Amethyst's
May mga panahon talagang kapag sobrang bad trip ka na tapos dadagdag pa yung mga kaibigan mo para mas lalo ka 'pang ma-bad trip.
"Sorry girl, ang ganda talaga ni Megan. Kanog ka teh. Mag pakamayay ka na." si Zoella yan.
You feel me?!
Actually hindi ko alam kung bakit ako naba-bad trip. naiinis lang ako na naiirita sa di ko malamang dahilan. Ambot sa emo.
"Hindi ko hinihingi opinyon mo."
Mas binilisan ko pa ang pag-drive dahil naiinis na talaga ako.
On the way na kami sa private resort ng pamilya nila yoongi. Ang yaman diba? Ayaw niyang mangitim pero nagmamay-ari sila ng sariling resort.
Sa kotse ko naka-sakay si Zoe, Hoseok, Jin tsaka Jungkook. sa akin pa napunta yung mga mapang-asar. Sa kotse ng panget, kasama niya si Megan, Yoongi at Jimin habang ang sa kotse naman ni Namjoon, is yung mga foods at iba pang gamit.
Mas gusto ko pa kasama yung mga gamit at pagkain kesa sa mga to eh! Waga kung mang-asar, maiinis ka nalang.
"Selos na sya ooh!" asar ni Jungkook na nakipag-apiran pa kanila Jin.
"Hindi ako nagse-selos."
"Oh talaga 'tol?"
"Punyeta hindi nga!"
"Eh bakit ka nagmu-mura?" singit ni Hoseok tsaka sila nag-sigawan.
"Selos nga siya!"
"In denial ka pa gaga ka!"
"Don't worry, andito lang naman ako Amethyst."
"Luh si Jin hyung ang landi!"
Nakita niyo na? Sinong hindi maba-badtrip sa ganyan?! arghhh. Kung pwede lang ibangga itong kotse na ito sa poste ng hindi ako madadamay, ginawa ko na eh.
Third Person's
Habang inis na inis ang driver sa unang kotse, sa sumunod na kotse naman ay tuwang tuwa ang isang driver.
"Oh really? What did you do?"
"Of course I continued my signature walk ano!"
Halos si V at si Megan lang ang nagu-usap sa kotse ni Taehyun na akala mo meron silang sariling mundo. Si Yoongi tulog habang may nakasalampak na earphones sa tenga niya habang si Jimin naman mag-mukha ng ewan dahil sa pagka-awkward. Ayaw niya maging third wheel pero third wheel na siya kaya nag-focus nalang siya sa phone niya at nag-laro ng kung ano ano.
Sa kotse naman ni Namjoon— wala naman akong kailangan sabihin dahil mag-isa lang siya.
Ano pa ang ina-narrate ko doon bez.
Makalipas ang ilan 'pang mga oras, nagsimula na silang magsi-datingan sa private resort ng mayaman nilang kaibigan na si Yoongi. Siya ang nag-lead sakanila papuntang lobby para makapag-assign ng rooms. Aba syempre kwarto muna alangan namang lumangoy sila kaagad eh pagod sila sa biyahe.
