thirty-two

166 14 56
                                    

I don't care



"Guilty."



May iba pang sinabi ang judge pero naiyak nalang ako sa tuwa. Tuluyan na akong malaya. Magbabayad na ang dalawa sa mga kasamaang ginawa nila.



Tumayo na kami at nakasabay pa ang dalawa. Si Jennifer ay nagpapaawa kay Zy. Pero hindi siya nito pinansin. Inalalayan na ako ni Zy palabas.



Maraming nag-aabang na reporters. Yumuko nalang ako nang lumapit sila sa 'min. Ang mga bodyguards ang nagbibigay distansya.



"Zylhian, maaari mo bang sabihin sa amin kung ano talaga ang relasyon n'yo ni Ms. Orontto?"



"Kinasal nga ba talaga kayo?"



"Nakita ka palang na kasama si Jennifer, na iyong asawa nang nakaraan, maaari mo bang ipaliwanag sa lahat ang nangyayari?"



Asawa. Mas napayuko ako dahil sa isiping may asawa siya.



"Ms. Orontto-"



"Enough. We'll answer your questions tonight," wika ni Zy na hindi ko naintindihan. Saan naman namin sasagutin? Paano?



Nakauwi naman kami sa bahay namin. 'Yung bahay namin noon. Siguro dito kami nakabuo? Shems. Memories bring back.



Agad akong sinalubong ng mga anak ko. Sasabihin ko na rin pala sa kanila ngayon. Ilang araw na kasi nilang tinatanong kung bakit hindi namin kasama si Zerlhian.



"Mommy's going to tell you something. A very important one..." Lumapit sila sa 'kin.



"Ano po?" Tanong ni Eiah.



"Daddy Zerlhian is not your real d-daddy." Hindi nakaimik ang dalawa. "Kaya tayo umalis sa place niya. After years of having this... Small fight with your real dad, nagkita na ulit kami. Tito Zylhian is not your tito, he's your d-dad..."



Nakita kong maluha si Eiah kaya hinaplos ko ang pisngi niya. Si Drei naman ay nakatayo lang at walang imik. Lumipat ang tingin ni Eiah kay Zy. Lumapit naman si Zy at lumuhod.



"K-Kaya po kamukha k-kita," ani Zyleiah kay Zy. Ngumiti si Zy at hinila si Eiah para yakapin. Hinawakan niya rin si Drei pero umiwas ito.



"You left us. Our mom cried because of you! You're not my dad!" sigaw ni Drei at umakyat sa taas, papunta sa k'warto nila.



"Zandrei!" Naramdaman ko ang kamay ni Zy sa kamay ko. Umiling siya sa akin.



"Just let him. Ako na ang bahala," aniya.



Etong si Eiah, halos hindi na humiwalay sa daddy niya. Nakakatampo pero sige. Si Zandrei lang talaga ang attitude. Mana naman kay Zy ang isang 'yon.



Si Zy naman, parang ayaw nang ibigay sa akin ang mga bata. Siya ba nagluwal? Nagpalaki? Nalelerki na ako, ha! Pero sige, tama lang 'yan. Ilang taon siyang 'di nagpakita.



Bigla akong inaya ni Zy. Nagsuot lang ako ng brown overlap two way top. Hindi ko na ginawang off-shoulder dahil baka mailang lang ako. Nag-jeans lang din ako para komportable.



Si Zy ay naka-white Adidas shirt lang naman at jeans. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng facemask o cap kaya nagtaka ako. Buti nalang at may kasama kaming bodyguards. Pero paano kung may makakita sa amin?



Huminto ang van sa tapat ng isang malaking gusali. Kinabahan ako nang mapagtanto kung nasa'n kami. Inalalayan na ako ni Zy pababa habang napapalibutan kami ng bodyguards niya.



Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now