thirty

156 14 67
                                    

Concert



Ang bilis talaga ng panahon. 6 years nang hindi alam ni Zy na may mga anak siya sa 'kin. Ganunpaman, hindi naman kami pinabayaan ni Zerlhian.



Pumutok ang mga balitang kinasal na sina Zylhian at Jennifer. Annulled na kami. Ako rin naman, ikakasal na ngayong taon. Sobrang sakit lang na mas pinili niya talaga ang babaeng 'yon. Ang mayroon kami ay wala lang talaga sakaniya.



Papasok na sana ako sa banyo nang tumunog ang phone ko. Agad ko iyong chineck at nagulat nang makita ang pangalan ni Franzielle! Jusmiyo!



From: Bes

Bes? Sana hindi ka pa nagpalit ng number. Si Franzielle 'to, kung sakali mang dinelete mo ang number ko.



From: Bes

Baka hindi ka na busy? Antagal na nating hindi nagkita. Gusto mo bang sumama sa concert ni Kyenn? Pupunta kasi ako ngayon...



To: Bes

Hindi na ako busy. Magkita na tayo. Wear a cap or a facemask. Sikat na vlogger ka na:)



Hindi ko na hinintay ang reply niya. Naligo na ako at nag-ayos. Simpleng shirt lang at pants ang suot ko. Tote bag lang din ang gamit ko ngayon.



Pagkababa ko ay natigilan si Zerlhian na nagsasalin ng gatas sa baso ng mga anak ko. Iniwan niya ang ginagawa niya at lumapit saakin. He cupped my face and gave me a kiss.



"Simple version of Aicah. You still look beautiful," he smiled. I smiled back.



Nang maalala ko ay tinext ko si Franzielle na kung p'wede ay sunduin niya ako. Pumayag naman siya kaya binigay ko na ang address namin.



Nang makasakay ako ay sinabunutan agad ako ni gaga! Nainggit siguro siya sa kulay ng buhok ko.



"K-Kinasal na siya kay Jennifer?! E, ikaw? Kanino ka engaged?" Ngumiti ako kay bes at pinakita ang lockscreen ko.



"Kay Z-Zerlhian?! Bes? Hindi nga? Sa kapatid talaga ni Zy? Oh my God." Napahawak pa siya sa dibdib niya sa sobrang gulat.



"Arranged marriage." Napatigil siya sa sinabi ko. "Akala ko... Hindi na nila ulit g-gawin 'yon."



"Bes.." Niyakap niya ako nang mahigpit.



"Mahal ko si Zerlhian. Pero iba ang pagmamahal ko kay Zylhian, bes," bulong ko.



Pagkapasok namin sa arena ay dinagsa kami! Pinaulanan nila ako ng mga katanungan.



"Ms. Zandraile, matagal ka nang hinahanap ng mga tao."



"Ano pong masasabi mo sa issue ninyo ni Zylhian?"



"Totoo ba na kinasal kayo ni Zylhian?"



"Damn! Stop it! She's getting dizzy. Fuck!" Natigilan ako nang marinig ang boses na 'yon.



"Hey, are you alright?" Pagtatanong ni Zy... Hindi ako nakaimik. Nagagalit ako... Dahil wala man lang siyang ginawa noon.



Hinila na ako ni bes palayo roon. Wala na ring nakalapit saamin. Lumingon ako sa puwesto ni Zy at kitang kita ko ang masayang mukha ni Zy habang kausap niya ang.. asawa niya.



Natapos ang concert ni Kyenn at itong si Franzielle ay nag-aya na mag-inuman sa bahay namin! Eto na rin siguro ang tamang oras na ipakilala siya sa mga inaanak niya.



Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now