eleven

177 17 50
                                    

NOTE; This chapter contains the scenes that I didn't include in CAC. This happened, months after the breakup scene of Franzielle and Kyenn. (Still remember that scene, wherein, Franzielle slapped Kyenn?) This is before chapter 12, which is entitled "move on and love again" of CAC.



Island



Manghang-mangha ako sa nakikita ko ngayon. As in, amin talaga 'to para sa limang araw? Grabe, ang ganda sobra. Sana nga ay kasama namin sina bes at Kyenn. Para kumpleto, yiii.



"Baby, come here." Napalingon ako kay Tyrell nang tawagin niya si Karenne. Bagay sila. Pero katulad saamin ni Zy, tinatago rin nila ang relasyon nila.



"Kinda' wish your best friend chose me." Nabaling ang tingin ko sa lalaking tumabi saakin. Si Xhaiven.



"Gusto mo ba talaga si bes?" Nilingon niya ako at mapait na ngumiti.



"No. I love your best friend." Hindi ko alam ang sasabihin ko sakaniya. Alam kong nasasaktan siya sobra.



"Xhaiven, bakit hindi ka gumawa ng paraan para mahulog siya sa'yo? Wala na sila ni Kyenn. Months na ang nakalipas."



Simula nung gabing maghiwalay si bes at Kyenn, naging close si Xhaiven saamin. Pero ni hindi niya inaya na makipag-date si bes sakaniya.



"Actually, Franzielle is here with us." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi naman namin kasama si bes ah? "I sent my private plane together with my personal assistants to take your bestfriend here-"



"Xhaiven! Oh my gosh! Bes!" Napalingon kami ni Xhaiven sa likuran. Nakita ko nga si bes na tumatakbo papalapit saamin.



Muntikan tuloy matumba si gaga pero nasalo agad siya ni Xhaiven. Kinikilig ako. Ship ko sila pero hindi ko dapat sabihin.



"Be careful, will you?" May bakas ng pag-aalala at galit ang tono ni Xhaiven.



"Sorry na. Kiss ko?" Ay gagang 'to. Nangunot tuloy ang noo ni Xhaiven. "Charot! Baka mag-assume ka nanaman, e. Bes! Omg! Napaka-bongga ng friend mong si Zylhian ah." Ay tangek.



Hindi niya nga pala alam na kami na ni Zy. Sabagay, wala naman talagang nakakaalam. Ang bandmates ni Zy ang alam ay kasal kami. Pero wala pang nakakaalam na boyfriend ko si Zylhian.



"Gagang 'to! Halika bes, papakilala kita kay-"



"Uhm, can I have her first?" Napalingon kami ni bes kay Xhaiven.



"Anong have her first? Ulol, ako bestfriend tapos ikaw mauuna-"



"I just want to talk to her about something..." Ah kaya naman pala. Binitawan ko si bes.



"Sige na. Mamaya nalang bes ha? Hahanapin ko lang si Zy!" Kumaway pa ako bago umalis. Natanaw ko si Zy na may kausap. Lumihis ako ng direksiyon at nagtungo nalang sa cabin namin ni Zy.



Pero nagulat ako nang makapasok ako. Kitang-kita ko si bes at Xhaiven na naghahalikan.



"Friends don't kiss, right?" Tanong ni bes kay Xhaiven.



"Friends with benefits then. I want to taste every part of you." O shocks. Lalabas na sana ako pero pisting yawa at natisod ako. Hindi naman ako natumba pero narinig 'yon ng dalawa.



"B-Bes?" Sa sobrang kahihiyan ay nagmamadali akong lumabas. Nabunggo tuloy ako sa isang lalaki.



"You look like you've seen a ghost." si Zy lang pala. "Ohhh well. Bud, sorry for that. Zandraile entered the wrong cabin." Hinila na ako ni Zy paalis do'n.



Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now