Amethyst's
Halos pagpawisan ako nang matapos 'kong linisin ang kwarto ko. Papunta kasi si Jin ngayon kaso yung kwarto ko hindi prepared. Ewan ko ba kung bakit ganito to, napaka-kalat. Kahit anong pagka-minimalist ng kwarto ko, ang dami ko pa ding kalat. Minimalist collector ata ako, kung may ganon mang word.
Sininghot ko yung katawan ko, mukang kailangan ko na maligo ah. May pagka nakakahilo na yung amoy ko, baka pati si Jin ayawan ako. Kaya naman kinuha ko na yung towel ko at dumiretso sa restroom para maligo. Pagkatapos ko maligo, nag-suot lang ako ng sweatpants at t-shirt. Hindi ko alam kung kailan nag-start pero nag-bago na yung sense of fashion ko. From stilettos to sneakers and shorts to sweatpants. I hate to admit but maybe it's because I don't have to make myself look the best anymore.
"Gaano kalalim yang iniisip mo para hindi mo mapansin na andito na ako?" napalingon ako sa nagsalita at halos tumili nang makita 'kong may dalang apple cider donuts si Jin.
"Jin!" Tumakbo ako papunta sakanya "Donuts! Is this for me?"
"Hindi nalang."
"So para sa akin nga??"
"Hindi rin."
Pinalo ko siya. Jusko, sumasakit ulo ko sa lalaking 'to. Oo o hindi lang yung sagot pero ang daming sinasabi.
"Ow! Joke lang eh. Malamang sayo. Hindi naman ako nagpapataba eh." Sabay tawang sabi niya.
Okay so siguro isa 'pang factor kung bakit puro sweatpants nalang ako is because I gained weight. But then again paanong hindi ako magg-gain ng weight kung ganitong dala siya ng dala ng pagkain? Kasalanan niya din. "Ikaw 'tong dala ng dala ng pagkain eh. Ayoko lang naman masayang pera mo."
Inagaw ko na sakanya yung donut at umupo sa kama. In-on ko na din yung t.v para manoood sa netflix. Ganon lang naman madalas naming ginagawa pag free si Jin. Manonood sa netflix minsan nag-lalaro. Hindi ko na din masyado nami-meet sila Jungkook, ewan ko ba. Feeling ko kasi kapag nakipag-kita ako sakanila, malaki ang chance na pati si Taehyung makikita ko so no thank you.
Akmang uupo na sana siya sa kama ko nang sipain ko pwet niya. "Oh Bakit?"
"Ang kapal ng muka 'mong umupo sa kama ko pag-tapos mo akong asarin?" Pinandilatan ko siya ng mata.
Inisip niya saglit kung anong sinabi niya bago ngumiti at lumapit sa akin. "Ito naman hindi mabiro. Joke lang eh."
"Bahala ka dyan sa sahig." Sabi ko habang naghahanap ng pwedeng mapanood na movie. "Layuan mo nga ako Seokjin. Ang tapang ng pabango mo." Sabi ko pa pero syempre biro lang yun. Ang bango bango ng amoy ng lalaking ito eh.
Nang hindi ko siya pansinin ng ilan 'pang minuto, nag-kusa na siyang tumalon sa kama ko. "Hoy! Ang kapal m—" niyakap niya na ako agad bago ko pa matapos yung sasabihin ko.
"Don't tell me you're not comfortable with me in your bed."
Nararamdaman 'kong nakangisi siya nang sabihin niya yan. Nakakainis naman, napabuntong hininga ako bago umusog palayo sa kanya. "Okay fine. Whatever."
Ni-rolyo ko lang ang mata ko habang siya natawa. Habang namimili ng movie, nag-debate pa kami ni Jin kung anong magandang panoorin. Ang gusto niya romace habang ang gusto ko horror. In the end, romance ang pinanood namin. The Best of Me, kasi daw kapangalan ng isang kanta nila.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie nang biglang mag-salita siya. "I need to tell you something." Seryoso ang tono ng boses nya at alam 'mong hindi lang siya babanat ulit ng dad jokes niya.
