Graduate na ng elementary ang anak namin ni Charles. Pero mas masaya siguro na nandito si Charles sat tabi namin at makita ang anak na kamukhang kamukha niya.
Pinuntahan ko si Charles sa airport nagbabasakali na maabutan ko pa siya pero wala na huli na ako sa oras nakalipad na sila isang oras na ang nakalipas. Sa totoo lang wala akong oras o araw na di ko sinisi ang sarili ko sa nangyari. Pero ngayon alam ko masaya na si Charles sa buhay niya ngayon. Masaya na ako na mabuti na siya kung saan man siya ngayon. Mahal na mahal ko parin siya at sa tuwing nakikita ang anak ko naalala ko ang pinakagwapong lalaki at matapang na lalaki sa buong buhay ko at wala na akong masasabi siya yung buhay ko.
Pagktapos ng ceremony agad dinala ng kapatid ko ang anak ko kakain daw kami sa restuarant. Pero may gagawin pa ako sa opisina.
" Honey? may gagawin pa si mama ok magkikita tayo sa restaurant okay?"
" okay mommy"
" Mae? ingatan mo si Charles okay?"
" Yes ghurl I know ako pa favorite ko tong pamangkin ko"
" Sige sabihan mo ko saang restuarant okay? "
" sige ghurl"
" mag ingat kayo"
" ikaw din" At umalis na sila papunta na ako sa parking lot para pupunta sa opisina pero gusto ko muna uminom ng kape sa 7 eleven kaya napa park ako.
Pagkakuha ko sa kape ko ay may nabangga ako na lalaki sa harap ng 7 eleven agad akong nataranta ang tanga ko talaga!
" Sorry, sir sorry!" Di ko tinignan ang mukha niya napatingin ako sa nabasang suit at sapatos niya agad ko itong pinunasan.
" Di ka parin nagbabago" Ang boses niya pamilyar namulat yung mata ko at nagulat ako agad akong tinaas ang ulo para tumingin sa taong mahal ko! tama nga ang hula ko tama nga! Si Charles Moore!
Agad akong umiyak at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit tuwang tuwa ako for how many years nandito na siya akala ko, na wala na akong pag asa.
" Charles matagal kitang hinanap" Pero di man lang siya umimik at di rin siya umiyak man lang walang emosyon ang nakita ko yung Charles na nakilala ko nag iba ang kanyang tindig at emosyon.
" Charles di ka ba masaya? Charles hinanap kita ng ilang taon"
" Hinanap? anong hinanap pinagsasabi mo?"
" Di mo ba naalala ako to ang mahal mo" Agad ko siya dinala sa parking lot at nag usap.
" Kilala kita alam ko"
" Di mo ba ako namimiss walang araw o taon o buwa ako nagbabasakali na bumalik ka Charles mahanap mo kami ng anak mo"
" Iniwan moko Rose, at sinabi mo sa akin bago ako naaksidente na di mo ako mahal winasak mo ang puso ko Rose at ngayon para saan pa? wala na Rose I have to go"
" Charles" Agad ko siya niyakap pero nagpumiglas siya at wala siyang gana at umalis siya.
Durog ang puso ko, nag iba ang tuno at pananalita ni Charles sa akin. May nag ring sa cellphone ko. " sis? saan kana yung anak mo?"
" papunta na ako" Di ko nalang tinapos ang trabaho ko sa opisina weekend naman. Uunahin ko muna ang anak ko na naghihintay sa akin.
BINABASA MO ANG
The Possessive MAFIA BOSS
RomansaThe wattys Winner 2020 contest Possessive Mafia Boss 1st of wattpad contest 1st wattpadstory "Let us start of our Introduction. Kung nakita mo na ang 365 days at fifty shades of grey amg swerte niyo." That is Rose Natashia AKA ang simpleng babaen...