing pangsabong.



"When is our honeymoon? I mean, after graduation ko ba? Hindi ako p'wedeng mabuntis ngayon, Zy-"



"They want it as soon as possible. Zandraile-" Humarap siya saakin at hinawakan ang mga kamay ko. "A month before your graduation will do. You can still enjoy your life after this wedding. I will, too. I have a lot of upcoming concerts. I don't want to put pressure on you."



"Zy, I will attend sa concerts mo. Wala naman 'atang makakaalam na kasal tayo. I just want to support my husband." Mapait ang naging ngiti ko pero naglaho 'yon at napalitan ng gulat. Niyakap niya ako.



"That means... we can still see each other after the wedding? Or uhm-"



"Of course, Zy. Magkikita pa tayo. Bakit? Mami-miss mo 'ko?" biro ko sakaniya.



"Slight." Pareho kaming natawa sa sagot niya. "I will miss our hot kisses, our-"



"Wala na tayong ibang ginagawa bukod sa kiss," pagputol ko sa sasabihin niya.



"There is... we cuddle."



"We don't."



"We do." Ang kulit.



"No."



"Yes." Sasagot pa sana ako pero tinawag na kami.



After that day, is the day before our wedding. Hindi na muna kami nagkita for a day. Ewan kung bakit ayaw nila mama. Tumawag nalang ako kay Franzielle para mangamusta.



[Hello?]



"Bes..."



[Ikaw pala, bes! Kumusta?] Parang piniga nanaman ang puso ko. Ilang beses pa ba akong magsisinungaling kay Franzielle?



"Okay lang pero ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan. Kumusta ka?"



[Okay na ako, bes. Okay na hahaha.] Ibang klase rin 'to eh.



"Bes, kaya mo bang magpakasal sa taong hindi mo naman mahal?" Kasi ako... Hindi ko kaya pero kailangan.



[Ay sus, kung g'wapo tapos mabait naman, e'di gora. Magpapaka- choosy ka pa ba? Ganda ka? Hahaha.] Sarap din nitong sakalin minsan. Basta g'wapo, oo agad. 'Pag pangit, reject agad. Char. Syempre dapat mabait.



"Bes, pag nabuntis ba ako... tatanggapin mo pa rin-"



[Paano ka naman majojontis? Aba gagang 'to, waley ka jowa, remember?] Isa nalang, masasabunutan ko na si Franzielle.



Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now