three

189 21 16
                                    

Break



Naghihintay ako ngayon na matapos si Zylhian. Isang k'warto nalang kasi ang ginagamit namin. May ilang araw pa bago kami bumalik sa Maynila.



Nanlalagkit na ako dito tapos sobrang tagal pa ni Zylhian maligo. Naiirita man ay nanatili nalang akong nakahiga sa kama. Gumulong-gulong na ako pero wala pa rin. Biglang may pumasok sa isip ko kaya napatayo ako.



"Shit! Zy! Buksan mo 'tong pinto!" Pagpihit ko ng doorknob ay bukas pala. Nagmamadali akong pumasok at tumambad saakin ang nakahubad na si Zylhian. Nagtatapis palang siya ng towel. Agad akong napatalikod sa nakita ko.



"What the fuck?! Why did you barge in?" Hindi ko siya magawang sagutin sa sobrang kaba ko.



Lalabas na sana ako pero naisarado niya ang pinto at isinandal ako roon. Pinilit kong pumikit nalang kaysa naman makita ang katawan niya. 'Pag ako 'di nakapagpigil, hahawakan ko 'yan, rawr.



"Wifey, what the fuck did you just do?" Kailangan ba talagang may mura? Napaka-bad naman nito.



"A-Ah ano, uhm, a-akala ko kasi may nangyari na s-sa'yo-"



"Ohh, I'm sorry my wifey for making you worry." My wifey, shemsssss. "You can open your eyes now." Agad naman akong sumunod para 'di ako magmukhang tanga, duh.



Nagtitigan lang kami hanggang sa napangisi siya. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Napalunok nalang ako nang hawakan niya ang baba ko at unti-unti ay pinaglapat ang mga labi namin.



Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya habang hawak- hawak niya ako sa bewang. He would suck and bit my lip from time to time. Naglaban ang mga dila namin, para kaming uhaw na uhaw sa isa't isa.



Nasanay na akong naghahalikan kami araw-araw. Tutal magiging asawa ko rin siya at may honeymoon na magaganap...



Bumaba ang mga labi niya sa leeg ko. I tilted my head to give him full access. Bumaon ang mga kuko ko sa likod niya nang kagatin niya ang balat ko.



"Z-Zy..." Shems, bakit iba na boses ko ha?



Nakakakiliting sensasyon ang naramdaman ko nang dilaan niya ang tainga ko. Napalitan 'yon ng kaba nang pumasok ang isang kamay niya sa pang-itaas na damit ko.



"Bes?" Nagulat ako sa sunod-sunod na katok kaya nasubsob pa ako kay Zylhian at nahawakan ko ang abs niya, shems.



"Aww, my cutie wifey." Hinaplos-haplos niya pa ang buhok ko habang nakatingin saakin. Umirap nalang ako at lumabas ng banyo.



"Bes, bumalik ako dito kasi-" Napatigil siya at napatitig sa likuran ko. Tumingin ako sa tinitingnan niya at nagtama ang paningin namin ni Zy. Hala shems, nakalimutan kong kasama ko siya sa banyo!



"B-Bakit kayo- anong g-ginawa ninyo?" Ibinalik ko ang tingin kay Franzielle. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.



"Ahh... bes kasi ano- uhm, n-namali ako! Akala ko kasi walang tao. Oo, hindi ko s-sinasadya. Tara sa baba na tayo mag-usap." Hinila ko na siya paalis ng k'warto.



Nang makababa kami at makalabas papunta sa veranda, biglang bumuhos ang mga luha ni Franzielle. Pinilit ko siyang pakalmahin. Hindi ko kayang makita na nagkakagan'to siya.



"B-Bes, b-break na kami," umiiyak na aniya. Parang naiiyak na rin ako. "P-Pinapili ko siya, bes, kung itutuloy ba namin relationship namin o itutuloy niya ang p-pagiging idol." Doon ako naiyak. Ang hirap nga naman.



"Career over love, b-bes." Agad ko siyang niyakap nang mag-break down siya. Bakit kailangan pang mamili kung p'wede naman nilang ituloy? Bawal ba talaga ang may jowa sa industriya nila?



Nasa kalagitnaan nang pag-iyak si Franzielle nang lumabas si Zylhian sa veranda. Pinanood niya lang kami ni Franzielle. Akala ko ay wala na siyang gagawin pero mali pala ako. Lumapit siya saakin at lumuhod sa harap ni Franzielle.



"Hey, you broke up with Dhavien?" Umiiyak man ay nagawang tumango ni Franzielle. "Sorry to hear that. Be free, Franzielle. Be happy. Dhavien will be alright as time passes by." How soft. Mukhang na-in love ako, hays.



No feelings attached.



"Thank you." Ngumiti lang si Zy at tumingin saakin. Ngumuso ako na tahimik na ikinatawa niya. Anong nakakatawa ro'n?



Iniwan kami ni Zy para makapag-usap muli. Pero etong si Franzielle ay nagyaya na uminom. Bumili nalang kami sa malapit na sari-sari store. Syempre, alangan naman pumunta pa sa mall?



Kami lang na dalawa ang umiinom ngayon, at mukhang malalasing talaga si bes. Panay lagok at iyak ng babaknita. Gusto kong matawa at sabihing, "'yan, jowa pa," pero baka tumalsik ako.



"Bes, sigurado ka bang... walang namamagitan sainyo ni Zylhian?" Nabilaukan 'ata ako kahit liquid 'yung nasa bunganga ko.



"Wala, sus ano ka ba-"



"Talaga ha? Kapag ikaw nagsisinungaling pala, titirisin talaga kitang gaga ka." Ay scary naman. Pero 'di ko sasabihin, woi.



"Wala nga."



"E'di wow. Alam mo, bes-"



"Hindi." Sinamaan niya agad ako ng tingin sa pambabara ko.



"Syempre hindi! Kasi hindi ko pa sinasabi! Sarap mo minsan tadyakan-"



"Masarap lang bes, hays." Feel na feel ko ah, echosera.



"Yucks bes! Anong masarap? Pagkain ka ha?" Sasagot na sana ako pero may naunang sumagot.



"P'wede naman siyang kainin ah?" Nanlaki ang mga mata namin ni bes nang isagot 'yon ni Zylhian. Rawr, ang wild ni hubby. Pero sinamaan ko siya ng tingin. Hindi p'wedeng malaman ni bes ang totoo. "Kidding."



"Ano ba talaga kayong dalawa ha?" Ayan na ang tanong, shems. Bwiset naman kasi 'tong si Zylhian.



"Friends?" Umupo si Zylhian sa tabi ko at umakbay saakin. Friends ba ang ganito ha? "With benefits." Nanlaki ang mga mata namin ni Franzielle. "Just kidding. Friends it is. Plain friends." Hay, salamat naman.



Isang oras ang lumipas at mukhang may tama na rin ako. Si Franzielle ay tumbado na. Si Zylhian naman ay pinagmamasdan lang ako habang umiinom siya. Ano kaya problema ng lalaking 'to?



Ang g'wapo niya pala. Sobra. Ang malalim niyang mga mata ay tutok na tutok saakin. Dinilaan niya ang pang-ibabang labi at ngumisi. Shems, ang g'wapo, sobra!



"Ano bang problema mo? Kanina ka pa naka-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin at napapikit nalang nang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko.



Ang isang kamay niya ay nasa beywang ko at tumataas-baba. Napahawak nalang ako sa laylayan ng shirt niya. Nabitin ako. Oo, legit 'yung bitin. Bakit naman kasi tumigil siya?



Nagtitigan lang kaming dalawa. Sobrang lapit pa rin namin sa isa't isa. Parang sinusuri niya ang buong mukha ko. Seryoso lang siyang nakatitig saakin.



"Why are you so beautiful?" Lumakas ang pintig ng puso ko. Hindi yata ako makahinga. May kakaibang epekto iyon saakin.



"I can't- I really can't stop admiring your beauty." Hindi na ako nakapagsalita. Mabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now