eight

154 17 7
                                    

Benefits



Kagigising ko lang at putak nang putak nanaman si mareng Zandy, char. Love ko pa rin si mader kahit gano'n 'yon. Naupo lang ako sa sala at inaantok pa ako.



"Zandra, nagpaplano ang mga Leimor na bilhan kayo ng bahay ni Zylhian. Para naman daw may uuwian kayo. At para maging close kayo ni Zylhian." Tumango nalang ako kay mama. Ayokong marinig ang tungkol saamin.



"Ate, ano ba yung narinig ko nung isang linggo? Ba't ang ingay n'yo ni kuya Zy?" Napalingon ako kay bunso.



"Nag-usap lang kami." Charot. Naglalandian.



Binilhan talaga kami ng bahay. Pinalipat na rin ako ni mama roon. Si Zy syempre ay hindi naman madalas sa bahay kasi nga busy siya sa concerts, shows, at mga kemerush.



Nagluluto ako ngayon ng ulam ko. Ako lang naman ang kakain e. Napaigtad ako nang may yumakap saakin mula sa likuran. Sa sobrang takot na baka kung sino 'yon, hinampas ko siya ng spatula.



"Ouch..." Nilapag ko ang spatula at agad na tiningnan kung nasugatan ba si Zy.



"Nakakagulat ka naman, e! Mukha kang magnanakaw."



"Tsk," ngumiwi lang siya at umiwas ng tingin.



"Ba't andito ka?" pagtatanong ko sa kaniya.



"I have my free time this week. And besides, I want to be with you." Alam kong wala lang 'yon sakaniya pero ang lakas ng epekto sa 'kin.



"So, magkasama tayo for a week?" Mukhang namangha siya sa tanong ko. Lumapit siya at bumulong sa tainga ko.



"Ready yourself," ngumisi siya bago tumalikod at naglakad palayo.



Para akong nanghina. Anong ready myself? Para saan? Umiling nalang ako at nagpatuloy na sa pagluluto. Kumain din ako ng solo kasi mukhang nagpapahinga si Zy sa taas.



Nang matapos ako ay napag-isipan kong pumunta sa master's bedroom. Pero wala ro'n si Zy. Hinanap ko siya sa walk-in closet pero wala rin.



Nagulat nalang ako nang maramdaman kong lumapat ako sa pader. Ang isang kamay ni Zy ay nasa likod ng ulo ko na tila ba pinoprotektahan 'yon. Ang daliri niya naman sa isang kamay ay pinaglalaruan ang pang-ibabang labi ko.



"Shall we?" Ano raw? Ba't naman kasi english pa?



"A-Anong- teka, teka. Anong shall we? Zy ah, pinatitibok mo nang kay bilis ang puso ko." Natawa pa siya ro'n.



"Shall we proceed to the bed?" Nahampas ko ang braso niya. Aba bwiset.



"Ayoko nga. Kawawa naman ang mani ko. Tse! Hahanap talaga ako ng lalaking mamahalin muna ako bago ako yayain na gumawa ng milagro," pagtataray ko sakaniya. Bahala siya diyan. Hindi 'to marupok, duh.



"But we had sex. Not only once, right? I know, you want me too right now," ngumisi siya. May naisip ako kaya napangisi rin ako.



"Okay let's do it- but with one condition." Akala mo, ha.



"Okay, what is it?"



"Leave your career." Tumaas ang isang kilay niya. Ano ka ngayon, ha?



"L-Leave my what? Career? Are you fucking joking-"



"I'm serious, Zy. We can have sex everyday pero iiwan mo career mo. Deal?" Unti-unti niya akong pinakawalan kaya napangiti ako.



"Not gonna happen. Never."



"So, mas importante ang career mo kaysa sa asawa mo?"



"No comment," iritadong sagot niya.



"No comment is already a comment." Genius ata 'to.



"I'll just sleep," aniya at binagsak na ang katawan sa kama.



Pumasok ako sa banyo para maligo. Nang matapos ay nagsuot lang ako ng komportableng damit. As usual, oversized shirt at maikling shorts lang. Naka-messy bun lang ang buhok ko.



Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang mukha ni Zy. G'wapo siya? Oo syempre. Mabango naman, matangkad, matipuno, mas maputi pa sa 'kin. Sana all, e.



Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya nalang akong hilahin pahiga. Pinaunan niya saakin ang isang braso niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko nang iyakap niya saakin ang isa niyang braso.



"Stay beside me. I'll just sleep for an hour. I'm tired," mahinang aniya.



Hindi na ako umimik o gumalaw. Hanggang sa bumagsak na ang mga talukap ko. Nagising nalang ako nang maramdaman kong may malaking kamay na pumipisil sa dibdib ko. Nagtama ang paningin namin ni Zy.



"Z-Zy... S-Stop-"



"I won't," aniya at kinubabawan ako.



"I-Itigil na natin 'to," pagmamakaawa ko sa kaniya.



"Why?"



"Ayoko na, Zy. Kung gagawin natin 'yung gusto mo, dapat mahalin muna natin ang isa't isa." Tinanggal ko ang kamay niya at umalis na sa kama.



Dumiretso ako pababa. Narinig ko ang mga yabag niya. Hinila niya nalang ako at tinulak pahiga sa sofa. Kinubabawan niya ako at hinawakan ako sa magkabilang palapulsuhan.



"Zandraile, we are married to each other. Do we love each other? No! But we agreed to this marriage-"



"At anong kailangan mo sa 'kin? Katawan ko?" Nangilid ang mga luha ko.



"Are you fucking crazy? Zandra, I need you, not your fucking body," binitawan niya ang isa kong palapulsuhan at pinunasan ang mga luha ko. "I need you. With or without feelings attached. I just feel it, I badly need you."



"Zy, ayaw na ayaw mo 'yung ginagamit ka pero- okay lang sa 'yo na manggamit ng iba? Tinanong mo ba kung masaya ako? Okay lang ba sa 'kin tuwing nagtatalik tayo? Hindi-" Nabitawan niya ako, kasabay nang pag-agos ng mga luha ko. "Hindi mo alam kung gaano akong nasaktan pagkatapos ng ginawa natin."



"W-Why?"



"K-Kasi... Hindi natin mahal ang isa't isa, Zy. P-Pero binigay ko sa 'yo ang lahat na parang normal lang 'yon." Pilit ko siyang tinulak palayo pero nahawakan niya ulit ako.



"Well, did you ask if I'm happy with this? Yes, I felt pleasure. But that doesn't mean that I want this! If you don't want this anymore, then leave. Let's- end this. The benefits? I don't need those anymore, but I think you still need those." Umalis siya sa ibabaw ko at tumalikod saakin.



"Your family needs us. Their business will go bankrupt if we won't continue this. But it's up to you. You have two options. Leave or live here. The decision is yours to make, Zandraile. Hindi kita pipigilan." Hindi niya na ako nilingon pa at umakyat na siya sa taas.



Napabaluktot nalang ako ng higa nang magsipag-unahan ang mga luha ko. Nayakap ko ang throw pillow. Habang inaalala ang mga sinabi ni Zy ay mas lalo lang akong naiyak.



Kailangan kong mamili.



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Under her Addictiveness [Fangirl & Idol Series #2] Where stories live. Discover now